o x x x x x x x x o
Araw ngayon ng exams, Medyo sub-sob ako ngayon sa pag-rereview. Di kasi ako makapag-focus kagabi eh that's why, I decided na i-continue ang pagrereview ngayon.
Wala pa namang gaanong tao kaya naman malaya pa akong nakakapagreview.
Nandito ako ngayon sa bench sa may Ground sa may tabi ng matandang puno ng narra,Malapit lang 'to sa may Gym
Matapos ang ilang minutong pagrereview ay isinara ko ang notes ko at ipinasok sa bag.
"Hayy! Nakakapagod! Ang aga-aga nagpapractice tayo!" daing ng isang pamilyar na boses ng lalaki.
"Ou nga eh, anong magagawa natin, kailangan nating magprepare para sa laban natin sa Sport Fest sa Huwebes."
"Buti nalang magka-team tayo"
Maya-maya ay naaninag ko si Gerald na kasama si Aldrin.
May practice sila ?? Ang aga-aga ah! Mukhang pagod na pagod yung dalawa at super basa ng pawis.
"Uy! Si Denise yun diba?" narinig kong sabi ni Gerald sabay turo sa akin.
Lumingon naman si Aldrin at halatang medyo nagulat pa na makita ako.
Kahit ako noh! Hindi ko rin akalain na makikita ko pagmumukha niya ngayon umaga!
"Uy! Anong gawa mo dyan? Ba't mag-isa ka?" sunod-sunod na tanong ni Gerald habang nanakbo palapit sa akin.
"Katatapos ko lang mag-review, kayo? Ang aga ata ng practice nyo ah"
"Ou eh, may special game kasi kami sa sport fest sa Huwebes" paliwanang niya.
Tiningnan ko namn si Aldrin na dumiretso sa Faucet at naghugas ng mukha.
"Oy! Aba! Ang aga-aga Snob ka!" saway sa kanya ni Gerald.
Nilapitan siya nito at saka hinapas siya sa pwet. Nagulat naman si Aldrin sa ginawa ni Gerald kaya naman agad niyang inambahan ito ng sipa.
"May pagka-kabayo ka rin pala, ngayon Denise ako na nagsasabi sayo na may lahing kabayo 'tong si Aldrin" sabi niya habang sinasalag yung sipa ni Aldrin.
Natawa naman ako sa sinabi ni Gerald. "Sige na, tama na yan. Magkasakitan pa kayo nyan" saway ko sa kanila habang dinadampot yung towel ni Aldrin na nahulog.
Pinagpagan ko ito at iaabot na sana nang maapakan ni Gerald yung sintas niya dahilan para matumba siya at madaganan ako.
Napapikit ako bilang paghahanda sa pagbagsak ko pero hindi ako nakaramdam ng sakit. Marahan kong imunulat yung mata ko at nagulat ako ng makitang kong salo-salo ako ni Gerald.
"Gotcha!" nakangiting sabi ni Gerald.
Itinayo ako ni Gerald "Salamat" nahihiya kong sabi. Ang lapit kasi ng mukha niya.
"Ehem" biglang sabi ni Aldrin. Kinuha niya sa kamay ko yung towel at saka pinagpagan at naghilamos uli.
Dinaanan niya lang ako ng tingin habang nagpupunas ng mukha at saka nag-ayos ng sintas.
Ganun lang rin si Gerald inaayos niya lang din yung sintas niya. Matinding katahimikan ang bumalot sa paligid naming tatlo, mabuti nalang at tumunog na yung bell.
"Sige na pasok kana, baka mahuli ka exams pa naman ngayon" sabi ni Gerald at inabot yung Bag ko sa akin.
"Sige" kinuha ko yung bag ko at isinukbit sa balikat ko. Sumulyap ako ng tingin kay Aldrin baka tumalikod. Nakita kong tumingin din siya sa akin pero agad na nag-iwas ng tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/18529663-288-k427174.jpg)
BINABASA MO ANG
The Crumpled Paper
RomanceIt all started with a message that Deniece Hevrey wrote on a piece of paper. Now on her last year in highschool, all she wants to do is for the popular Aldrin Amano to notice her before school finally ends. But with Aldrin having a huge flock of gi...