Brian POV
Sunday ngayon kaya napagdesisyonan ko na Magsimba muna. Pagkatapos nun ay Gumala sa Park.
Nandito ako ngayon sa loob ng kotse ko. Papunta ng Simbahan.
Maya maya pa ay Nakarating nako sa tapat ng simbahan nag park lang ako ng sasakyan ko atsaka ako bumaba ng kotse ko.
Papasok na sana ako ng Simbahan ng makita ko Si Catanna na papalapit sakin kaya naman napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung Ano ang gagawin ko lalo na't ang bilis ng tibok ng puso ko.
Pagkalapit niya sakin kaagad naman niya akong nginitian. Kahit Gusto ko man ngumiti ng pabalik sakanya hindi ko ginawa yun kundi nanatili lang akong walang emosyon.
"Magsisimba ka din ba? Sinong kasama mo?" Tanong niya sakin
"Oo. Wala. Ikaw?" Tanong ko sakanya habang malamig ang boses ko. Kaya naman napalihis siya ng tingin at nawala ang mga ngiti sa labi niya.
"Ah. Sige mauna nako." Sabi niya kaya naman kaagad ko siyang hinawakan sa Kamay niya
"Sandali." Sabi ko sakanya kaya naman napalingon siya sakin
"B-bakit?" Nautal niyang tanong
"Sabay na lang tayo. Mukhang wala kanamang Kasama. Wala naman siguro yung 'Boyfriend mo' " pagdidiin ko ng salitang 'boyfriend mo'
Kaya naman napatingin siya sakin ng parang nagtataka magsasalita sana siya kaso tumunog na yung Kampana kaya naman pumunta nalang kami sa May bandang unahan may bakanteng upuan pa naman kasi doon
————
Catanna POVPara akong matutuwa sa sinabi sakin ni Brian kanina At Himala ngayong araw na'to pinansin niya ko napailing nalang ako
"May Problema ba?" Tanong niya sakin habang nakatingin sakin.
"Wala naman. Mamaya nalang tayo mag USap" Sabi ko sakanya kaya tamango nalang siya At nakinig sa sinasabi ng Pari.
Tapos na ang Mesa ngunit mayroong iniannounce ang Babae sa harapan hindi ko alam kung Ano ang tawag sakanya ini announce niya ang mga ikakasal sa mga SUSUNOD na araw At buwan
"Pano kaya kung pangalan na natin ang itawag?" Tanong naman niya sabay ngisi
"H-ha?" Tanong ko sakanya kasi naguguluhan nga ako pero deep inside kinikilig
"Yung itatawag niya yung pangalan mo" Sabi niya kaya medyo napaharap ako sakanya
"At pangalan ni Tristan" Okey na sana e. Kaso bakit pangalan ni Tristan? Hmmp.
Pagkasabi niya nun kaagad naman na naglihis siya ng Tingin.Hindi na lang ako umimik Ganoon din siya. Ng matapos ang Mesa Inaya niya ako na pumunta ng Park kung saan madalas kami magpunta noon kaya napangiti ako
"Bakit ka nakangiti?" Sabi niya sakin habang ang tingin niya ay nasa daan lang kaya hindi nalang ako nagsalita pa At tinignan ko nalang siya
"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ulit niya pero ngumiti lang ako sakanya nagulat naman ako ng ihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada
"Bakit tayo huminto?" Tanong ko sakanya pero nakangisi lang siya
"Hoy! Brian! Bakit tayo huminto?" Tanong ko ulit pero mas lalo akong nagulat ng dahan dahan niyang Ilapit ang mukha niya sa mukha ko At binigyan niya ako ng isang halik.
BINABASA MO ANG
SOMEONE WHO I FALLI'N INLOVE WITH
Short StoryDid I fall inlove In my Enemy?, Alam kung Uso yun. Yung magiging aso't pusa muna kayo pagkatapos ay magiging lovebirds na kayo. Why i Fall inlove whom I know who can't love me back💔