CHAPTER 3: The Letter

134 94 15
                                    

Kinagabihan...

Naka-upo ako sa study table ko at pinag-aaralan ang mga natalakay namin kaninang umaga sa klase. Biglang sumulpot si kuya sa harapan ko at may ibinigay na isang sobre ng sulat. Tinaasan ko siya ng kilay at tinaasan din naman niya ako ng kilay pabalik.

"Ano ba! Spill the tea." sabay hampas sa kanya dahil mukhang walang patutunguhan ang pagtataasan namin ng kilay.

"Look at what I've got!" pangiingit niya sa akin, pero hindi naman ako naiingit. Duh.

"Umalis ka na nga! Storbo." irap ko sabay tingin ulit sa notebook na kanina ko pa nirereview. Nang mapansin kong hindi pa siya umaalis ay tinignan ko na siya ng masama. Parang baliw! Tinitignan lang niya ang letter na hawak hawak niya at hindi iyon binubuksan.

"Sayo ba yan? Ayieeeee!" naintriga na din ako sa dala niyang letter. More like, love letter kase color pink at may mga puso puso na drawing.

"Kanina kase nakita ko si Carlito sa may hallway at mukhang pauwi na siya." paliwanag ni kuya. Hindi naman niya sinagot ang tanong ko kaya nakunot ang noo ko.

"Tapos? Magkasabay kaya kaming umuwi kanina." paliwanag ko din sa kanya at sumenyas lang siya na hindi pa daw siya tapos mag story. Nakinig nalang ako sa sasabihin niya.

"Hindi ko na siya hinabol pa kase may ginagawa pa akong props doon sa Theatre gym. Nang matapos na kaming lahat ay pinauwi na kami, pero bago iyon ay dumaan muna ako sa locker ko para magpalit ng shirt at nagulat ako nang may isang babaeng tumatakbo paalis mula sa locker ng boys. Hindi ko na nahagilap pa ang mukha niya kase nagulat ako nang may isang sobre ng love letter na nakaipit sa locker ni Carlito." nakanganga lang ako the whole time na nagso-story si Kuya Pat.

"At sa tingin ko ay galing iyon sa babaeng nakita kong tumatakbo paalis." bulong niya sa akin dahilan para masapak ko siya.

"BA'T MO KINUHA? BALIW KA BA." sana tinapon nalang yan ni kuya sa basurahan. Tss.

"Mahirap na baka makuha pa ng iba, kinuha ko nalang para kay Carlito. Bukas ko nalang to ibibigay, gabi na e." sabi niya sabay tayo mula sa pagkakahiga sa kama ko.

"Teka kuya!" hila ko sa kanyang damit pabalik sa kama ko. "Binuksan mo ba?" dagdag ko pa.

"Nope, it's private. Gaga." irap niya sabay tayo ulit sa pagkakaupo, pero hinila ko na naman siya pabalik.

"Akin na nga yan!" kinuha ko mula sa kamay niya yung letter at binuksan ito. Alam kong nagulat si kuya sa ginawa ko pero WALA AKONG PAKE.



Dear Carlito,

First day palang, gusto na kita. Ikaw ang naging inspirasyon ko para pumasok sa school araw araw--



Hindi ko na tinapos ang pagbabasa at pinunit ko na ito hanggang sa maging basura nalang ito. Dali dali akong tumakbo palabas ng kwarto ko at itinapon yung basura sa basurahan kung saan nararapat iyon. Nang makabalik ako sa kwarto ko ay sinundan ako ni kuya ng tingin at nakanganga lang siya.

"GAGA KA BA! PARA YUN KAY CARLITO!" sigaw niya sabay palo ng ulo ko. Napa-aray naman ako sa sakit.

"B-bawal ang mga ganyan kay Carlito!" palusot ko kay Kuya dahil wala na akong ibang maisip na dahilan.

"SINO NAMANG NAKAPAGSABI SAYO?" sigaw ni kuya dahilan para mapatakip ako ng tenga ko. Ang ingay!

"Hindi naman niya yan tatanggapin e! Eish." padabog akong umupo sa kama.

"PAANO KUNG MALAMAN NUNG BABAE NA HINDI SI CARLITO ANG KUMUHA NUNG LETTER!?" natatarantang sigaw ni kuya dahilan para mamula ang buong mukha niya.

"Hindi naman siguro niya malalaman. Pero kung..." sabi ko sa kanya nang may biglang lumabas na ideya sa utak ko. Isang napakagandang ideya na tanging mga genius lang ang makakaisip hehehehe. Binulungan ko si kuya tungkol sa plano ko, hihihihi.

"ANO!? NABABALIW KA NA BA!?" galit paring sigaw ni kuya dahilan para mapatakip na naman ako ng tenga ko.

"Trust meeee! Sige na. Shoo! Alis!" tinulak ko na palabas si kuya mula kwarto ko at ni-lock na ito para hindi na siya pumasok pa sa kwarto.

Umupo ako ulit sa study table ko. Kumuha ako ng papel at ballpen at nag-isip kung ano ang isusulat ko, hihihi. <3

Nang matapos ako sa ginagawa ko ay humiga na ako sa kama ko at nagfacebook nalang. May isang friend request ako from FR AN CIS at dahil si jungkook na idol ko sa BTS ang profile picture niya ay kinonfirm ko agad ito. Sa oras na kinonfirm ko ang request niya ay bigla siyang nag-chat sa akin.


FR AN CIS:

Hi, goodevening.

You:

Hello. Bye.

FR AN CIS:

Wait!





Hindi ko na pinansin pa yung chat niya at nag log out na ako sa account ko. Bahala nga siya, hindi ko naman siya kilala. Then natulog na ako, goodnight!



* * *

Notice: Hey guys, to be clear, ito po ang pinakaunang chat ni FR AN CIS kay Karen. Yung nandun po sa prologue ay mangyayari palang sa 'future'. Parang throwback lang po itong chapter na ito. But still, I thank you for reading this!

Author's note: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Plagiarism is a "wrongful appropriation" and "stealing and publication" of another author's "language, thoughts, ideas, or expressions" and the representation of them as one's own original work.

PLAGIARISM IS A CRIME PUNISHED BY LAW.

A Message From A PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon