"Laicaaaaa!"
"Omg bakit teh? anong nangyari? Ano problema?"
"Tara dali uwi na tayo" hinila ko kagad si Laica palabas ng university.
Puro pasa pasa na lang naman ang gagawin namin since next week na ang graduation, kaya maaga ang uwi namin.
"Oh bakit parang nagmamadali ka?"
"Gamitin natin yang phone mo ha? Mas mataas resolution nyan e."
"Hiram? Sige lang, magvivideo ka? para saan nam-- OMG SASALI KA SA PACONTEST NG ZL?" nagtatatalon sa saya si Laica.
"Shhh ang lakas ng boses mo, baka marinig ng ibang estudyante at maisipan bigla na talbugan yung pagkanta ko. Which is never nila matatalbugan kasi Jessy lang malakas." biro ko.
"Naman! Jessy lang malakas! hahahaha"
Sa bahay kami nila dumiretso at dun naisipan magvideo. Pumasok kami sa kwarto nya na mas malaki kesa sakin.
Umupo si Laica sa kama niya at tinitigan ako.
"So anong kakantahin mo?" tanong niya.
"I was thinking of singing Tahanan? yung bago nilang kanta?"
"Hmm teka, di ko pa napapakinggan yon." sinearch ni Laica ang bagong kanta nila sa youtube. Pinakinggan nya yon ng paulit-ulit.
"Ano? Pwede naman diba?"
"Maganda naman. Kaso..."
"Kaso ano?"
"Feeling ko mas bagay kung kakantahin mo yung Leaves."
"Leaves? Seryoso ka? Sa lahat ng kanta bakit yun pa? Maganda naman yun pero wag yun."
Pinakinggan pa yung Tahanan, may ibang bet naman pala siyang kanta amp.
"Dali naaa. Sure ball ikaw ang magiging lucky fan once na kinanta mo yon."
"Eh..." nag-isip ako ng madadahilan. "Hindi ko pa siya kabisado!" kabisado ko na naman talaga siya, ayoko lang kantahin. For some reasons, hindi pa ko handa.
"Utot mo! Araw araw kong naririnig sa earphones mo yan! Sa playlist mo, hindi mawawala yung kantang yan. Eh yung Tahanan? Kakarelease lang diba nun nung isang araw? Kabisado mo na? Kabisado mo na? Weh? Edi wow."
"Madali lang naman yun kabisaduhin e! Tsaka nakakaiyak pa! Feel the music nga diba."
Wala na ko maisip na idadahilan nako.
"Teh nararamdaman ko, sa Leaves mo masshow emotions mo. I know ayaw mo lang yun kantahin kasi hindi mo pa napapatawad sil--" tinakpan ko bibig niya bago niya pa mabanggit.
Wala na ko magagawa, hays.
"Oo na oo na. I'll try my best para kantahin yon." ready na ba ko? Hindi pa ata.
"Pero Hold Me? Di pwede?" baka naman ibang kanta pwede.
"Jessy! Alam mo naman yan yung pinaka hit nila. Malamang sa malamang madami kakanta nyan."
Magsusuggest pa sana ako pero inunahan nya na ko.
"Wag ka ng umangal. Leaves na kantahin mo. Susuggest ka pa e."
"Opo boss, eto na nga po kakantahin na."
"Good, pero bago yon ikuha mo ako ng tubig" aba't nagpakaboss nga.
"Ano ka chix." nagtawanan na lang kaming dalawa.
Pinatong ni Laica ang phone niya sa table niya na nakatapat sa kama niya. Sakto lang, nakikita ako ng maayos. Buti na lang may downloaded akong fingerstyle cover ng Leaves kaya may pang background music ako.
BINABASA MO ANG
Just A Fangirl
Pertualangan@lighthauz_zl Hi! This is Caleb Aragoza, manager of Light Hauz. I would like to inform you that you are the #LetYoubetheLight lucky fan! Please reply ASAP. Thank you!