Chapter 1

7 2 0
                                    

Dane's POV

"Dane, hali ka na baka malate tayong tatlo" sabi ni Anne isa sa bestfriends ko.

"Oo pababa na"

"Ang tagal mo naman kasing magbihis" sabi ni Princess ikalawang bestfriend ko.

"Pababa na nga eh, nag iinarte pa kayo tara na nga" sabay hila sa kanila.

"Hanep ikaw na nga ang HINIHINTAY ikaw pa ang may gana magreklamo?" sabay emphasize na pasabi sa hinihintay.


"Tsk." sabay paslak sa tainga ko ang earphones saka pumikit. Ayaw ko kasing makipagtalo dahil hahaba lang ang usapan. Nagmamadali kasi sila kaya gustong gusto na makita ang mga boyfriend palibhasa kasi nakain na sa pag ibig. Hayst kapag hiniwalayan yan siguradong sigurado ako iiyak yan at magkukulong sa kwarto.

Btw. I'm Dane Reyes. Isang ordinaryo kumbaga sakto sakto lang ang talino, sakto lang ang kagandahan, at sakto lang pananamit. Syempre kahit ordinaryo lang ako mahilig ako sa libro para na ngang kulang na lang ipakasal na ako sa libro dahil sa pagka obsess ko. Kaya dahil mahilig akong magbasa syempre walang lovelife, walang problema, sinasaktan lang ang damdamin nila. Kaya hanggang ngayon ang laging tanong na nasa isip ko kapag nakakakita ng mga mag girlfriend boyfriend, Bakit kapag sa una ang sweet nila pero kapag nagtagal nagsasawa na kaya iniiwan ? Pero 'wag niyo nang sagutin mapapahaba lang. Hindi ko pala nasasabi kong saan ako nag aaral, nag aaral lang naman ako sa Liceo High in short LH pangit ang pangalan kumbaga pero hindi ko alam kong bakit ayan ang napiling pangalan ng may ari na ito. Syempre dahil highschool lang ako 16 years old pa ako. Pero kahit libro lang pinagkukunan ko ng atensyon may crush parin ako at 'yon ay si Reven Wade yung kaisa isang kaibigan kong lalaki sa amin yung close hindi yung kaibigan lang na kaibigan.

Ipapakilala ko rin pala sila Anne at Princess. Si Anne ayon fashionista, maganda,mabait, may pagkamaldita pag aawayin mo pero kahit ganon yon mahal ko yon. Syempre hindi mawawala ang lovelife niya minsan nga yung boyfriend niya kasama niya sa recess or sa lunch time. Pero ok rin yon basta bestfriend pa rin kami.

Si Princess naman ayon may sarili ring lovelife. Pero kahit may lovelife siya may time parin naman siya para sa amin ni Anne. At sa aming tatlo siya ang pinakamature mag isip kumbaga advicer (hindi adviser na teacher) expert kasi pag abot sa love kaya ayan anong nangyari. At parehas lang sila ni Anne na fashionista hindi ko nga alam pag abot sa love magiging blooming kana. Hayst pag ibig nga naman...

Hindi ko namalayan nasa tapat napala kami ng school.. kaya pala sobrang saya ng bestfriends ko nandito na kasi kami at makikita na nila mga boyfriend nila... samantalang ako nahihiya kasi makikita ko nanaman ang crush ko na si Reven.... kahit kasi close kami hindi ko pa rin magawang hindi mahiya, pero nandito na ako o kami kaya napabuntong hiniga na lang ako.

" Dane halika na," excited na sabi ng magaling kong mga bestfriends.

"ok" habang nagdadalawang isip kong bababa ba o hindi bababa?

Huminga na lang ako ng malalim bago bumaba no choice rin naman ako dalawa sila isa ako.

"bababa rin pala eh" sabay hila.

*sa loob ng school*

"ang ganda talaga dito kahit kailan dane at princess noh? walang pinagbago tulad pa rin ng dati"

"oo nga eh, dati na tayong nag aaral dito pero maganda parin sa paningin ang school na 'to pangit nga lang ang name ng school. HAHAHAHAHA!" sabay tawa nila

Totoo 'yong sinasabi nila maganda ang school,maganda sa paningin ng tao kaya hindi ito nakakapagod tignan pero yung pangit ang name ng school totoo rin yon.

"alam niyo kung ako sa inyo hahanapin ko ang room na papasukan ko ngayon malalate tayo niyan eh" putol ko sa kanila.

Sabay walk out. Sanay naman 'yung dalawa pag nagwowalk out ako kaya hindi na kailangan magpaalam.

~queen_dreamer09

Let Me BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon