C H A P T E R 24

19 1 0
                                    

Shane ( Brian's Mother ) POV

   Hindi ko alam kung Ano ang magiging reaksyon ko ng makita ko ang anak ko na niyayakap ni Catanna.

Yes, I know Catanna siya ang Babaeng Madalas Bangitin ni Brian samin ng Daddy niya.

Gusto kung matuwa kasi alam kung mahal din siya ni Catanna. At kaya niyang mag Buwis buhay para lang sa babaeng minamahal niya

Gusto ko ding Maiyak kasi nakikita ko sa mga mata ni Catanna na umiiyak siya. At nararamdaman ko din sakanya na ayaw niyang mawala si Brian sakanya

At Gusto ko Ding magalit Kay Juliana dahil pinaputukan niya ng Bala si Catanna kaya pareho na sila ngayon ni Brian na nakahiga sa semento At walang Malay Pero alam kung hindi ito ang Tamang oras At panahon para pagaksayahan ko siya ng oras. May oras ka din sakin Juliana

Hindi ko alam kung Ano na ang mga sumunod na pangyayari dahil ang mga mata ko lang ay nakatingin kay Juliana. At nakita ko naman na Hinuli siya ng mga pulis At ng makita niya ako Nanlaki ang mga mata niya at halatang Gulat na Gulat

Sina Catanna At Brian naman ay dinala na ng mga ambulansiya sa hospital. Hindi pa man nakakasakay si Juliana sa sasakyan ng mga pulis isang mag asawang sampal ang natikman niya mula kay Shaira , Halatang nagulat siya At mas lalo pa itong nagulat ng Sinampal siya ni Thalia.

Kaya lumapit na ako para awatin silang dalawa.

"B-bakit mo nagawa kay Kuya to?!" Sigaw naman ni Thalia kay Juliana habang lumuluha kaya hinagod ko na ang likod niya

"I-I'm S-sorry. Maniwala ka Thalia , h-Hindi dapat si B-Brian ang isusugod sa hospital. Dapat si Catanna. Pero niligtas niya si Catanna kaya dapat si Catanna ang Makulong At hindi ako. Siya ang May kasalanan nito." Paliwanag naman ni Juliana

Kaya muli itong nakatikim ng sampal kay Shaira ang bestfriend ni Catanna

"Una sa Lahat, Wag mo ipagtulakAn sa kaibigan ko ang mga kasalanan mo , pangalawa huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo kay Brian. At Dahil sa ginawa mong to. Mas lalo mong pinatunayan na matatag ang pagmamahalan nilang dalawa." Sabi naman ni Shaira na nanlilisik ang mga mata

"Tama na. Halina kayo. Kailangan na nila tayo. Lucas , Dennis . Awatin niyo na sila " Pagkasabi ko nun agad naman nila akong sinunod

"Tita. I-I'm Sorry" Sabi niya sakin kaya Sinampal ko na siya

"May araw ka rin sakin, kaya wag ngayon." Sabi ko sakanya At sinenyasan ang pulis na ipasok na siya kaya naman kaagad nila itong ginawa

Pagkaalis nila kaagad akong pumunta sa kotse ni Lucas. Sakanila nalang ako sasabay nauna na kasi Si Dave At Sinamahan si Brian.

————

Catania POV

   Hanggang ngayon umiiyak pa rin ako sa dibdib ni Dennis At pinapatahan niya ako. Si Daddy naman pumunta na ng presento kasama ang Daddy At Mommy ni Brian kaya kami nalang ang natira dito

Maya maya pa ay dumating na din si Tristan tinawagan ko kasi siya about sa nangyari kay Catanna At Brian kaya naman umuwi nalang siya dito sa Maynila para lang kay Catanna.

Kahit alam ni Tristan na wala Siyang pagasa sa puso ni Catanna concern pa rin ito sa kakambal ko.

Bigla namang lumabas ang doctor galing sa Room Nina Catanna At Brian

"Where's the Parents of Mr. Brian Gonzales?" Saad ng doctor kaya naman tumayo na si Thalia

"Ah. Doc nasa presento po kasi sila May inaasikaso lang. I'm Thalia po kapatid ko po siya." Saad ni Thalia kaya naman tumango ang Doctor

"I'm sad to say na . Hindi namin alam kung makakaligtas pa siya. Lalo na't maraming Dugo ang nawala sakanya At madaming bala ang bumaon sa katawan niya. But, don't worry we'll do our best. Para makaligtas siya." Pagkasabi naman ng doctor kaagad namang umiyak si Thalia kaya Pinatahan siya Ni Nathan

"Doc please, Gawin niyo po ang Lahat maligtas lang po ang kaibigan namin" Sabi naman ni Nathan kaya akmang tatalikod na sana ang doctor pero pinigilan ko siya

"Ahm. Doc? Si Ms. Catanna Velasquez po? Ano po ang Lagay niya?" Tanong ko sakanya

"Well, Stable na ang lagay niya. Hindi naman siya napurohan ligtas na siya ngayon pwede na namin siyang ilipat sa private room." Saad naman ng Doctor kaya napangiti ako

Tumingin ako kay Thalia At hanggang ngayon umiiyak parin siya kaya nilapitan ko na siya At niyakap

"Tahan na. Kilala mo naman ang Kuya mo diba? Masamang damo kaya yun. Makakaligtas Din siya" pagpapalakas ko ng loob niya. Kaya tumango naman siya At ngumiti kaya napangiti na rin ako

Isang oras na ang nakalipas At nailipat na din si Catanna sa kwarto niya. Pero hinayaan nalang namin si Tristan na siya ang magbantay kay Catanna kaya Andito kami ngayon sa Emergency Room At hindi pa rin stable ang Lagay ni Brian kaya todo dasal kami na sana maging okey lang siya

Bigla namang dumating ang parents namin kaya ikwenento na min ang Lagay nila At ka sabay naman nun ang paglabas ng Doctor mula sa ER

"Doc, ako po ang nanay ng pasenyente kamusta po ang Lagay niya?" Tanong ni Tita Shane

Kaya nagtaka kami kung bakit Napayuko nalang ang Doctor kaya kinabahan naman ako

"I'm sorry but, Your son is dead." Sabi naman ng Doctor kaya naman Parang Napako kami sa narinig namin

"H-Hindi" sabi naman ni Thalia

"Maiwan ko na po kayo."  Saad naman ng Doctor atsaka ito umalis at bumalik ng ER

Napatingin naman ako sa mommy Ni Brian At nakangiti siya. Silang dalawa ng Daddy niya. Bakit?

"Ha. Masaya ako para sakanya Dave. He's so mature enough." Sabi naman ni Tita Shane At nakangiti habang tumutulo ang mga Luha

Kaya napatakip nalang ako ng bibig ko

"He's a real Man" Sabi naman ni Tito Dave

Habang si Thalia naman ay nakangiti na din ngayon pati sina Dennis , Lucas , At Nathan ako naman umiiling iling lang.

Iniisip ko kasi si Catanna. Paano kung magising siya? Ano na ang mangyayari? Ano ang magiging reaksyon niya?

Kaya naman napaiyak nalang ako.

"Masaya ako para Kay Dre, Akalain niyo yun? Binuwis niya ang kaligtasan niya para lang kay Catanna?" Saad naman ni Nathan

"Pigilan niyo ko. Gusto kung pumasok don At Batokan siya para naman magising na ang ugok na yon." Saad naman ni Lucas habang tumutulo ang mga Luha niya pero nagagawa niya pa ding ngumiti

"Hindi kita pipigilan. Kung pwede mo lang gawin yun para mabuhay siya ulit. Bakit ka naman namin pipigilan" saad naman ni Dennis

Nabigla naman ako na lumabas ang Doctor mula sa ER  At Bakas sa mukha niya na sobrang saya niya

"It's a miracle!" Sigaw ng Doctor

"Nararamdaman ulit namin ang pulso niya!......buhay siya" saad naman ng Doctor kaya Naman napatawa kami

Sina Lucas naman At Nathan tumatalon talon na sa sobrang saya kaya ako naman ng lumapit sakin si Dennis ay napayakap ako sakanya

Sobrang saya 'ko lumalaban silang pareho. Hindi sila sumusuko...

————-

SOMEONE WHO I FALLI'N INLOVE WITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon