Chapter 2

8 3 3
                                    

Paano.. Paanong nangyari na nandito siya at sa harapan ko pa mismo. Hindi naman mukhang nananaginip ako. Hindi ko na alam ang gagawin.

Nakayakap pa rin siya sa akin hindi ko naman magawang maigalaw ang katawan ko at kusang umalis sa mga yakap niya kasi parang naparalyzed na yata ang buong katawan ko.

"Ash, I miss you" ay gago. I miss you daw? Ang sarap niyang ibaon sa semento ngayon na. May pag I miss you pa siyang nalalaman. Matapos siyang mawala ng parang bula ilang taon na ang nakakalipas.

Unti-unti akong umalis sa yakap niya. Sa wakas nagawa ko na ring makagalaw.

"Anong ginagawa mo dito Giewel?" May galit sa mga bawat salitang binibitawan ko. Galit na dati ko pa kinikimkim.

"Isn't it obvious? Nandito ako para balikan ka, Ash" ay hayop. Yung totoo? Naglolokohan kami dito no?

Balikan? Wala na siyang dapat pang balikan. At mas lalong wala na siyang mababalikan pa dahil dati pa man inalis ko na siya sa buhay ko gaya ng pag-alis niya ng walang pasabi noon.

Kung aalis ka ng walang pasabing kahit anong rason huwag mong aasahan na sa pagbalik mo may rason pako para tanggapin ka pa ulit sa buhay ko. I don't give a damn boy.

"Pero hindi na ikaw ang kailangan ko  ngayon, Giewel" dahil may mga tao na ngayon sa buhay ko na nagpapasaya sa akin at kontento na ako sa kanila.

"Kaya nga ako nandito ulit para pasayahin ka" what the heck? Nagpapatawa ba siya? Kasi hindi nakakatawa eh. Nakakabwisit.

"Ibinigay ko sa'yo lahat noon Giewel pero hindi ka pa nakuntento diba? Kaya nga iniwan mo'ko" nag-uunahan na ang mga luha ko na bumagsak mula sa aking mga mata pero dapat kong pigilan ito. Ayokong isipin niyang sobrang naapektuhan ako ng pag-alis niya kahit totoo naman.

Akmang lalapit na siya sa akin kaya agad akong humakbang patalikod. Tuluyan nakong umalis sa harapan niya at tsaka nagmartsa na paalis pero bago yun may mga salita muna siyang binitawan.

"Nabalitaan ko nga palang babalik ka na sa DEMS. I'll wait for you there, Ash"

Matapos niyang sabihin iyon hindi ko na muli siyang nilingon pa.

Ang bilis nga naman. Alam niya agad. Wala na akong pakialam kung makikita ko din siya doon araw-araw. Una sa lahat hindi naman siya ang ipinunta ko doon. Kaya bahala na.

Pagkadating ko sa bahay ikinuwento ko kaagad kay Lei na dumating at nagkausap pa kami ni Giewel. At syempre as I expected sinisigawan na niya ako dahil sa inis. Hindi dahil sa naiinis siya sa'kin kundi ay sa pagbabalik ni Giewel ng biglaan.

Hindi lang kasi ako yung sobrang nasaktan nung umalis siya ng wala pasabi. Magkakaibigan na kami since elementary palang kami at hanggang ngayon. Hindi ko alam kung paano tumagal yung pagkakaibigan namin ng ganito pero sabi nga naman nila wala nga daw talagang forever. Iiwan at iiwan ka din ng mga taong pinahalagahan mo ng sobra. Not everyone in our life is meant to stay. Kaya kailangan na nating tanggapin na aalis at aalis sila at wala na talaga tayo sa buhay nila kahit masakit diba.

Pero yung bumalik siya? At biglang humingi ng second chance iba na yun. Hindi pwedeng lagi na lang ganon. 'Wag tayong abuso.

Hanggang sa pagtulog hindi pa rin maalis sa isipan ko na nandito na talaga si Giewel at nagkausap pa talaga kami.

================================

Hindi ako medyo nakatulog kagabi kaya ito paggising ko mukha nakong zombie. Nagulat tuloy ako sa itusra ko ng napatingin ako sa salamin sa banyo. Pa'no kagulat-gulat naman kasi yung itsura ko. Char.

Tatlong araw na ang lumipas simula nung nagkita kami ni Giewel at ngayong araw na ang huling araw na paghahabol ko sa mga teacher na akala mo sila na ang forever ko.

Forever hahabul-habulin.

Bukas sasamahan na ako ni Lei sa DEMS para mag enroll.

Naaalala pa kaya ako ng mga Elite? Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila ako? Namiss kaya nila ako? Kasi ako.. Sobra

Alam kong iniwan ko din sila noon pero hindi gaya ng iba dyan syempre may iniwan akong dahilan at alam kong naintindihan nila ako lalo na si dads.

"Ash, ano? Tara bukas?" Sabay akbay ni Lei sa'kin. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.

"Ano ba'yan! Nakakainis kasi si papa eh ayaw akong payagan!" Pagdadabog ni Stephanie. Natawa lang kami sa kanya.

I understand her father's reason. Ayaw ng tatay niya na magcommute siya araw-araw. Well ang hirap din kayang bumyahe araw-araw expect mo ang biyahe mula General Trias to Cavite ganon. Ang hirap mag commute araw-araw nakakapagod din ta's uuwi ka gabi na.

"Ashleng, Lelei, kain tayo sa McDo" pagyayaya ni Steph sa'min at nagpuppy eyes pa. Asus.

"Sige tara."

"Isasama pa ba natin yung mga boys?" Tanong ni Steph. Nagkibit balikat lang si Lei at tumingin sa'kin.

"Isama na natin sila."

"Okeeeyyy!!" Sigaw ni Steph na akala mo may na accomplish kaming something.

Nakarating kami ng McDo na super gutom na silang lahat. Eh ako? Hindi pa ako dinadalaw ng gutom.

Um-order silang lahat ng chicken and rice samantalang ako. Walang ganang kumain kaya. Isang iced coffee vanilla, bff fries, and McFlurry na matcha flavor ang order ko.

Nasa second floor ang aming table. Malas pa naman ako sa hagdan dito kaya maingat akong umakyat.

Pero...

.. Hindi pa rin sapat dahil ako'y natalisod na talaga~

"Whoa! Whoa! Mag-ingat ka baka mawala lahat ng hawak-hawak mo.. I mean yung pagkain" pero hindi pa rin natuloy ang pagkatalisod ko dahil nahawakan agad ako ni Giewel. What a coincidence. Akalain mo yun for the second time nagkita na naman kami. Buti hindi natapon ang iced coffee ko huhu.

Nilagpasan ko lang siya dahil baka makita pa kami ng mga kaibigan ko. Ako na lang ang iiwas para wala ng madamay na iba.

"Giewel?" dinig ko mula sa aking likuran. Boses ni Ian.

"Oh Ian! Kamusta? It's been a long time ago simula nung last tayong nagkita" napalingon ako sa kanila. Kahit hindi ko ganong nakikita ang buong mukha ni Giewel alam kong nakangiti siya. What a evil smile.

"Yah. Actually it's almost 2 years ng biglang kang naglaho, Giew" sagot naman ni Ian napatingin naman siya sa direksyon ko ng napansin nyang nakatingin ako sa kanila. "Ashley come here. Bakit hindi mo i-welcome si Giewel sa kanyang pagbabalik?" What the heck Ian?! Anong problema mo?! Bwiset ka din eh.

"Nagkita na kami sa labas ng campus" shookt na shookt naman ang reaksyon ni Ian. Like wtf??! Wala talagang preno ang bunganga nito ni Giewel. Sarap tahiin eh.

"Oh really? Sa kanya lang? Nakalimutan mo na ba kami kaagad at sa pagbabalik mo si Ashley lang ang naalala mo?" Shit! Nagiging sarcastic na si Ian!

"Ian let's go" may halong pagseseryoso na sa boses ko.

"Why, Ash? Hindi mo ba namiss si Giew?" nagkatinginan lang kami ni Giewel.

"Ian!" Galit na ang tono ng pananalita ko.

"It's okay. Magkakabalikan na rin naman kami ni Ash" what the heck was that?!

"Sorry bro but Ashley is already taken" sabay kindat ni Ian kay Giewel at umakbay na sa'kin.

•°•°•°•°•

Sorry for late update :--((( hope you like this chapter :--)))

It wasn't love, it was a perfect illusion.

How does my life works in dancingWhere stories live. Discover now