Happy One Month

603 19 9
                                    

Nagtuloy-tuloy ang routine namin ni Reeve sa pagbabantay. Ultimo sa weekend ay magkasama na kami sa unit ko. Doon na siya nakakatulog sa dating kwarto ni Christie. Uuwi lang ito sa unit niya kapag maliligo at magpapalit ng damit. Parang nagbabahay-bahayan lang kami. Ano na lang gagawin ko kung wala si Reeve? Hindi naman ako pwedeng tumigil sa trabaho at mag-alaga na lang ng bata. Paano ko naman mabubuhay ang batang iyon kung wala akong pera?

Papunta ako sa kusina nang makita ko si Reeve na nakaupo sa sofa at kinakausap si baby Kenji na kala mo'y sumasagot din kahit maliliit na tunog lang ang nilalagas nito. Para silang mag-ama talaga kung titignan mo. Tumuloy ako sa ref para kumuha ng maiinom.

"Sachie di ba 1 month na si Kenji ngayon?" Tanong ni Reeve habang nilalaro pa din si Kenji. Napaisip ako sa tanong nito at tiningnan ang kalendaryo. Oo nga no one month na si Kenji ngayon. Lumapit ako sa dalawa at binati si Kenji.

"Happy one month Baby Kenji ko" at hinalikan ko ang noo nito. Pag-angat ko naman ay nakita ko si Reeve na nakatitig sa akin. Kinunot ko ang aking noo at umupo ako ng tuwid.

"Kailangan ko na pala bumili ng gatas at diaper" tumayo ako upang at pumunta sa aking silid para kunin ang body bag ko na naglalaman ng pitaka at phone.

"Sama kami!" Sigaw ni Reeve mula sa sala. Paglabas ko ay nakita ko na nang dinadamitan na ito ni Reeve at uluhan ng bata ay ang kanyang baby bag na parang kanina pa nakabasta.

"Sigurado ka?" Tanong ko sa kanya.

"Yup" mabilis na tugon nito habang tinatapos sa pagsuot ng medyas ni Kenji. Dahan dahan niya itong binuhat at sinukbit ang baby bag sa kabila niyang balikat. "Tara na?" Yaya nito at nagtungo na siya sa pintuan. Lumapit ako agad sa kanya at kinuha ang baby bag at nilock ko na din ang aming unit.

"Teka..." hinatak ko ang damit ni Reeve. "Sigurado ka bang lalabas tayong tatlo?"

Bakas naman ang pagtataka sa mukha nito. "Oo naman. Bakit naman hindi?" Tanong nito.

"Kasi alam mo na... baka..." pag-aalangan ko.

"Baka may makakita na kakilala natin? Ano naman?" Kaswal na sagot nito.

"Tara na Sachie excited na ako sa first month ng baby natin!" Hinatak nito ang kamay ko at nagtungo na kami sa elevator. Sige na nga hayaan na sila. Bahala na mamaya.

•••

Makalipas ang kinse minutos ay nakarating na kami sa mall. Si Reeve na ang nagbuhat kay Kenji. Nauna muna kami sa grocery at pagkatapos ay niyaya ako nito sa department store sa may baby section. Nagsimula na ito magtingin tingin ng stroller kaya ako muna ang pinabuhat niya kay Kenji. Tahimik naman si Kenji at mukhang nagmamasid masid sa kapaligiran pero mayamaya ay nagsisimula na itong umiyak kaya dali dali naman akong lumapit kay Reeve dahil nasa kanya ang baby bag.

"Excuse me. Reeve penge ng milk." Tawag ko sa kanya dahil napansin ko na may kausap siya na grupo baka siguro katrabaho. Hindi ko sana siya aabalahin kaso naiyak na si Kenji. Dali dali naman nitong binuksan ang baby bag at kinuha ang bote ng gatas.

"Pare may anak ka pala?" Tanong ng lalakeng nasalamin.

"Ah..." parang nakakaloko ang ngiting binigay nito sa nagtanong. "Sachie pala" inakbayan ako nito at ipinakilala sa mga kaibigan niya. Mga barkada niya pala ito nung college. "At eto naman si Baby Kenji" nilapitan ito ng mga barkada niya at tinitingnan ang baby na abala sa pag-inom ng gatas.

"Ang gwapo ng anak mo pare! Kamukha mo. Huwag mo kaming kalimutan sa binyag ha." Saad ng kaibigan nitong si Paul. Napangiti na lang ako hindi ko alam kung anong sasabihin pero itong si Reeve ay parang natutuwa pa sa panggogoyo nito sa mga kaibigan niya. Kapag tiningnan mo kasi si Reeve ay mukhang seryoso ito na parang may pagkabadboy dahil siguro sa buhok nito na nakashave ang gilid pero nakaoneside ang mahabang buhok sa gitna.

"Pano pare una na kami bumili lang kami ng stroller para hindi mahirapan si kumander kapag mamasyal." Binitbit na nito ang stroller at sumunod naman ako.

"Bye!" Paalam ko at sumunod na agad ako sa naunang si Reeve.

Nilapitan ko si Reeve at siniko ito. "Kumander pala ah" pang-aasar ko sa kanya.

"Ano mas gusto mo? Misis o Kumander?" Balik nito sa akin. Napalunok dahil hindi ko alam kung seryoso ba ito o nagbibiro pa din.

"Ang sama tuloy ng tingin sa akin nung Charlene ba yun" paglilihis ko sa usapan.

"Ah si Charlene? Hayaan mo siya. Matagal na akong type nun pero at least ngayon alam na niyang dapat na siyang tumigil." Ah kaya pala niya sinabi yun ay para hindi na siya kulitin ng babaeng iyon. Pero siyempre mahirap na baka maniwala sila di ba at baka isang araw maniwala na din ako. Mabuti na yung ngayon pa lang ay alam ko na kung hanggang saan ang limitasyon ko.

Matapos bilhin ang stroller ay ginamit na namin agad ito at inilapag ang tulog na si Kenji. Nagtungo kami sa isang resto para mag-merienda at matapos nito ay bumili kami ng cake dahil special request ito ni Reeve na mukhang ginaya pa sa madalas na trend ngayon na lagi sine-celebrate ang buwan buwan ni baby.

Pagkauwi sa unit ay inilapag ko muna si Kenji sa kanyang crib at saka inayos ang mga pinamili habang si Reeve naman ay inaayos na ang cake at nireready na din ang phone niya mukhang may balak pang mag live coverage. Matapos ayusin ay kinuha nito si Kenji at tinawag naman ako.

"Mommy lika na! I-celebrate na natin ang one month ni Kenji." Pagkatapos ay pinindot ang video ng kanyang phone at kinantahan naman namin siya. Nagpicture din kami na akala mo ay isang buong pamilya.

Hinalikan namin ang magkabilaang pisngi ni Kenji na may kasamang caption na "Happy One Month" at inilantad na sa lahat ang bagong nagpapasaya ng buhay namin.

Itutuloy...

05-13-2018

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

INSTAMOMMY (Instant Mommy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon