Napakagandang mga bata.Titig na totig ang estranghero sa dalawang sanggol na nasa loob ng crib.Puno ng inggit ang kanyang mga mata.I could have been your father.Hindi niya mapigilang hawakan ang maliit na kamay ng isang sanggol.Nakangiti ito sa kanya at puno ng kainosentehan ang mga mata habang ang isa ay himbing na himbing sa pagtulog.
Inilibot niya ang tingin sa kuwarto ng dalawang sanggol,pulos karangyaan ang masasalamin sa bawat bahagi ng silid.Mula sa kanyang kinaroroonan ay dinig na dinig niya ang kasayahang nagaganap mula sa ibaba.Sa pagkaalala kung para saan ang serebrasyon ay muli siyang nakaramdam ng di-matatawarang kirot at hapdi sa kanyang puso.
Bago pa lumalim ang kayang pagbabalik-tanaw ay muli siyang bumaling sa crib ng dalawang bata.Ang gising na sanggol ay kumawag-kawag na animo nilalarong anghel.Ilang sandali niyang nilaro ito hanggang sa makarinig siya ng mga yabag ng mga raong pumapanhik ng hagdanan.Maingat niyang kunuha ang isang sanggol.Bago lumabas ng verandah kung saan siya palihim na dumaan kanina ay umusal muna siya ng panghingi ng tawad.Maingat na naklabas siya ng mansyonnang walang nakakapansin.Hindi pa man niya napapaandar ang kaniyang kotse ay pumunir na sa kataliman ng gabi ang palahaw ni Arlyn.
BINABASA MO ANG
Her Other side
Romance"Paano kung napagkamalan ka sa ibang katauhan at dinala ka sa isang isla?Paano kung hindi mo namamalayan ay untu-unti ka na palang nahuhulog sa kanya?Paano kung biglang bumalik ang toong may-ari ng katauhan na hiniram mo lang,handa mo bang kalimutan...