CHAPTER 2: One Sided

164 101 37
                                    

"Dahil sayo." nagulat ako sa sinabi ni Carlito at gusto ko nang ma-tae sa kanyang mga pinagsasasabi.

Dahil sayo akoy matapang
Dahil sayo ako'y lala--

Stop! Paulit ulit na yung kanta from last chapter e.

"A-ako?" sabi ko sabay turo sa sarili ko.

"Nalaman ni ma'am Charon na lumipat ako ng ibang club at dahil yun sayo." literal na napanganga lang ako dahil bigla kong naalala na pinuntahan ko pala si Ma'am Charon nung oras na matapos ang paguusap namin ni Sir Fernandez. Pinakiusapan ko lang naman si Ma'am Charon na ibalik si Carlito sa Music club dahil magaling si Carlito at mas bagay siya sa Music club kesa sa Sports club.

"A-ah, yun ba? Hindi ako yun. Sino ba ang nagbalik sayo sa music club na yan! Tara, r-resbakan natin." palusot ko nalang sa kanya para hindi na siya magalit pa. Nakita ko namang walang expresion ang bakas sa mukha ngayon ni Carlito dahilan para masabi ko na galit talaga siya. Bakit ba kase niya gustong lumipat ng sporst club? Umalis na siya sa harapan naming dalawa ni Daniel pero hinila ko na naman siya pabalik.

"Eh, carlito! San' ka pupunta?" hindi naman niya ako pinakinggan at nagpumiglas sa hawak ko sa kanyang uniform.

"Classroom." tipid niyang sabi matapos niyang matanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. Binalik ko ang tingin ko kay Daniel na ngayon ay nalilito sa mga pangyayari at nalilito din sa mga ikinikilos ko.

"Daniel, pasok na muna ako sa classroom namin. Bye!" matapos nun ay iniwan ko na si Daniel sa canteen at tumakbo papunta sa gawi ni Carlito. Sasabayan ko siyang pumunta sa classroom, may mali ba dun? (hehe)

Naglalakad kami ngayon ni Carlito sa hallway papuntang classroom. Yes, tama ang narinig niyo. Magkasama kami ngayon ni Carlito, ahihihi. Kaso ang tahimik ng paligid, nakakabingi. Ano kayang topic ang pwede kong i-bring up para naman may mapag-usapan kami? Hmm... Ah! Alam ko na!

"Carlito." napatingin naman si Carlito sa akin at binigyan ako ng 'ano-ba-look' na palagi niyang ginagawa sa tuwing kinukulit ko siya.

"Anong bayani ang palaging nakahubad?" alam kong corny to pero mas mabuti na to diba kesa naman sa wala kaming mapag-usapan. Blanko parin ang expression ng mukha niya at hindi ko alam kung nagiisip ba siya o sadyang hindi lang siya nakikinig.

"Ako nalang ang sasago--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.

"Jose Hubad Santos?" bakas sa mukha niya na gusto niyang sumagot ng tama dahilan para matawa ako. Ang pogi parin.

"Nope, it's Undress Bonifacio HAHAHAHA!" sa kabila ng pagtawa ko ay isang blank expression lamang ang nakita ko sa kanyang mukha kaya itinigil ko nalang ang pagtawa ko. Mukha akong tanga, di bale na bastat kasama ko si Carlito, hehe. Naglakad naman ng mabilis si Carlito pero hinabol ko na naman siya.

"Carlito, anong baboy ang marunong mag-karate?" bigla naman kumurba ang kanyang lips at bumuo ng isang smirk dahilan para kumabog ng todo ang puso ko. Stop it, carlito. Ang pogi mo na sa lagay na yan.

"Porkchop." lumiko na siya papasok ng classroom namin, hindi ko man lang napansin na nandito na pala kami sa tapat ng classroom. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako pero parang nahagilap kong napangiti ko si Carlito sa oras na lumiko siya papasok ng classroom. Hindi kaya napangiti siya dahil sa joke ko? Ahihi <3

Umupo ako sa upuan ko. Ang ganda ng view dito sa upuan ko. Mukha ni Carlito lamang ang nakikita ko mula rito. Love talaga ako ng teacher namin, hehe.

Ilang minuto pa ay dumating na si Sheri dala dala ang ilang mga folders na kanina pa ipinatatrabaho ni Ma'am Jona sa kanya. Yan ang napapala ng mga sipsip. Tsk tsk. Dumating na din di kalaunan si Ma'am Santiago (English teacher) at nagsimula nang magturo sa amin.

A Message From A PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon