Kaunting oras nalang ang natitira sa akin para sabihin sa taong yun ang tunay kong nararamdaman kahit na alam kong malabong tanggapin niya ang nararamdaman ko para sa kanya at kahit na magkaiba ang mundong ginagalawan naming dalawa, pakiramdam ko ito nalang ang tanging paraang naiisip ko dahil hindi ko na kayang pigilin at itago pa.
*Sigh* Nakaupo ako ngayon sa may corridor hawak ang aking sketchpad at panay ang buntong hininga.
"Hayyy"mahina kong sambit habang nakatingala sa may kisame.Hinawi ko ang aking bangs at inayos ang aking salamin.
Binuklat ko ang aking sketchpad at nagsimulang gumuhit, nasa kalagitnaan ako ng pagguhit nang maagaw ang atensyon ko ng lalaking naglalakad sa may corridor.
"Its Aldrin Jace Amano.. yung gwapong sa 4-B" bulong dito, bulong doon. Kahit saang lugar ata naririnig ko ang panagalan niya.
Aldrin Jace Amano is so popular, everybody knows him pero ilag siya sa tao.Marahil ayaw niya ng pinagkakaguluhan at laman lagi ng balita.Lahat ng babae ay humahanga at nagkakagusto sa kanya at isa na ako doon.
Matagal ko na syang gusto magmula pa noon 1st year ako ngunit wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko gaya ng ibang mga babae dyan dahil alam ko matutulad lang ako sa kanila na walang nangyari at nabigo lang..
Pero iba na ngayon, I'm gathering all the courage that i have, thinking for the right timing and right place para sabihin sa kanya yun.Bagamat alam ko na ang kahihinat-nan ko wala naman masama kung susubukan ko diba atleast kahit paano alam ko na may ginawa ako para iparating iyon sa kanya.
Nataranta ako ng tumigil siya sa harapan ko.
Iniangat ko ang ulo ko ng bahagya.Sheesh~ Mukhang badtrip sya ang sama kasi ng titig niya sa akin para bang lulusawin niya ako.
Seryosong nakatayo at nakapamulsa, wala siyang kahit na anong sinasabi pero alam ko ang sama ng mood niya.
Tumayo ako at isinara ng madalian ang sketchpad ko at nagpasyang umalis nalang.
"Sandali" a-ako ba kausap nito?
Pasimple akong lumingon sa paligid at muling inayos ang salamin ko pero kagaya kanina bahagya ko lang na iniangat ang ulo ko pero dala ng hiya yumuko ako na tila humihingin ng paumanhin at saka tumakbo pabalik sa loob ng classrom.
Halong kilabot at hiya ang naramdaman ko kanina. Hay naku kung sa ganung pagkakataon lang ay nahihiya ako pano ko sasabihin sa kanya yun ??
"Deniece!"sigaw ng isa kong kaklase na as far as I could remember her name is Lydia.
"bakit?"mahina kong sagot."Tara! sama ka sa amin sa library review tayo wala raw si Sir ngayon"hindi pa ako nakakasagot ay hinila na niya ako kasunod naman namin ang mga kaibigan niyang sila Agatha.
Nang nasa library na kami nagpasya na rin akong magreview.No choice naman ako eh kundi magreview nlng din. Andun na ako eh! Sayang naman ang pagod ko kung babalik pa ako sa classroom.
Agad akong naghanap ng libro na kakailanganin ko at saka dinala sa may mesa at nagsimulang magreview.
Humiwalay ako ng upuan para namn hindi nila ako maistorbo kung sakali mang maglandian sila dun.
Nakaupo ako sa silya malapit sa may bintana sa pinaka sulok-sulukan ng library.Paborito kong pwesto yun kasi tahimik at magaan sa pakiramdam kasi kita mo ang paligid sa labas para bang bawat galaw ng tao sa labas ay naoobserbahan mo.
Masipag kong inaral sa ang mga naalala kong topic dun sa handouts ganun din naman sila Lydia.
Muli ay lumingon ako sa bintana at pinagmasdan ang mga tao sa labas, isang tao ang nakaagaw ng aking pansin.
BINABASA MO ANG
The Crumpled Paper
RomantizmIt all started with a message that Deniece Hevrey wrote on a piece of paper. Now on her last year in highschool, all she wants to do is for the popular Aldrin Amano to notice her before school finally ends. But with Aldrin having a huge flock of gi...