Dedicated sa Papa ko parin hihi...
______________________________________________DANE'S POV
Shetlag naman... Ang alam ko si Mhylex ang noon pa'y may gusto kay Mazhy. Yun pala, Si Mazhy yung may gusto kay Mhylex. Kaya gustong gusto kong marinig kung ano man sana yung sasabihin ni Mazhy bago pa niya masabi yung sinabi niya. Kasi ang alam ko talaga.... Aish! Nakaka-disappoint.
Agad akong nagpa-alam kanina kay Mazhy kasi ayaw kong ipakita sakaniya na mahina ako. Na parang naluluha ako. Pero shetlag lang! Nakaka-pang hina ng loob! Feeling ko, nahinaan ako ng loob na ligawan si Mazhy.
Sa ngayon nandito ako sa kwarto, nagmumok-mok. Hindi kasi ako mahilig masyado sa alak kasi iba ako pag malasing. Masasabi ko ang lahat ng secrets ko sa ibang tao kapag lasing ako, tapos umaga nalang, pagtatawanan ako nila Mhylex dahil dun sa nasabi ko nung lasing ako, nito lang yun last week. Kaya iniiwasan ko na muna ang malasing. Nakakahiya eh.
**********
FLASHBACK...Nandito kami ngayon sa bar. Nag-yaya si Mhylex, eh treat niya daw eh. Kasi nga binilhan na siya ng Dad niya ng bagong sasakyan. Yung bagong labas na brand new car, yung mamahalin. Hindi niyo kayang bayaran yun! Milyones eh.
Nag-order na si Mhylex ng sampung red horse. Ayoko mang uminom kasi nga may side effect ang pag-inom ko ng alak kaya lang, gusto ko talaga eh. Ano bang magagawa ko? Hayy... Nag-simula na kaming magtawanan at magkwentuhan.
"Lex, sino nga ba yung sinasabi mong kababata mo?" tanong ko.
"Change topic nalang, pare." sabi niya. Anong problema? Tsk. Bastardo. Haha...
Oo. Ang ayaw na ayaw niyang pag-usapan ay ang kababata niya. Di ko alam name eh. Pero ayaw sabihin. Sabi lang naman samin ni Lex,
'She's so annoying!' hahaha... Abnormal. Parang bakla lang eh.
Makalipas ang Isang oras.. Lasing na kami kasi hindi lang kami naka-sampung bote, naka-bente pa nga yata kami eh. Tapos si Lex, parang hindi pa lasing. Tigasin talaga yan pagdating sa inuman. Walang nakakatalo diyan. Pati tong dalawang ugok na to. Parang hindi pa din lasing.
"Tara na, pare. Magkaka, hangover nanaman tayo bukas." sabi nung isang ugok na kasama namin. Tawag namin sa isa't isa, ugok. Except lang kay Lex kasi ayaw na ayaw niyang matawagan ng ganun eh. Hayy. Maarte talaga yan! Masanay na kayo! Tumayo ako na sinimulan ko nang makaramdam ng pagka-hilo. Di ko alam kung ano nang pipiliin ko. Lahat ng makikita ko sa paligid ko, dala-dalawa lahat ng mga gamit. Nahihilo na talaga ako.
"P-Pare, U-Uwi na ako." Sabi ko ng nauutal pa. Ayoko na, mapagalitan pa ako ni Mama eh.
Sumunod nalang din sila sakin. Siguro lasing na din sila.
Pagka-pasok namin sa loob ng Sasakyan ni Mhylex, sasabihin ko palang na baka ma-aksidente kami dahil puro kami lasing but before I could ever say that, everything went black.
*************
KINABUKASAN....Nakarating na din ako sa wakas dito sa bahay nila Mhylex, eh paano, may hangover pa ako, tatawag siya ng napaka-aga?! Shetlag! Ang sakit sakit pa ng ulo ko. Agad nalang din akong pumunta, emergency daw eh.
Nang makita ko sila Lex sa couch nila, napatingin sila sakin at agad na tumawa pa. Anong problema nila?! Tsk. Siraulo.
Umupo ako sa available na space dun sa couch nila, mahaba kasi yun. Hanggang ngayon, naiinis parin ako kasi tawa padin sila ng tawa. Ano bang problema nila?! I hate this situation. Yung na o-op ako. Ako lang yung walang alam? What a bullshit.

YOU ARE READING
Starting The Love💕 [on-going]
Genç KurguIsang ordinaryong babae ang patuloy na umaasa sa isang lalaking gusto niya mula noong kabataan niya pa? Ano ang gagawin ng destiny para sakanilang dalawa? ABANGAN!! STARTING THE LOVE💕