Chapter 4

4 1 0
                                    

Monday. March 31, 2020.

Ang aga ko nagising. 4am pa lang.

Excited? Sobra.

Naghintay muna ako ng isang oras bago kumilos. Paglabas ko ay nakita ko si Inang na nagkakape na.

"Maligo ka na apo."

"Opo 'nang."

Naligo na kagad ako at nag ayos. Pagkatapos ay kumain ng umagahan. Pagcheck ko sa oras sa cellphone ko, 5:40 na. Hindi ko na dinouble check yung maleta since ayos na naman yon kahapon pa. Nagsuot ako ng hoodie at lumabas na.

Pagkalabas namin ng bahay ay nakita namin sila Laica na nasa labas din.

"Ano? Alangan namang walang goodbye dai? Syempre ihahatid ka namin." napangiti ako at inakbayan siya.

Tahimik kaming naglakad naglakad papuntang Relair Mall habang hila-hila ko ang maleta

"Bakit pa kasi sa Relair Mall, Jes? Bakit hindi na lang sa bahay nyo?" tanong ni Laica.

"Wala lang. Privacy lang ganun."

"Privacy mo ulo mo. Wala bang hinigi sayo na kahit ano, patunay na tao ka?"

"Grabe mukha ba kong di tao?"

"E malay ba nila kung bot ka HAHAHAHAHA." makatawa naman 'to

"Utot. Dala ko yung birth cert ko, ID ko pati police clearance" natawa uli bigla si Laica.

"Ano 'to, mag aapply ka trabaho?"

"Kung PWEDE lang teh. Kahit make up artist lang nila, oks na ko."

"Gaga hahaha."

Napahinto na kami ng makitang nasa tapat na kami ng Relair. Walking distance lang naman ang bahay namin hanggang Relair.

Saktong nay nakita kaming van.

"Teh kidnap yan teh kidnap."

"Loka ka Lai! Ayan na ata yon." chineck ko ang phone ko at saktong 6am na.

Yan na ata siguro yon since yan lang naman ang nakikita kong black na van sa tapat ng Relair.

Based sa description ni Mr. Aragoza, black van daw yon e. Check ko yung sinend saking plaka.

Bago ko pa icheck ay biglang nagbukas ang van na nakita namin. May dalawang buff guy ang lumabas.

Luh? Kidnap nga ata.

Papunta sila sa dereksyon namin.

"Kayo po ba si Ms. Dela Costa? Jessy Dela Costa?" tanong nung isang kalbo na buff guy.

"Opo! opo ako nga po iyon."

"Pinapasundo na po kayo Mr. Aragoza." tumango na lang ako at balak sumunod na sa sakanila.

Bigla akong hinila ni Laica.

"Duda ako dyan teh."

"Gaga hindi yan."

Narinig naman kami nung dalawa kaya bigla silang ngumiti.

"Hindi po kami masamang tao. Empleyado din po kami sa ZL Ent. hahaha." sabay pakita ng ID nila.

"Sabi ko nga po hehe." nahihiyang sabi ni Laica.

Humarap ako sakanila at nagpaalam na.

Habang naglalakad papuntang van, biglang sumigaw si Laica.

"VIDEOCALL TAYO PAGDATING MO HA! PAKILALA MO SAKIN SI AX!"

Eto talagang babaeng 'to. Tumingin ako sakanila at nakitang pinipingot siya ni tita haha.'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon