o x x x x x x x x o
Kinabukasan maaga akong pumasok.As in maaga!
Wala pa gaanong tao dito sa loob ng campus.Matapos kong ilapag yung bag ko sa classroom ay lumabas ako at nagpasyang maglakad-lakad.
Malapit na palang matapos ang grading na 'to at panibagong grading nanaman ang darating.Maayos naman akong nagaaral kaya sa tingin ko hindi ako papalya sa darating na exams sa Thursday.
Pumunta ako sa madalas kong puntahang lugar kung saan tahimik at ako lang mag-isa ang nakakaalam ng lugar na iyon.
Pagkarating ko dun ay naupo ako at sumandal sa isang puno.
[Aldrin's POV]
Narito na ako sa campus,kagaya ng dati napakarami nanamang mga tao ang nakatingin sa akin.Sa mga taong nakatingin sa mga oras na ito, ilan sa kanila ang humahanga sa akin, naiinis at mga nagtatangkang magpapansin.
Dire-diretso lang akong nagtungo sa classroom.Mahaba pa naman ang oras, kaya tumambay lang muna ako sa corridor at nakatulalang pinagmamasdan ang mga taong pumapasok sa loob ng campus.
Iwas ako sa tao at iilan lang ang kinakausap ko.Bakit? dahil nga sa marami ang galit sa akin.
Insecure, kumbaga.
"Hoy! Aldrin!" hindi ko nilingon yung tumawag sa akin.Sa halip ay nagbingi-bingihan ako at nagpasyang lumayas sa pwesto ko at maghanap ng tahimik na lugar na makakaiwas ako sa mga insecure at mga basagulero, mga walang kwenta at mahihina ang utak na tao na halatang walang pinagaralan na dinadaan sa dahas, angas at basag ulo ang lahat na sa tingin nila ay may makakamit sila sa pamamagitan nun.Mga dakilang hangal!
Nakapamulsa't marahan akong bumaba ng hagdan.May ilang babaeng nagtitilian at may ilang may inaabot sa akin na hindi ko naman pinapansin.
Pagdating ko sa pinaka dulo ng hagdan ay apat na lalaki ang humarang sa aking dinaraanan.Hinawakan nung isa yung kwelyo ko.
Tinaasan ko siya ng kilay at inalis yung kamay niyang nakahawak sa kwelyo ko.
"Wag mo akong mahawak hawakan.Lumayas ka sa harap ko habang hindi pa nasisira ang araw ko ng dahil sa mukha mo" sabi ko sabay banga sa kanila at dumaan.
Hindi na nadala yang Jasper na yan.Ano bang mapapala niya sa pagsugod at paghahamon sa akin?
Tss.. mga walang kwentang tao.Wala akong balak magsayang ng oras sa kanila, nagagalit siya kasi yung nililigawan niya umiyak kasi tinanggihan ko yung confession niya! Dapat nga matuwa siya kasi pwede na niyang makuha yung babaeng gusto niya.Saka anong magagawa niya eh ayaw ko dun sa malanding girlfriend niya na walang ginawa kundi magpacute, rumampa habng suot yung labas labasang damit niya. TSk! nakakasulasok.
"Hoy Aldrin! Ano tumatakas ka? harapin mo ako, hindi pa kita napapagbayad sa ginawa mo" nilingon ko siya sa kahuli hulihang pagkakataon."Sinabi ko nang lubayan mo ako, bago pa maubos ang pasensyang dinala ko para sa araw na 'to kung ayaw mong maulit uli yung bagay na alam kong ayaw mo nang maulit uli dyan sa mukha mo"
Tama, hindi ito ang unang beses na hinamon ako ng taong yan kundi pang apat na.Dalawang beses narin nyang naranasan matinding bugbog na katawan at dalawang beses ko naring pinipigil ang sarili kong ulitin yon dahil sa consenquence na maaring mangyari pag naulit pa.
Inambahan ako ng suntok nung isang kasama niya pero agad akong nakaiwas.
"Ah, Men. Madudumihan nanaman ba tong uniform ko ng germs ng mga duling na taong 'to?"
At nagsimula na nga ang gulo.Hanggat maari sinisikap kong iwasan lahat ng ginagawa nila.
Kung ano mang dahilan ?
BINABASA MO ANG
The Crumpled Paper
RomanceIt all started with a message that Deniece Hevrey wrote on a piece of paper. Now on her last year in highschool, all she wants to do is for the popular Aldrin Amano to notice her before school finally ends. But with Aldrin having a huge flock of gi...