➸8 | narration

197 19 33
                                        

Riexha's POV

"JIANG RIEXHA BUMABA KA NA!! ANDITO NA MGA KAIBIGAN MO!!!" Sigaw ni mama galing sa baba. Pota sabi ko 1 magkita pero pumunta ng 11. Aba natulog pa ba tong mga to.

"OO ALAM KO!!" Dali dali naman akong kumuha ng damit pagkalabas ko ng cr. Pagkasuot ko ng damit ay kinuha ko na ang bag ko at itinanggal sa pagka-charge ang phone ko. Nagsapatos muna ako bago tumakbo papunta sa baba

Pagkarating ko sa baba. Ayun, kitang kita ko ang mga nakakaloko nilang ngiti sa likod ni mama. Tangina napaniwala nila si mama tas ako hindi?!

"Sige ma. Una na po ako" Pagpapaalam ko kay mama bago sila hilahin papalabas ng bahay

3rd Person's POV

"Oh mga deputa kayo. Sinong nagsabing pumunta kayo ng 11?!" Pagrereklamo ni Riexha pagkalabas ng bahay

"Teka hep hep. Pumasok muna tayo sa sasakyan atsyaka natin pag-usapan yan" Paliwanag ni Zhengting bago sila sumakay sa sasakyan nito

"Ano ulit Riexha?" Tanong ni Wenjun pagkahanap nito ng upuan, katabi nito si Chengcheng na kumain.

"Sabi ko mga deputa kayo. Sino ba kasing nagsabi pumunta kayo ng 11?!" Inis na sambit ni Riexha

Nagtaas naman ng kamay si Xinchun na nasa harap nila Riexha at Zeren. Katabi nito si Quanzhe

{ a/n: ganito arrangement nila
zhengting - -----
quanzhe - xinchun
riexha - zeren
wenjun - chengcheng

walang katabi si zhengting hehe.
pede niyo naman daw siyang tabihan idhir jk }

"Ahh ok ok. Sige maganda yan Xinchun" Sabi ni Riexha bago binigyan ng thumbs up si Xinchun na ikinatuwa naman nito

"Wow! So grabe kanina inis na inis ka kasi 11 kami pumunta tas ngayon ok lang sayo kasi si Xinchun nag aya?! HOW UNFAIR" Pagrereklamo ni Zeren na katabi ni Riexha at pinagtutulak ito sa bintana

"Tangina Ding Zeren tumigil ka kung ayaw mong mabasag ang bintana ng sasakyan ko at sayo ibato ang mga bubog" Singit ni Zhengting na nagddrive sa harap

Natigil naman sa pagtutulak si Zeren kay Riexha "Ah ahehehe sabi ko nga. Harsh mo naman fo koya huehue"

Napairap nalang si Zhengting at nagpatuloy sa pagddrive hanggang sa makarating sila sa mall

"YES NANDITO NA TAYO WOOH!! NAKALAYA NA DIN WOOH!! YEAH!! WOOH!!" Sigaw ni Zeren matapos iparada ni Zhengting ang sasakyan at nagsibabaan sila. Pinagtitignan naman siya ng mga ibang tao sa parking lot

"Alam mo *nguya* nakakahiya ka talaga *nguya* kahit kelan Zeren *kagat sa chocolate* " Singit ni Chengcheng na kumakain

"Tsk. What a b!tch" Pagtataray ni Zeren. Nanlaki naman ang mata ni Quanzhe sa narinig nito. "MAMA ZHEEENGGG!!" Sigaw ni Quanzhe na tumatakbo kay Zhengting na nauna na sa paglalakad papasok ng mall. Sa likod naman ni Quanzhe si Xinchun at Riexha na sumusunod sa kaniya.

"Bakit??"

"Nagmura po si Zeren-ge"

Tumigil naman sa paglalakad si Zhengting kaya nabangga sa likod nito si Xinchun at nabangga din si Riexha sa likod ni Xinchun. Domino effect lang ganern

"Ding Zeren" Tawag ni Zhengting. Napatingin naman si Zeren na nakikikain na rin sa chocolate ni chengcheng kasama si Wenjun. Napataas naman ang kilay nito

"Anong ginawa mo?"

"Ooh look what you made me do" Kanta ni Zeren bago nagbody rolls sa performance nila ng EOEO ng school fest noon

second | JUSTINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon