Kabanata 6

8 2 0
                                    

Hi Precious Faith Rante ng 9-Platinum sa BNHS👋👋...IMY.Study hard.

----
Jamila's P.O.V.

"What are you doing?" Kunot na kunot noong sabi ni Michael nang bumungad siya dito sa laundry area. Abala ako sa paglalaba ng damit namin sa washing machine.

"I'm doing the laundry,can't you see?" Balewalang sagot ko.

Titig na titig ito saakin na animoy nakakita ng alien.

"Saan ka natutong maglaba?Allergic ka sa detergent, di na?" Mangha paring sabi niya.

"Si Precious siguro,but not me.I live alone in my pad in Korea so I know all the house chores."

Dahil sa sinabi ko ay mukhang nainis ito."Fine,fine. Whatever. You need help?"sabi niya.

"Hindi pa naman.Malaya na siguro kapag magsasampay na ako.Anyway, kumain ka na muna.Nakahanda na ang breakfast sa mesa.Hindi ko kasi alam kung among oras ka magigising kaya nauna na ako." Sabi ko habang tuloy-tuloy paring sa pagpiga ng damit.

Nagulat ako dahil bigla na lang may kamay na humawak sa pinipiga kong damit.

"Tulungan na niya." Sabi niya habang pinipiga niya ang hawak kong damit kanina.Tumango na lang ako.

Tinulungan niya among magbalnaw.Habang pinipiga ko ang damit ay nagulat na naman ako dahil may ngtalsikang tubig sa mukha ko pa tingin ko ay si Michael na tawa ng tawa.

"Gusto mo ng laban?Sige,pagbibigyan kita." Sabi ko ng natatawa.

Tumayo ako at sinabuyan ko rin siya ng tubig habang tumatawa.Sinabuyan niya rin ako hanggang sa nagsabuyan nakami.Basa na siya kaya bakat na bakat ang abs at muscle dahil naka sando lang siya.Napalunok naman ako sa nakita ko.

Nang mapagod kami ay hinito na naman ang pagsasabuyan ng tubig.Tinulungan niya akong magbalnaw at magsampay ng damit.

-----

Tanghali na kaya nandito ako ngayon sa kusina at nagluluto ng adobong manok para sa tanghaliaan at tapos na rin akong magsaing ng kanin.Habang hinahalo ko ang niluluto ko ay may naramdaman akong katawan sa likod ko at paglingon ko aynakita ko si Michael na inaamong ang luto ko.

"Ang banggo naman ng niluluto mo." Puri niya.

"Sempre ako ang nagluto,eh." Nagyayabang ko sabi.

"Alam mo kung banyan ka na noon pa siguro hindi mo na kailangan pang maglayas para lang pakasalan kita kasi,baka minahal na rin kita noon pa lang." Napatigil ako dahil sa narinig ko sabi alam ko na hindi ako ang tinutukoy niya at hindi rin ako ang taong inaakala niyang ako.Sa katotohanang hiram ko lang ang katauhang ito.Na maaaring mawala na ako sa istoryang ito kung bumalik si Precious.

Hindi na lang ako sumagot at pinagpatuloy ko na lang ang pagluluto.Nang matapos akong magluto ay kumain na kami.Walang umiimik saakin habang kumakain.Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na ako ng pinagkainan.

"Ako nang maghuhugas ng pinag kainan natin tutal ikaw naman ang magluto kaya ako naman." Alok niya.Umiling naman ako.

"Ako na lang kaya ko na pumunta ka na lang sa sala at manhood ng t.v." sabi ko naman.

"Hindi tutulungan na lang kita." Hindi na ako umangal dahil alam ko ng hindi siya magpapapigil.

Tinulungan niya akong maghugas ng pinggan.Pagkatapos naming maghugas ay nagtungo na kami sa sala at nanood ng t.v.Habang nanonood ay naisipan kong kumuha ng chips at ice cream.Tumayo ako at maglalakad na sana pero may humawak sa kamay ko si Michael magkatabi lang kasi kami.

"Punta lang ako ng kusina.Kukuha lang ako ng chips at ice cream." Sagot ko.

"Okay.Bilisan mo,ah.Kunan mo na lang rin ako." Sabi niya.Tumango naman ako.Tinanggal na niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

Her Other sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon