Earth's Point of View
Ayaw akong palabasin nila mommy at daddy dahil alam nilang kay Zeus lang ako pupunta. Ano bang problema nila kay Zeus? Mabait naman siya ah, at...
At...
Oo na, maganda siya kahit hindi siya nakakakita. Ang ganda-ganda ng mga mata niya lalo na kapag ngumiti siya. Matangos ang ilong at maputi din siya. I felt my face is turning red.
I have a crush on her. At gusto ko siyang ligawan pero paano? Masyado pa kaming bata at ayaw ni mommy sa kanila. Kasi daw mahirap lang sila. Ano naman pakiaalam ko don?
Nasa kwarto lang ako at nagkukulong. Wala na akong magawa dito kaya naisipan kong dumungaw sa bintana. At sakto nandon si Zeus sa terrace nila.
Nakaupo at animo'y nilalasap ang bawat hanging dumaan sakanya. She's so pretty kahit saan mo tignan.
"Pssst!" Sitsit ko sakanya. Pero hindi niya ata ako narinig.
"ZEUS!" I shouted. Narinig na niya ako kaya lumingon siya sa malapit sa bintana ko.
"Earth?" She shot back.
"Yes! I'm Earth! Sorry hindi ako makapunta dyan. You know my mom." I apologized.
Ngumiti lang siya, "Ok lang, ano kaba." Sagot niya sa akin.
-
Kakatapos lang ng school ko at eto ako bumabiyahe pauwi gamit ang sasakyan namin na dina-drive ni Manong Kier.
Excited na akong bumaba, kanina pa kasi ako uwing-uwi. Gusto ko ng makita si Zeus. Siya ang nagsisilbing inspirasyon ko sa pag-aaral. Sabi ko sakanya, pagtuntong ko sa kolehiyo ay mag-aaral ako ng kursong medisina para gamutin ko siya.
"Nandito na tayo." Agad akong bumaba sa tapat ng bahay nila Zeus. Pumasok na ako dahil lagi nama daw akong welcome dito. Nakita ko si Zeus na nakaupo sa terrace nila.
Umakyat na ako para batiin siya.
"Good afternoon!" I greeted.
Nakita ko ang ngiti sa muka niya nung marinig niya ang boses ko. Pumwesto ako sa harap niya at umupo na paluhod.
"How's your day?" Wika ko sakanya.
Kinuha ko yung magkabilang kamay niya para ilapat sa muka ko. Ipaparamdam ko lang sakanya kung gaano ako kagwapo. Dejoke.
"As usual, boring." Nakangiting wika niya sa akin habang kinakapa yung mukha ko.
I laughed, "Hayaan mo malapit na akong mag-college. 1 year nalang. And after that kapag nakapasa na ako sa board exam, magagamot na kita. Makikita mo na din ang gwapo kong mukha." sambit ko.
She smirked.
"Pero kapag nakakakita kana huwag kang hahanap agad ng boyfriend ah." Nakangiting sambit ko sakanya.
"Sira. Sino ba naman ako para gawin iyon." Pagbibiro niya.
"Liligawan pa nga kita e." Bulong ko.
Alam kong hindi narinig ni Zeus iyon. Sinadya ko naman talaga na hindi iparinig iyon. Nahihiya kasi ako sakanya.
-
Dahil nagugutom na din ako, dito na ako kumain kila Zeus. Angsarap kaya magluto ni Tita Mandy. Sarap na sarap ako sa pagkain kay hindi ko nagawang kausapin pa si Zeus. Ok na sa akin ang makita ko siyang nakangiti sa harap ko.
YOU ARE READING
Love Is Not Blind (Short Story)
Short StoryThis is only a short story. A story who will prove to you that Love is not Blind.