Chapter 4

9 3 0
                                    

Tulala lang ako buong magdamag. Hindi ko inaasahang hahalikan ako ni Ian sa noo. Ang sweet lang kasi. Hala ano ba yan! Humaharot ka na naman Ash!

Nung nag enroll nga pala kami ni Lei sa DEMS hindi ko nakita si dads. Ang nadatnan ko lang doon ay si Heart na nagwelcome sa aking pagdating at yung dalawang Elite na lalaki na bago? I think so. Kasi alangan namang nandoon sila para tumambay tapos sila pa ang nag organize ng mga mage-enroll tapos ano tambay lang pala sila. Duh. Utak nga Ash, utak.

Pero kahit si Heart lang ang nakita ko do'n masaya na'ko. Kasi feeling ko kahit sa maliit na bagay lang na yun ramdam ko na welcome na agad ako.

I'm so blessed kasi kahit papaano may nakakaalala pa sa akin.

Kahit sobrang ikli lang ng panahon na nakasama ko sila. Kahit isang tao man lang may nakakaalala sa'kin. I'm thankful kasi naglaan pa rin siya ng space dyan sa puso niya para sa akin.

Hindi kami nagenroll ni Lei sa DEMS para maging certified na Elite na agad. Nagenroll muna kami para mag workshop bago kami maging member ng Elite. Gusto kasi naming maranasan munang maging student lang muna ni dads bagong maging anak-anakan niya. Kahit dati never niyang ipinaramdam sa mga Elite na hindi sila welcome, na hindi sila karapatdapat na maging Elite.

Si dads siya kasi yung tipo ng taong kukuha siya ng mga bagong Elite Dancers hindi dahil napaka galing nitong sumayaw. Kapag nakitaan niya ito ng potensyal sa pagsasayaw kukuhanin niya ito. Pero hindi ibigsabihin non na kapag nakakita siya sa tapat ng Studio na gumiling at sumayaw-sayaw ay kukunin na niya agad ito. Hindi ganon.

Nagpapa audition din si dads sa iba. Always open ang studio para sa nga mag-o-audition. Anytime pwedeng-pwede. Ganyan si dads dati hanggang ngayon.

***

Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nung makapag enroll kami ni Lei at bukas na kami magsisimula dahil Lunes na bukas. Ang schedule kasi na binigay sa amin ay M, W, F, S. Pahinga na lang daw yung mga matitirang araw.

Excited na kinakabahan ako. Hindi ko alam kung magaling pa ba ako sa pagsasayaw dahil dalawang taon na ang nakalipas simula nung huminto ako sa pagsasayaw. Yun nga dahil nawala na rin ako sa DEMS kaya naitigil ko ito. Kahit na kapag may mga activities or events sa school hindi na ako sumasali kapag tungkol ito sa sayaw. Ewan ko ba parang simula noon hindi ko na maramdaman pa na passion ko ito.

***

"Huy Ash! Ang tagal mo kanina pa'ko ango sa labas ng DEMS. Saan ka na ba? Ha?!" Sigaw ni Lei sa kabilang linya.

Ngayon na kasi yung araw na pupunta kami sa DEMS. And yes late na naman ako. Usapan kasi namin ni Lei dapat before 3:00 nasa labas na kami ng DEMS.

"Paalis palang ako ng bahay" kalmadong sagot ko kay Lei.

"Aba't paalis ka palang talaga! Bagal-bagal mo talaga kumilos. Dalian mo ah! Nabubulok na'ko dito!" Tumango nalang ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Baliw lang no. Ibinaba ko na rin ang tawag.

Ayokong ako ang naghihintay kaya naman pinapauna ko muna sila o 'di kaya sasabihing nakaalis na'ko.

Minsan na'kong pinaghintay noon at hindi maganda ang kinalabasan. May nangyaring hindi dapat nangyari. Alam ko namang hindi magagawa ni Lei na hindi ako siputin. Pero syempre para sigurado. I trust her pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Dahil kahit gaano mo pa katagal na kilala ang isang tao sa huli pwedeng-pwede ka nilang traydurin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How does my life works in dancingWhere stories live. Discover now