Eto ako nakaupo nanaman sa paborito kong upuan, paborito kong pwesto sa lahat. Kung saan ay mahangin at maaliwalas ang paligid. Feeling ko kapag nandito ako feeling ko safe ako.
Dito ko din madalas inaantay ang pagdating at pagsilip mula sa bintana ng kanyang kwarto ang kababata ko. Kababata kong kailanman hindi ako pinabayaan, kailanman hindi ako iniwan, kailanman hindi ako dina-down na kahit ganito ako.
Siya ang kababata kong Si Earth.
Mayaman pero hindi matapobre. Magaling makisalamuha sa tao. Mahirap man o mayaman, wala siyang pinipili. We've been together since we were at the age of 6.
Naalala ko nung first meet namin sa tapat ng bahay namin. Pinagtatawanan ako ng mga batang perpekto mula ulo hanggang paa, inaasar nila ako dahil sa ganito ako. Laging madilim ang nakikita ko, madilim ang paligid ko. Lagi nilang sinasabi sa akin na wala daw akong kwentang tao, wala daw akong pakinabang sa mundo. Iiyak na ako nung time na iyon hanggang sa dumating ang isang batang lalaki, ipinagtanggol niya ako sa mga batang nang-aasar sa akin. Binigyan niya ako ng panyo para ipahid sa mga luha ko.
Actually nung time na iyon sobrang saya ko. Kasi yon ang first time ko na may nagtanggol sa akin, aside from mama and papa. Simula non hindi na niya ako iniwan, sabi pa nga niya na siya ang magiging superman ko.
I'm so fluttered that time kaya hindi ko maiwasang umiyak. Akala pa nga nila mama ay inaway niya ako kaya pinalayo niya ako sakanya but sinabi ko naman ang totoong nangyari kaya mas naging close si Earth kila mama at papa.
"Good Afternoon!" Narinig kong boses mula sa likoran ko.
Naramdaman kong lumuhod siya sa harapan ko at kinuha niya ang magkabila kong kamay. At naramdaman ko nilapat ito sa magkabila niyang pisngi.
"How's your day here?" He asked.
"As usual, boring." Nakangiti kong wika sakanya habang kinakapa yung mukha niya.
Earth has an tall nose, fluppy lips?, I don't know pero alam kong mahitsura din siya. Lagi din niyang sinasabi sa akin na ang gwapo gwapo niya daw. Heartthrob daw siya sa school nila. In fact, lagi nga siyang isinasali sa mga pageant at siya ang laging 1st place.
I heard him laughed, "Hayaan mo malapit na akong mag-college. 1 year nalang. And after that kapag nakapasa na ako sa board exam, magagamot na kita. Makikita mo na din ang gwapo kong mukha."
I smirked.
Lagi niya sa akin sinasabi na magte-take daw siya ng kursong medisina pagtuntong niya sa kolehiyo, dahil pangako niya sa akin na siya ang gagamot sa mga mata ko.
Mahirap lang kami, at tama lang yung natatanggap na income nina mama at papa every month. Hindi kaya para ipagamot ako. Pero okay lang naman sa akin kung mamatay akong ganito pa din. Walang nakikita, laging kumakapa sa dilim. At kahit kailan hindi ko sinisisi ang diyos dahil sa kalagayan ko. Nagpapasalamat na lang ako dahil binigyan niya ako ng mababait na magulang at isang mabait na kaibigan.
"Pero kapag nakakakita kana huwag kang hahanap agad ng boyfriend ah."
"Sira. Sino ba naman ako para gawin iyon." Pagbibiro ko sakanya.
"asdfghjklzxcvbbnmqwer."
Hindi ko na narinig yung huling sinabi niya dahil binulong na lang niya iyon sa sarili niya. Ngumiti na lang ako.
YOU ARE READING
Love Is Not Blind (Short Story)
KurzgeschichtenThis is only a short story. A story who will prove to you that Love is not Blind.