Dedicated po kay Papa dahil binilhan niya ako ng bagong phone! Thanks Pa! Luv u!
______________________________________________MAZHY'S POV
Hayy. Ang boring talaga, as usual, nandito parin ako ngayon sa hospital. Nakaka-inis! Gusto ko na talagang umuwi! Ayoko ko na dito! Pwede paki-alis na ako dito? Mom!
Anyways, ang mga parentz ko pala, nasa labas, walang ginawa kundi mag-kape ng mag-kape. Tsk. Ayaw ko na kasi dito! Kasi naman lagi nila akong tinutusukan sa aswero ko eh. Ang sakit-sakit! Sabi kasi ng doctor pain killer daw eh.
Habang naka-tingin ako sa labas ng bintana ko, biglang bumukas yung pinto. Nang tignan ko kung sino yun, S-Si M-Mhylex? At ang barkada niya except si Dane. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko...
LUB DUB LUB DUB LUB DUB.
Anong ginagawa nila dito? Nung nakita niya akong gising, nagulat siya bigla. Ano bang inaasahan niya? Na tulog ako? Eh hindi nga ako comportable dito sa lugar na to eh. Aish!
"Ah, hello. Kamusta ka na?" Tanong niya.
LUB DUB LUB DUB LUB DUB.
"A-Ah, okay lang naman ako, eto nabo-bored." Sabi ko. Tinignan ko yung side table netong kwarto, flowers, as in FLOWERS?! Para sakin ba yan? Tsk. Malamang Mazhy, para sayo yan, para kanino pa ba? Tsk. Stupid mo rin eh.
Biglang lumabas yung dalawa ng tumatawa... anong problema nila? Hayy.. ngayon ang awkward. Wala manlang nag-sasalita ni isa saamin.
"Uhmm, Mhylex?"
"Hmm?" Sabi niya habang kinaka-likot lang yung mga daliri niya.
"Matanong ko lang, yung tungkol kahapon? Yung sinabi mong gusto mo ako? Totoo ba yun?" Tanong ko. Please sana Oo! Sana Oo!
"H-Huh? N-Narinig mo lahat ng pinag-usapan namin kahapon ni D-Dane?" Gulat niya sabi. Tumango lang ako... Umayos siya ng pagkaka-upo... "O-Oo." Sabi niya. Really?! OMG!!! Totoo nga!
"Weh?! Pati yung sinabi mong dati mo pa akong crush?" Masayang sabi ko. Pero nakakunot-noo lang siya tapos nagalin-langang tumango. Anong problema? NEVERMIND.
Napakamot siya ng ulo at parang may gusto siyang sabihin... "Uhmm.. Mazhy, kasi yung sinabi ko sayo na gusto kita? Hindi yun to---" Naputol ang sasabihin niya nang dumating sila Mom and Dad kasama yung Dalawang ugok. De joke lang...
Sobrang saya ko ngayong araw na to! Feeling ko talaga wala ng bukas! Sana hindi na matapos to! Tsaka feeling ko, para akong nanalo sa lotto at 1 Million pa yung napanalunan ko! Ang saya talaga! Tapos may dumating nanamang doctor! Aish!
Siguradong tutusukan nanaman nila ako ng pain killer! Hay nako naman! Ang sakit kaya niyang sa inner skin mo! Hindi mo mapipigilang mapa-sigaw!
"Sir, Ma'am?" Sabi ni Doc sa parents ko na kararating lang para mag-kape. "Pwede niyo na pong iuwi ang pasyente bukas na bukas din.. mas maganda na po yun kaysa magdamag na nandito sa kwartong ito. Maaaring nabo-bored na siya dito. Kasi actually, pwede naman stable naman na ang lagay niya." Sabi ni Doc. Really?! OMG!! Makaka-alis na din ako dito sa pesteng hospital na ito! WAH! Let's Celebrate!!! De joke lang...
YEY!!!!! Ang corny! mukhang bata! haha...
*********************
MHYLEX' POVAish! Ano nanaman ba yun?! Tanga ko! At alam kong masasaktan lang si Mazhy dahil sa sinabi ko! Shit!
Kaka-alis ko lang galing sa hospital, binisita ko lang si Mazhy.. pero bakit ba nadu-duwag akong sabihin sakaniya na hindi yun totoo?! Na walang Malisya yun? Hindi ko alam pero kinakabahan na ako sa nangyayari at pwede pang mangyari! At alam kong kahit anong gawin ko, masasaktan at masasaktan ko parin si Mazhy dahil sa sinabi ko. Crap. WTF?! Kagaguhan nalang ba ang alam ko?! Bakit hindi ko kasi na-isip yun? Sana hindi nalang niya narinig ang lahat ng mga sinabi ko nung mga oras na nag-susumbatan kami ni Dane. Tsk. Yung Dane kasi na yun eh, andaming tanong!
Pagkarating ko sa bahay, nag-laro nalang ako ng psp ko. Tsk. Pampalipas oras at pampawala ng problema.
"Mhylex, kararating mo lang psp ka kaagad?" Hays! Dadagdag pa si Mom?! Aish! Shete! Hindi na nga lang ako makapag-isip ng gagawin ko eh! Hay nako naman. Siguradong mag-aaway nanaman kami ni Dane dito kasi alam ko namang gusto niya si Mazhy eh. Tsk.
Tumayo ako at nag-pasiyang pumunta nalang sa bahay nila Mazhy since magkapit-bahay lang naman kami. Of course, first, I knocked at their door. May nag-bukas, si Tita Cris.
"Oh, Mhylex, ijo! Andiyan ka pala!" Sabi ni Tita. Siguradong naka-uwi na sila dito kasi pinayagan naman na sila kahapon ni Doc eh. Kaya okay lang. At alam kong nandito na sila. "Haha. Nakaka-tuwa naman kasi nag-sabay pa kayo ni Dane na pumunta dito." Sabi ni Tita. Wait, WHAT?! SI DANE ANDITO?!
Aish! Napa-kamot nalang ako ng ulo ko. Coincidence?! Tsk. Nakaka-inis! Naunahan pa ako! ano nanaman bang ginagawa niya dito? Cinareer niya talaga yung sinabi niya sakin, na balak niyang ligawan si Mazhy? pero hindi yun mangayayari kasi, if I know, hindi pa siya nakakapag-moved on sakin eh. tsk.
"Uhmm, Tita, tanong ko lang po, totoo bang nililigawan na ni Dane si Mazhy?" tanong ko.
Medyo nag-isip siya saglit, she even touched her chin.
"I think, yes. He always visiting Mazhy here." sabi ni Tita. "Bakit, ijo? May problema ba?" tanong niya. Umiling lang ako. Shit! I think, naunahan na niya ako. Sheez! Bat ba ganito ako? Erase. Erase. Anong sinasabi kong naunahan?! May gusto na ba ako kay Mazhy?! Hays!
"Sige po Tita, alis na po ako. Bye!" sabay wave ko pa.
"Hindi mo din ba dadalawin si Mazhy?" pahabol na sigaw pa niya.
"Hindi na po! Kinamusta ko lang po kayo!"
***********
MAZHY'S POVNandito sa bahay si Dane. As usual binibisita niya ako, syempre kasi kalalabas ko palang dun sa hospital. Wala lang. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa kung okay lang ba ako?
"Mhhmm... Okay naman na ako ngayon, pero syempre kailangan parinn ng rest." naka-ngiti kong sabi.
Yan na siguro ang pang 50 na tanong niya sakin ngayon. Haha...
"Tanong ko lang, Mazhy, Naging kayo ba ni Mhylex?" Tanong niya.
Huh? Bakit niya kailangan tanungin yun? Shetlag! Naman!!
"H-Hindi." nauutal ko pang sagot. Eh hindi naman talaga! Ang naaalala ko lang, sa isip ko lang naging kami.
Tumango-tango siya. "Pwede ka bang mag-kwento about sa inyo?" Oo nga pala, sinabi ni Mhylex na gusto niya ako sa harap ni Dane.
Ikwe-kwento ko na ba?! Sige na nga. Dahil kinikilig ako sa sinabi ni Mhylex sakin eh. Wala kayong pakealam! Buhay ko to!
"Ganito kasi yun, Kababata ko si Mhylex, ang mga moms namin including Mianxhel. Magbe-bestfriends." sabi ko, tapos tumango-tango lang siya. Wait, speaking of Mianxhel, these past few days, hindi na niya ako masyadong nilalapitan and hindi ko na siya masyadong nakikita. "Tapos, uhmm..." sasabihin ko ba na dati palang gusto ko na si Mhylex? Eh alam ko namang gusto niya ako eh. Ayaw ko lang naman na masaktan siya. "Dane, tara muna sa table, gusto mo bang kumain? Desert? Or Drinks?" tanong ko. Nang tignan ko yung mukha niya, para siyang nagtataka na ewan. Kakaiba yung mukha niya.
"Ahh hindi wag nalang. Ituloy mo nalang yung kwento mo. Haha..." sabi niya ng nagtataka padin.
Napa-kamot nalang ako ng ulo ko. Aish! Ayoko mag-kwento! Pero gusto niya talaga eh. Tsk. Bahala siya.
"Dati pa man, may crush na ako kay Mhylex." sabi ko. Napa-kagat nalang ako sa kuko ko. Ramdam ko kasi yung disappointment sa mukha niya eh. Sabi ko na nga ba eh.
"Ahh ganun ba? Sige alis na ako. Katatawag lang kasi ni Mama kanina eh." sabi niya then nag-wave bye siya. Hayy.. Nag-wave bye nalang din ako in return.
Sa tingin ko...
NASAKTAN KO SI MHYLEX...
_____________________________________________
Hi guys! Okay ba tong chapter na to? Pyeong saeng-in opso. [A/N: Walang Forever.]
Readerz! Comment lang po kayo kung nagustuhan niyo po tong chapter. Nasaktan si Dane? Omo! Abangan....
Guys! New cellphone ko pala tong ginagamit ko! Huawei Y6! Thanks kay Papa!
![](https://img.wattpad.com/cover/146703262-288-k320095.jpg)
YOU ARE READING
Starting The Love💕 [on-going]
Novela JuvenilIsang ordinaryong babae ang patuloy na umaasa sa isang lalaking gusto niya mula noong kabataan niya pa? Ano ang gagawin ng destiny para sakanilang dalawa? ABANGAN!! STARTING THE LOVE💕