C H A P T E R 26

19 0 0
                                    

Lucas POV

  Makalipas ang dalawang linggo nakabalik na din sa school si Brian At Mabilis naman niyang naabutan ang mga lessons namin thanks to Catanna sa Girlfriend niya .

Oo, sila na ni Catanna nakakatuwa ngang isipin na Noon nagagalit si Brian kay Catanna sa tuwing makikita niya ito pero ngayon si Catanna naman pala ang magpapabago sakanya.

Si Dennis Ganun pa din siya Tahimik lang siya samin pero kapag si Catania ang kausap halos walang Minuto na hindi siya magsasalita.

Si Nathan? Ayun Ugok pa rin siya syempre Joke lang. Ganun pa din naman siya eh. Mabait pa din naman siya walang nagbago sa ugali niya tanging nag bago lang sakanya ang yung pagiging seryoso niya sa pagaaral mula nung sinagot siya ni Thalia naging seryoso na siya sa pagaaral niya.

Ako naman. Syempre ako parin yung pinaka gwapo sa balat ng lupa.

Noon tinatawanan ko lang sina Brian dahil parang mababaliw sila sa pag ibig na yan hindi nila alam kung paano nila masasabi sa taong mahal nila na May nararamdaman sila dito.

Inaasar ko sila noon na ang Torpe nila.
Pero eto ako ngayon . Halos mabaliw na kakaisip kung mahal na ba ako ni Shaira

Oo, nanliligaw ako sakanya At ipinapakita ko sakanya na seryoso ako sakanya kasi ayoko naman na sa iba siya mapunta At hindi saakin.

Minsan nga iniisip ko. Paano kaya kung May ibang Gusto si Shaira. Iniisip ko kung Ano ang gagawin ko. Paano na kaya ako? Oo, alam ko naman na madaming babae na nagkakalandapa para sakin pero iba si Shaira sa kanila
Ibang iba siya.

Matalino si Shaira, May mga bagay naman na magkatulad kami ni Shaira, Kagaya nalang ng Malakas kumain.

Napapatawa nalang ako sa iniisip ko. Bakit ba kasi mga negative thoughts ang pumapasok sa isip ko?

Ganito ba talaga kapag pagibig? HAYSTT.
Para palang suicide to eh. Yung Tipong kaya mong itaga yung buhay mo para sa taong mahal mo.

Hindi ko nga alam kung bakit patay na patay ako kay Shaira. Aystt. Dapat nga ako yung hinahabol niya eh. Pero bakit baliktad ata? Ako yung humahabol sakanya?

HAYSTT. Ano ba naman yan Lucas para kang ugok. Ay Oo ngapala Ugok naman pala talaga ako. Nakakavirus kasi si Nathan eh . Kaya ayan tuloy.

"Ang Lalim ng iniisip mo ah." Sabi naman ng katabi ko ngayon

Nandito kasi kami sa Park hapon na kasi At tapos na ang klase kaya andito kami ngayon tumatambay sa ilalim ng puno habang pinagmamasdan ang Sun set

"Hindi naman." Saad ko sakanya

"Ahh. Okey." Sabi naman niya At sabay tango tango

"Shaira?"

"Hm?"

"Ah. Wala Sabi ko Mahal kita."

Nagulat naman ako dahil hindi na siya nagsalita pa. Pero hinayaan ko nalang siya alanganin naman na sabihin niya sakin na mahal niya Din ako.

"Lucas?" Tawag niya saakin kaya naman napalingon ako sakanya

"Ano yun?" Tanong ko sakanya

"Seryoso ka ba sakin?" Tanong niya sakin kaya naman nabigla ako

"Ano ka'ba? Sa Lahat my babae na dumating sa buhay ko. Ikaw lang yung babae na nagpatibok ng puso ko At nagpabaliw sa isip ko. Kaya huwag mong iisipin na Niloloko lang kita kasi seryosong seryoso ako sayo. Dahil mahal na mahal kita.

Hindi ko nga alam kung Ano ang ginawa mo sakin eh. Kung bakit ako nagkakaganito. Dati rati naman ako yung tipong lalaki na hindi seryoso sa Lahat ng bagay.

Pero ngayon? Tignan mo. Binago mo ako. Witch kaba? Kasi Pakiramdam ko kinulam ko ako eh. Kaya ako nagkakaganito. Yung Baliw na baliw sa'yo

Maniwala ka man sa hindi Seryoso Ako sayo. At uulitin ko. Mahal na mahal kita."
Sabi ko sakanya At nakita ko naman na ngumiti siya sakin kaya naman napangiti na Din ako

"Alam ko naman na mahal mo ako eh. Ramdam ko. Pero hindi ko alam kung Seryoso ka ba o hindi. Ayoko lang kasi na baka masaktan ako ng dahil sayo.

Pero salamat kasi hindi mo pinaramdam sakin na Hindi ka seryoso sakin. Salamat kasi minahal mo ako ng buong buo. Kaya Lucas. Sinasagot na kita." Sabi niya kaya naman nagulat ako

Totoo ba yung narinig ko? Sinasagot na niya ako?

"T-talaga?" Sabi ko sakanya kaya naman tumango siya

Ako naman tumayo naman ako at tumalon talon pa dahil sa tuwa

"Girlfriend kuna si Shaira Perayra! Sinagot na niya ako wwwoooooohhhooo" Sigaw ko naman kaya napatingin sakin ang mga Tao dito sa Park pero hindi ko lang sila pinansin nakita ko naman na tumayo si Shaira At lumapit sakin

Pagkalapit niya sakin hinampas niya ako sa balikat at pinanlakihan ng mata

"Ano ka' ba? Nakakahiya" saad naman niya At hinila ako pabalik sa kinauupoan namin kanina

"Hindi kita ikinahihiya. And I'm proudly say that your officially my Girlfriend" Sabi ko sakanya kaya naman ngumiti siya sakin At isinandal ang ulo sa balikat ko.

Hinayaan ko nalang siya At isinandal ko ang ulo ko sa ulo niya.

SOMEONE WHO I FALLI'N INLOVE WITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon