"Oh, bangag ka naman ghorl? Ano? Light Hauz pa more?" ngitian ko lang si Laica. Totoo naman sinabi nya. Bangag na naman ako kaka-pakinig ng bagong album ng iniidolo kong pop band.
"Ok na yon. Tanggap ko naman na never ko silang makikita in person kaya mag iistream na lang ako ng mga kanta nila. Eto oh yung kakarelease lang nila na album na Reminisce ang ganda shems. Yung Tahanan aaaaa nakakaiyak."
"Updated na updated talaga ang fangirl since 2018 pero never nakapunta sa kahit anong mall shows, concerts, bar events, or even school shows nila."
"Gaga! mukha bang umiinom ako para pumunta sa mga bar events nila."
"Kahit na."
"Teh yung mall show sa Relair Mall muntikan e. Alam mo yon? yung eksaktong may klase ako nung oras na yon, bantay sarado sa prof namin amp. Tangina ang lapit lapit lang ng Relair dito, tapos biglang ganun? Buti sana kung afford ko lang byumahe paputa sa ibang mall shows nila. Bakit ba kasi Relair lang ang mall dito? kainis. Tapos yung School natin never nasama sa school events nila, awit e."
"Jessy nakailang kwento ka na nyan, naka ilang reklamo ka na rin. Kung may pera lang ako binigyan na kita kahit man lang pambili ng album nila."
"Hay nako parehas lang tayong poorita Lai, kaya okay lang yon. Oh siya, nandito na tayo. Pagod na ko, sige na, bye na. Labyu teh." magkatabi lang naman ang bahay namin kaya madalas ay sabay kami umuwi pagkagaling sa university namin.
Maliit lang ang bayan ng Castacio, magkakalapit ang lahat. May mga bilihan naman at iba pa pero halos lahat nasa nag-iisang mall dito, sa Relair.
"Inang, nandito na po ako!" hinubad ko na ang sapatos ko at dumiretso na sa kwarto ko.
Baka natutulog na si inang, kakauwi lang din kasi nun sa trabaho nya.
Nagpalit na ko ng damit kaya binagsak ko kagad ang katawan ko sa kama. Ahh, ang sakit ng likod ko. Grabe nakakapagod. Gradutating na ko next next week, Bachelor of Science in Tourism Management. Masusulit na din yung pagpapa-aral sakin ni inang dahil Magna Cum Laude ako.
Sinuot ko ang earphones ko at nakinig sa kanta ng Light Hauz. Light Hauz, my inspiration. promise ko talaga sa sarili ko, pupunta ako sa event/concert nila once na nakagraduate na ko't naging flight attendant.
Nakinig na lang ako sa kanta nila hanggang sa makatulog.
*Phone Ringing*
Aaaaa nagising ako sa lakas ng tunog ringtone ko. Chineck ko ang phone ko at nakitang si Laica ang tumatawag.
"Oh? Bakit ka napatawag?"
"Teeeh! Nabasa mo na???"
"Ang alin?"
"Yung tweet ng ZL Ent about sa Light Hauz!"
"Hala bakit ano meron?" dali dali kong binuksan yung twitter app ko at chineck iyon.
"Ano na? Nakita mo na?"
"Loading teh-- ay pota, wala na kong data!"
"Shutangina ka naman Jes! Lumabas ka dyan ihohotspot kita!" pinatay ni Lai ang tawag. Dali dali akong pumunta sa labas. Ano bang meron?
"Oh apo, ba't nagmamadali kang lumabas?"
"Pupuntahan ko lang po saglit si Laica, inang."
Saktong nasa labas na ng bahay nila si Laica ng buksan ko ang pinto.
"Teh!! dali!" inabot sakin ni Laica ang phone niya at doon ko na lang tiningnan ang tweet.
"𝗟𝗲𝘁 𝗬𝗼𝘂 𝗯𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗟𝗶𝗴𝗵𝘁"
Show off your singing skills and get a chance to travel with @Light_Hauz in their upcoming 𝔏𝔦𝔤𝔥𝔱 ℑ𝔱 𝔘𝔭 𝔚𝔬𝔯𝔩𝔡 𝔗𝔬𝔲𝔯!
BINABASA MO ANG
Just A Fangirl
Adventure@lighthauz_zl Hi! This is Caleb Aragoza, manager of Light Hauz. I would like to inform you that you are the #LetYoubetheLight lucky fan! Please reply ASAP. Thank you!