"Uwaahhh... Uwaahhh..."
Habang wala ako sa sarili naglalakad papunta sa aking inuupahang 2 bedroom unit ay nakarinig ako ng iyak ng bata. Sobrang pagod ko lang siguro kaya nakakarinig ako ng mga ganito. Ngunit habang papalit ako ng papalit sa aking unit ay lumalakas ang aking naririnig. Bigla kong naalala si Christie. Bumalik na ba ito? Alam ko noong kabuwanan na niya ay nagpaalam ito na pansamantala munang uuwi sa kanila sa probinsya pero wala man lamang ito pasabi na darating siya. Dalidali kong kinuha ang aking susi at binuksan ang pintuan sa pag-aakalang makikita ko ito sa loob.
Babatiin ko na sana si Christie nang wala naman akong nadatnang tao kundi isang crib. Lumingalinga ako para masiguro kung may ibang tao sa loob ng unit pero wala naman. Lumapit ako sa crib at nakita ang isang sanggol na mukhang kanina pa umiiyak.
Kinurapkurap ko ang aking mga mata at kinurot ang aking sarili dahil baka isa itong masamang panaginip. Pero kada mukat ko ng aking mata ay yung mukha pa rin ng sanggol ang aking nakikita. Sa tabi nito ay may birth certificate, isang liham na para sa akin, susi ng aming unit at isang baby bag. Binuhat ko ang bata mula sa crib at pinatahan ito pero tuloy tuloy pa din ito sa pag-iyak.
Tumungo ako sa crib at binuksan ang baby bag at kinuha ang nakatimplang gatas dito. Agad ko itong ipinasak sa bibig ng sanggol at tumahik naman ito.
"Sachie?" Boses ng isang lalake ang narinig ko at kumatok pa ng dalawang beses sa bukas kong pintuan. Lumingon at nakita ang gulat na mukha ni Reeve. Si Reeve ang nakatira sa kabilang unit. Naging kaibigan ko na siya ng bahagya at nakasama na minsan kapag nalabas ako.
"Kelan ka nanganak?" Inilagay nito ang nakasara niyang kamay sa kanyang baba. "Kelan ka nabuntis? May jowa ka ba? Di ba wala naman?" Naging sunod sunod ang tanong nito na hindi ko na malaman kung alin ang una kong sasagutin.
Sinilip ko ang batang karga karga ko at nakita na napapikit pikit na ito. Sinenyasan ko si Reeve na tumahimik muna habang sinasayaw sayaw ko ang bata sa aking bisig hanggang makatulog na ito. Lumapit naman sa akin si Reeve at sinilip ang bata.
"Ang cute naman. May lahi to no. Parang mestizo o kaya mestiza." Puna nito habang hinahawakan ang maliliit na kamay nito. Tiningnan ko ang mukhang ni Reeve.
"Magkamukha kayo." Saad ko. Bigla akong napaisip.
"Reeve? Anak mo ba to? May relasyon ba kayo ni Christie? Umamin ka sa akin! Huwag kang magsinungaling!" Medyo tumataas na ang boses kaya medyo nagulat ang sanggol at sinasayaw kong muli hanggang sa makatulog.
Makaraan ang ilang sandali ay inilapag ko itong muli sa crib at pinalibutan ng unan para hindi ito magising. Binalikan ko si Reeve at sinamaan ito ng tingin.
"Sandali... sandali... Una wala kaming relasyon ni Christie. Pangalawa, oo may lahi akong poreng pero hindi ko anak yan. Sachie naman.." pagpapaliwanag nito. Napabuntong hininga ako at dinampot ang sulat at birth certificate ng batang iyon. Naupo ako sa sofa at tinabihan naman ako ni Reeve.
Inilapag ko ang birth certificate sa aking tabi at binuksan ang sobre na naglalaman ng liham para sa akin. Nanginginig ang aking mga kamay. Alam ko hindi ko magugustuhan ang laman nito. Hinawakan ni Reeve ang aking balikat at sumenyas na ayos lang ito. Huminga ako ng malalim tsaka binuklat ang liham.
Dear Sachie,
Alam kong biglaan itong ginawa ko at malamang ay galit ka sa akin. Pero hayaan mo muna ako magpaliwanag ng kaunti. Sa totoo lang hindi pa ako handang maging ina pero si ano kasi eh. Nakakainis siya. Alam niyang marami pa akong plano sa buhay ko at hindi kasama ang batang iyan sa mga plano ko. Alam ko na noon kahit na habang ipinagbubuntis ko siya ay magiging mabuti kang ina para sa kanya. Alam kong aalagaan mo siya at aariin na parang iyo. Magalit ka na sa akin bes pero mahalin mo siya.
Nga pala, ipinangalan ko na sa iyo ang bata nasa birth certificate na ang iyong pangalan bilang ina niya. Nasa iyo na ang lahat ng karapatan bilang isang ina niya. Naalala ko yung naguusap tayo ng ipapangalan sa mga anak natin. Kaya naman yun ang pinili ko. Kenji ang ipinangalan ko sa kanya kasi lalake siya.
Yung ama pala ni Kenji baka isang araw ay magpunta jan. Nasa sa iyo na ang desisyon na kung ipapakilala mo ba si Kenji sa kanya. Actually hindi kami okay. Dahil matapos niya akong buntisin ay nakipaghiwalay na ako sa kanya.
Sorry talaga... sorry bes... ikaw na ang bahala kay Kenji...
Christie
Matapos basahin ang sulat ay nilamukos ko ito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Galit? Inis? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa magandang biro na ito. Napaiyak ako nang silipin ko ulit ang sanggol sa crib. Inabot ko ang kamay nito at hinawakan. Nung tumayo ako ng tuwid ay hinarap ako ni Reeve sa kanya at niyakap. Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol habang pinapatahan ako nito.
"Reeve... paano na yan? Hindi rin ako handa. Alam mo namang mag-isa na lang ako sa buhay. Wala akong maasahan na mama or papa na mag-aalaga kay Kenji? Ano na gagawin ko?" Hindi ko alam anong gagawin.
"Shhhh... tahan na... sasamahan kita Sachie wag ka mag-alala. Gagawan natin ito ng paraan." Pangako nito sa akin.
Itutuloy...
4-29-30
BINABASA MO ANG
INSTAMOMMY (Instant Mommy)
ChickLitAnong gagawin mo kung bigla kang iwanan ng isang baby sa flat mo? At ang malala pa dito ay ikaw ang nakalagay na ina sa kanyang birth certificate. Sachie Yoshino, ang babaeng pinag-iwanan sa sanggol na si Kenji. Hindi biro ang magpalaki ng bata. Ka...