Jamila's P.O.V.
Paggising ko ay nagulat ako dahil hindi ko alam kung nasaan ako.Inilibot ko any paningin ko at naalala ko na natulog pala kami dito sa tabi ng dagat.Binuksan ko ang tent ko at lumabas.Nagpasya akong lumabas at mag-jogging.Nag-jogging ako ng 30 minutes medyo mainit na kasi kaya nagpasya akong bumalik sa tent.
Nang makarating ako sa tent ay nakita ko si Michael na nililigpit na lahat ng gamit.
"Saan ka galing." Tanong niya.
"Nag-jogging many ako.Tulungan na kita." Sabi ko.Tumango-tango naman siya at ibinigay saakin ang ilang gamit.
Pinasok namin lahat ng gamit sa loob ng bahay.Nang matapos ay nagluto naman kami ng breakfast. Pagkatapos naming kumain at maghugas ng pinggan ay nag-aya siyang lumangoy sa dagat.Pumayag naman ako.Nagbihis na ako ng two piece at nagsuoot ng maluwang at manipis na damit.Naglakad na ako papunta sa tabi ng dagat.
Tinanggal at hinagis ko any damit ko at tumakbo papunta sa tubig.Inikot ko ang tingin ko para mahanap si Michael pero wala pa siya.Lumayong ako papunta sa gitna.Nandito na ako sa malalim na bahagi.
Lumalangoy ako ng biglang sumakit ang paa ko at hindi ko maigalaw.Tinaas ko ang kamay ko para makahingi ng tulong.Nakainom ako ng tubig at nahihirapan na akong huminga.Unti-unti na akong lumulubog,hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.BLACK.
Michael's P.O.V.
Naglalakad ako ngayon palabas ng bahay.Na Short lang ako kaya kitang-kita ang abs ko.Nang makalabas ako ay nagulat ako dahil may nakita akong kamay na unti-unti ng lumulubog.Naisip ko agad si Precious kaya tumakbo ako.
Nakita ko siya na lumulubog at wala ng malay.Lumangoy ako at hinila ko siya sa gilid ng dagat.Hiniga ko siya sa buhangin.I CPR her.Maya-maya ay nagbuga siya ng apoy este tubig na may halong gold fish,hindi joke lang syempre tubig lang,haahhah.
Pagkagising niya ay niyakap ko agad siya ng mahigpit.
"Anong nangyari?" Taking niya.
"Nalunod ka kanina." Sagot ko.Tumango naman siya ng maalala ang nangyari.
Binuhat ko siya ng bridal style dahil halatang nanghihina pa siya.Buti na lang hindi na siya pumalag.Pinasok ko siya sa loob ng kwarto niya.Kinumutan ko siya at pinatay ko ang A.C.Kumuha ako ng twalya sa C.R. tapos ginamit ko iyong pampunas ng buhok niya para matuyo.Iniwan ko siya at nagtungong kusina.Nagluto ako ng sopas at nagtimpla ng gatas para lumakas siya.Pumasok ako sa kwarto niya na may hawak na kutsilyo este tray pala.
Inalalayan ko siyang umupo pagkatapos ag sinubuan ng sopas at pinainom ng gatas.Inalalayan ko run siyang humiga nang makatulog na siya ay lumabas na ako.
Nagtungo ako sa kwarto ko at nag-impake ng mga damit pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto niya at kumuha ng damit niya.
Tinawagan ko si Vincent yung P.A ko para maihanda ang helicopter.
Jamila's P.O.V.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw.Bumaba na ako dahil nakaramdam ako ng gutom.Habang bumababa ako sa hagdan ay may naamoy akong bacon,hotdog,itlog,at sinangag.Dumeretso ako sa kusina at umupo sa mesa.
"Good morning.Kain na tayo." Sabi niya saakin.
Nakaahain na ang mga pagkain.Umupo na rin siya.Kumakain kami ng bigla siyang nagsalita.
"Nakahanda na pala ang mga gamit no aalisna tayo mamaya." Bigla niyang sabi.
"Anong sasakyan natin at saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Darating na maya-maya ang helicopter dun tayo sasakay.Pupunta tayo sa Farm namin." Sagot niya.
"Farm?" Pag-uulit ko.
"Oo.Alam ko naman na ayaw mo sa Farm kaya pwede kang manatili sa kwarto gaya ng dati kapag pupunta tayo doon." Paliwanag niya.
"Siguro si Precious but,not me." Sabi ko.Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko.Walang farm sa Korea kaya hindi ko pa nararanasan ang magpunta sa isang farm kaya ngayon ay gusto kong maranasan at masulit ko naman ang pang-kikidnap niya saakin.
Punong-puno ng excitement ang puso ko habang nakasakay kami sa helicopter at papunta sa Farm na sinasabi niya.
Namangha ako pagbungad palang saamin ng mga tanim at alaga nilang hayop.
Kumain kami pagkatapos ay nagpasya na kaming matulog kahit maaga palang dahil sa pagod.Exited na ako para bukas.Susubukan ko lahat ng hindi ko nasusubukan.Natulod ako sa kwarto ko 'DAW' kapag nagpupunta ako dito.
Michael's P.O.V.
Tanghali na ako nagising dahil pagod ako sa byahe.Bumaba na ako at nagtungong kusina.Nakita ko si nanay Maria.Nanay na ang tawag ko sa kanya dahil siya ang parang nanay ko kapag nagpupunta ako dito.
"Good morning nanay Maria." Bati ko sakanya.Napatingin naman siya saakin.
"Good morning din iho." Bati rin niya.
"Nasaan po si Precious?" Tanong ko.
"Nakaalis na iho,kanina pang umaga." Sagot niya.Napakunot naman ako ng noo.Baka tumakas na siya.
"Saan daw po siya pupunta?" Tanong ko.
"Pupunta daw siya sa kapehan.Nabanggit ko kasi na anihan ngayon ng kape.Nagtaka nga ako eh kasi dati nasa kwarto lang siya maghapon pero ngayon eh ang aga nagising nagpunta pa sa kapehan." Paliwanag niya.Tumango naman ako dahil tama siya.
"Sige po pupuntahan ko lang siya." Sabi ko at tumalikod na hindi ko na hinintay ang sagot niya.
Naglakad na ako.Nakasalubong ko si Mang Jiro.
"Good morning sir." Bati nya.
"Good morning din Many Jiro.Nakita mo po ba si Precious?" Sabi ko.
Tumingin naman siya sa paligid at itinuro ang isang babae nakatalikod.Nang lumingo siya ay nakita kong nakangiti siya habang hawak-hawak ang basket na may lamang kape.Naglakad ako palapit sa kanya.
"Hi.Good morning. Look ang dami ko nang nakuha.Bilis,ikaw din."Masiglang ipinakita ni Precious ang hawak na basket na malapit na ngang mapuno.Kumuha pa siya ng basket na walang laman at inabot saakin.
" Ang aga mo,ah.Hindi na kita naabutang hiding."Nahawa na ako sa sigla niya.
"Kasi naman ang kupad-kupad mo.Saka hindi ko alam na yayain mo akong magpunta dito.Narinig ko lang kay Manang Maria na anihan ngayon.And since ngayon ko lang ito ma-e-experience,I grabbed the chance." Sabi niya.
"Kumain ka na ba? Baka himatayin ka na lang bigla Ryan.Ang init na,oh." Sabi ko.
"Kumain na ako kasama nila.May pagkain sila dito,nakikain ako." Nataw na lang ang mga trabahador sa Padang batang kilos niya.
"Naku,pinaskit mo pa ang ulo ng mga tao dito.Baka nakunsumi mo pa sila." Pang-asar ko.
"Hoy,excuse me.Mabait ako,no.Nung nagkamay sila,nagkamay din ako.Marunong kaya ako." Nagmamalaking sabi niya.She looked very beautiful under the sun.I could not help giving her quick kiss on her cheek.
"Ano ka ba,ang daming tao." Kunwa ay reklamo nito ngunit nakangiti naman.
"Halika,doon tayo sa konti ang tao." Natatawa kong hinila ang kamay niya.Dinig na dinig namin ang hayagang tuksuhan ng mga tauhan ko.
Buong umaga ay magkasama kaming nag ani ng kape kasama ang lahat ng trabahador sa farm.Sabay-sabay rin kaming kumain ng tanghalian.Namangha ako dahil tulad ng sinabi ni Precious ay marunong siyang nagkamay.At kahit isang saglit ay hindi ito nakaramdam ng kahit anong pagkailang maski mga trabahador ang among kaharap.
💖To be continue💖
BINABASA MO ANG
Her Other side
Romance"Paano kung napagkamalan ka sa ibang katauhan at dinala ka sa isang isla?Paano kung hindi mo namamalayan ay untu-unti ka na palang nahuhulog sa kanya?Paano kung biglang bumalik ang toong may-ari ng katauhan na hiniram mo lang,handa mo bang kalimutan...