3rd Person's POV
"Justin nagugutom na ako" Kasulukuyang nakatayo ang dalawa sa labas ng arcade. Dumiretso sila agad ng arcade pagkatapos nila manuod ng sine kanina
Hindi man lang namalayan na alas tres na kaya gutom na si Riexha
"San mo gusto? Chicken wings okay lang ba sayo?" Tanong ni Justin "May mga pasta ba dun?"
"Meron naman"
"sige dun nalang"
Pagkatapos ay naglakad na ang dalawa nang hila-hila ni Justin si Riexha.
Pagkarating nila ay saktong kokonti lamang ang tao sa Frankie's kaya hindi nila kailangang mag hintay
"Table for two po"
"This way please"
Pumasok naman ang dalawa at sumunod dun sa babae para sa kanilang uupuan. Binigyan ng babae ng menu ang dalawa at nag-hintay sa orders
"Isang half dozen po ng spicy chicken wings, ikaw riexha??"
"Carbonara, tsaka isang garlic parmesan. Half dozen lang din hehe"
Tumango naman ang babae pagkatapos kunin ang menu at umalis na
"Riexha" Panimula ni Justin
"Hm?"
"May pag-asa ba ako sayo?"
Natahimik naman si Riexha. Hindi niya alam kung ano isasagot niya
Sakto namang dunating ang orders nila kaya kumain na ang dalawa. "Oh eto na yung Carbonara mo. Kumain ka na. Gutom ka diba?"
Tumango naman si Riexha bago sumubo ng Carbonara
"Riexha patikim ako ng Carbonara mo hehe andaming cheese eh"
Sinamaan muna ni Riexha ng tingin si Justin dahil nga gutom na ito bago tumango at kumain ulit ng Carbonara
Sumubo na ng Carbonara si Justin at ganon din si Riexha at sa kasamaang palad ni Riexha, ay pareho ng strand ng noodle ang nakuha ng dalawa
Nung una pa lang ay hindi agad napansin ni Riexha iyon hanggang sa kinakain na ni Justin yung kabilang dulo at paikli na to ng paikli
"Gago justin gupitin mo to" sabi ni riexha habang nasa kanyang bibig pa rin ang noodle
"mukha ba akong may dala ng gunting?"
Nagpatuloy lang si Justin sa pagkagat ng noodle hanggang sa halos isang inch nalang ang lapit ng mukha niya sa mukha ni Riexha
Kung nagtatanong kayo kung natakayo si Justin, syempre oo.
At syempre hindi magpapahuli si Justin kaya ang ginawa niya, kinain na niya ang noodle na nagcoconnect sa kanilang dalawa ni Riexha. Kaya nahalikan niya si Riexha.
Itinulak naman agad ni Riexha si Justin at eto namang tuwang tuwa si Justin ay napaupo
"Justin kanina ka pa sa photo booth! Ni-hindi pa nga tayo eh nakakailang halik ka na?!" Pagrereklamo ni Riexha sabay punas ng bibig at inom ng tubig
"Ehe so sasagutin mo nga ako. Dali sagutin mo na ako dito para di na ako manligaw"
Binatukan naman ni Riexha si Justin
"Ulol mo manahimik ka!"
"Eh kasi naman bat ka lumingon nung magpipicture na? Alam mo namang magkatabi lang tayo dun eh. Ikaw yung humalik sakin hehe"
Pag-sagot ni Justin habang kumakain ng chicken wings
"Aish! Ewan ko sayo!"
Kumain nalang si Riexha ng kanyang chicken wings at eto namang si Justin na tumatawa lang
"Oh ano?! Wag mo ko tawanan?! Bwiset ka"
"Bat ang init agad ng ulo mo? To naman. Ang kalat mo kasi kumain, yang sauce ng chicken mo, kung san san na napupunta" sabi ni Justin habang lumalapit at pinunasan ang dulo ng labi ni Riexha gamit ang kanyang hinlalaki
Syempre dahil hindi tanga si Riexha ay di naman ito natulala, at nagpatuloy lang sa pagkain
Matapos maubos ni Riexha ang kanyang chicken wings, ay inalukan pa ito ni Justin
"Gusto mo pa?"
Tumango naman si Riexha at ibinigay nalang ni Justin ang kaniyang chicken wings sa dalaga. Pinanuod niya lamang itong kumain at ganon natapos ang araw nila
======
Wat a lame chap
heyoooo
june 4 pasukan namin aAAA
======
NEXT UPDATETOMORROW
BINABASA MO ANG
second | JUSTIN
De Todo❝ they say love is sweeter the second time around ❞ date started: 04|27|18 date ended: 06|05|18 ┎6―9 percent epistolary series # 1 ┎yuehua rangers epistolary series # 1 all rights reserved