Ang Buod
Halina at tayo ay magbalik tanaw sa kabataan ni Moira, alamin ang dahilan ng pagkasira ng kanyang isip, tuklasin kung sino ang ama ng iniluwal niyang supling na si 🔪PRINCESS FIONA🔪 na siyang magiging sentro ng kwentong ito at siya ding babagabag sa bawat gabi at pagtulog niyo. At malamang si PRINCESS FIONA na iyang nagkukubli sa karimlan ng iyong silid, nakamasid sa pagtulog mo at nag iisip kung anong pagpapahirap at kamatayan ang nababagay sa iyo!
~MARUMING DUGO~
"Nakatingin na naman sa akin ang babaeng matabang iyon...twing umaga ay nandun na sya sa tapat..."
Papasok sa opisina si Jared at medyo patakbo pa nyang tinawid ang kalsada mula sa kanyang inuupahang apartment, paliko sa kalsada patungo sa abangan ng dyip. Ito na siguro ang pang apat na araw na napapansin nya ang matabang babae na tila may kakulangan sa pag iisip na nakaupo sa sidewalk sa tapat ng apartment nya. Pano ba namang hindi mo sasabihing may kulang sa isip nya eh sa edad siguro nitong mga 16-18 anyos ay naka bloomer shorts pa ito na may ruffles at may bib pang halos hindi mai laso dahil na rin sa katabaan nito.
Nang umagang iyon ngumiti si Jared sa matabang babae nang makita niyang titig na titig ito sa kanya habang tumatawid siya. Wala naman sigurong masama kung ngumiti sa isang taong kapos palad na may kakulangan sa isip, ika ni Jared sa sarili. Tao parin naman siya. Lubhang maawain at mabait talaga itong si Jared sa kapwa tao. Bukod sa makisig pa at talaga namang guwapo.
ABANGAN...
🔪Malapit na po! 🔪
BINABASA MO ANG
Mga Kwento ng Lagim #wattys2018
TerrorLahat ng nilalamang kwento dito ay pawang kathang isip ng may akda. Lahat ay orihinal at halaw sa mga malilikot na balintataw, guni guni, at pakikipagsapalaran ng may akda, mga kakilala at kaibigan sa mundo ng kababalaghan. Magsimulang magbasa upang...