Second Chapter

12 0 0
                                    

"Sainne tara na!" Sigaw ni mama mula sa baba.



Kasalukuyan akong nag-susuklay ng buhok ko na medyo may pa-curl sa dulo. Hindi ko man kita pero ramdam ko ang pagkakulot nito.




Tumayo na ako at kinuha yung tungkod ko.



"Opo ma, pababa na ako." Sagot ko.



Magsisimba kami ngayon, kasi ito yung pinaka-importanteng araw na pinakahihintay ko. Ang 18th birthday ko. 2 years na din ang nakakalipas simula nung mag-graduate si Earth as a 4th year high school. And he is now taking medicine at Ateneo School of Medicine and Public Health (ASMPH). Ang sabi niya hanggang sampung taon siyang mag-aaral ng medisina. At hintayin ko daw siya. Nakaka-dalawang taon na siya at may walong taon pa siyang gugugulin.



"You look so pretty sainne." Both my mama and papa said. I smiled at them. Inabot na nila ang mga kamay ko at inalalayan palabas.




"Happy birthday my Mary Zeusainne." Papa said.



Masyado nila akong pina-flutter kaya medyo nararamdaman ko na din ang pagpatak ng mga luha ko.





I am now wearing an above the knee dress. Sabi ni mama simpleng kulay maroon lang naman daw ito kaya wala daw akong dapat ikahiya. Mama gave me this as her gift, and that was so sweet. And my papa? He gave me a colored beige flat shoes. Like what my mama said, simple lang din daw ito at bumagay daw sa dress ko.





Sumakay na kami ng tricycle para ihatid kami sa simbahan. It's 6 in the morning at alam kong may pasok si Earth ngayon kaya hindi siya makakasama. Pero mamaya naman daw ay pupunta siya sa bahay pagkauwing-pagkauwi niya. Yan ang promise niya sa akin.


"Nandito napo tayo." Sabi ni manong driver.



Bumaba na kami at pumasok sa simbahan. Saktong paumpisa na ng misa at buti nalang may naupuan pa kami.

-

Pagkatapos ng misa ay dumiretso na kami sa isang fast food chain. Doon daw namin ice-celebrate ang birthday ko, pero may konting hinanda din naman si mama sa bahay para sa mga darating na bisita mamaya.





Ayaw ko ng magarbong 18th birthday. Ganito lang ang gusto ko, isang masaya at sama-samang salo-salo.




Hindi din ako nagrereklamo dahil hindi ako nakapag-aral. Tinuturuan pa din naman ako ni Earth hanggang ngayon. Halos lahat ng pinag-aaralan nila ay may alam na din ako. Pero Minor subjects lang naman iyon, iba na daw kasi kapag major subject na niya. Puro about sa pagdo-doctor na kailanman ay hindi ko maiintindihan dahil hindi iyon ang field na gusto ko.





"Sainne anong oras daw makakapunta si Earth?" Mama asked.





"Hindi ko din alam ma e. Pero ang sabi niya mga hapon nandon na daw siya." I commented.



"Talaga ang batang iyon. Napaka-sipag mag-aral." Proud na sabi ni papa, kaya napangiti na din ako.



"O siya kain na tayo." Mama declared.



Tahimik lang akong kumain, pero sila mama at papa ay nag-uusap about sa trabaho nila. Hanggang sa matapos kami. Nagyaya na din akong umuwi dahil tanghali na din.

Dumadami na din ang mga bisita, halos lahat ay mga ka-trabaho ni mama at papa. Wala din naman kasi akong mga kaibigan na para imbitahan, maliban kay Earth. Siya lang inaasahan kong pupunta na kaibigan ko.





Ramdam kong paunti na din ng paunti yung mga bisita dahil nagsisi-uwian na din ang iba. Mag-gagabi na din, pero wala pa din si Earth. Hindi naman siguro aabutin ng ganitong oras yung pasok niya sa school. Lagi nga siyang nandito kapag hapon at galing school. Ngayon lang ito nangyari.




Love Is Not Blind (Short Story) Where stories live. Discover now