"Dela Costa, Jessy"
finally.
"CONGRATS SATIN!!" sigaw ni Laica.
"Congrats! huhu. Lahat ng paghihirap sa college life, worth it!"
Nagyakapan lang kami ng mahigpit ni Laica. Nasa gilid namin si Inang at sila tita Leng nagkukwentuhan.
"Picture!!" sigaw ni Zach, classmate namin nung high school ni Laica, at naging blockmate ko din. Isa sa Student Photographer ng school namin.
Agad kaming nagpose ni Laica. Next is solo shots namin. After nun kinuha ni tito Lorenzo yung selfie stick niya at nagpicture kaming lahat.
Palabas na kami ng university. Inaya kami nila tita na dun na sakanila magcelebrate. Naghanda na daw sila dahil panigurado madami pupunta sa mall para doon kumain.
Nang makadating, may nakahain na sa lamesa nila. Nagpatulong pala si tita sa ibang kakilala nya para sa pagkain.
"Oh halika na, kain na tayo. Pasensya na inang, simpleng handaan lang po ang nakayanan ko. Hindi bonggang party para sa dalawa. "
"Ano ka ba! Andami dami nga neto e. Salamat at tinuring nyo kaming parte na ng pamilya nyo."
"Inang! Syempre naman, parang pamilya ko na si Jessica simula bata pa. Kaya ang pamilya niya ay pamilya ko na din."
Nagyakapan sila inang at tita. Kami naman ay naupo na.
Habang kumakain ay biglang nagsalita si tita. Nakatitig pala siya sa damit ko.
"Napaka ganda naman ng damit mo Jessy. Bagay na bagay sayo."
"Nako salamat po." nahihiyang sabi ko.
"Oo nga. Ang ganda ah. San galing yan Jes?"
"BIgay ni inang. Pinagsabihan ko pa nga po e, ang mahal pala nito." natawa sila bigla
"Okay na yon apo, ano ka ba! Pinag ipunan ko yan para lang maisuot mo sa graduation mo."
"Dapat itinabi nyo na lang 'nang yung pera. Sayang kaya."
"Oh magsisimula na naman. Nabila na apo, 'di na yan maisosoli."
"May refund na tinatawag inang"
"May anghit mo na yan, tas irerefund mo pa?"
"'Nang! ang bango bango ko kaya!" Tinawanan na lang talaga kami ng pamilyang Dela Cruz.
Katatapos lang namin kumain ng biglang sumigaw si Laica.
"Oh bakit anak? Anong nangyari?" nakatingin alng sakin si Laica kahit na tinanong siya ni tita.
Ano meron?
"Diba ngayon iaannounce yung lucky fan sa Let You be the Light?"
Shit, oo nga.
"Anong oras na?" tanong ko sakanya.
Tinignan nya ang reloniya.
"1:34 na!!" sigaw na naman niya.
1pm 'yon iaannounce! 34 minutes na ang nakalipas shet.
"Anak! ang lapit nyo lang sa isa't isa wag ka sumigaw." tumango na lang si Laica.
Agad kaming dumiretso sa sala at kinuha ang cellphone ko sa sling bag ko. Naka off pa ang data nito, baka kasi maubos ang load.
Naupo kami sa sofa nila. Sumunod samin sila Inang, nacurious sa ikinilos namin.
Binuksan ko ang data ko at pinikit ang mga mata ko.
Nakalimutan kong hindi pala nakamute ang notifications ko. Tunog ng tunog ito, pero di ko pa rin binubuksan mata ko.
BINABASA MO ANG
Just A Fangirl
Adventure@lighthauz_zl Hi! This is Caleb Aragoza, manager of Light Hauz. I would like to inform you that you are the #LetYoubetheLight lucky fan! Please reply ASAP. Thank you!