Chapter 1

15 3 0
                                    

"Uy Ashley sumali ka na din kasi!!!" Inuga-uga pa 'ko ni Lei sa balikat. Ang kulit-kulit talaga ng tokneneng na 'to! Kahapon ng paggising ko pa 'to nangungulit ah!

"Tatanungin ko pa si mama kung papayag" baka kasi 'di ako payagan sasabihin lang ni mama na dagdag gastos na naman daw.

Niyayaya kasi ako ni Lei na sumali sa isang Dance Workshop dahil kailangan niya ng makakasama kasi sapilitang inenroll daw siya ng nanay niya kaya wala na din siyang magagawa. Pangarap kasi daw yun ng magulang niyang makasayaw siya. Magulang nga naman gagawin lahat para sa anak. Si mama kaya?

"Eh ikaw Steph? 'Di ka talaga pinayagan ng papa mo?" Tanong naman ni Lei habang magkasalubong ang dalawang kilay.

"Kasi nga ang gusto ng tatay niya mag Belly Dancing siya" humagalakhak naman sa tawa si Christian dahil sa sinabi niya. Kaya pati kami napatawa na din.

"Mga baliw! Bahala nga kayo dyan! Ives tara na nga mag canteen na lang tayo" sabay alis nilang dalawa sa harapat namin.

Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay syempre nagbihis muna ako tsaka ko itatanong kay mama yung about doon sa Dance Workshop. Dati na rin akong nandoon nung nandito pa si papa para suportahan ako kaso ngayong wala na siya at may iba ng kinakasama. Si mama at si tita na lang ang sumusuporta sakin.

Oo broken family ako pero nandyan sina mama at tita para sa'kin at ginagawa nila ang best para sa 'kin. Nakakaahon din naman kami sa buhay kahit papaano, kahit wala si papa. May computer shop kami dito tapos si tita naman nago-online business. Kaya 'di rin kami masyadong gipit sa buhay. Pero syempre kailangan mo ding magtipid.

"Ma, may sasabihin po ako" akala mo nabuntis lang eh no. Charing.

"Ano yun nak? Tungkol ba yan sa school?" Paano ko ba sasabihin kay mama 'to? Gosh intense bes.

"Hindi po. Kasi.. Kasi niyaya po ako ni Lei yung kinukwento ko pong kaibigan ko. Niyaya niya po kasi akong mag Dance Workshop" oh my ghad what's next? 'Di ko pa naman mabasa ang ekspresyon ni mama.

Okay lang naman sa 'kin kahit hindi pumayag si mama. Pero syempre gusto ko rin naman ulit makita yung mga taong kinilala ko na ding parang isang totoong pamilya sa loob ng dalawang buwan. Oo dalawang buwan napakaikli lang non para sabihing naging isang pamilya na kami na sa Elite Dance Music Studio. Pero sa loob ng dalawang taon doon mismo sa loob ng studio na yun at ng mga tao doon binago nila ako. Kung dati parang wala akong pakialam sa pag-aaral ko ngayon nagsusumikap akong makakuha ng magagandang grades dahil yun ang tama at mabuting gawin ng isang estudyanteng tulad ko.

"Nako Carol payagan mo na yang anak mo. Minsan lang naman iyan atsaka magbabakasyon na baka mabulok lang iyan dito sa bahay kapag walang ginawa" sabay kindat ni tita sa 'kin ngumiti lang din naman ako sa kanya.

"Magkano ba ang enrollment fee dyan?" Tanong naman ni mama.

"500 po yung enrollment fee at 2,500 po yung pambayad para sa magiging concert or graduation namin."

"Sige na ija ako na ang magbabayad niyan" sabi naman ni tita ng nakangiti ng malaking-malaki sa 'kin.

"Talaga po tita?!" Tinanguan naman ako ni tita. Umaliwalas naman ang mukha ko dahil doon.

"Hay nako kinukunsinti mo na naman yang batang yan" pero kahit ganon alam kong payag na din si mama.

Nagchat agad ako kay Lei na sasali na'ko as I expected tuwang-tuwa siya. Sasamahan niya na din daw ako magenroll next week para saktong katatapos lang ng clearance namin.

================================

Monday na. Ito na ang start ng pag-aayos namin ng clearance form namin. Ito talaga yung tamang time para maghabol eh, maghabol ng teacher. Yan talaga ang dapat hinahabol natin. Ito kasi yung worth it habulin. Charing.

Sa ngayon nakapagpapirma na agad ako sa dalawa kong teacher. Madali lang naman makapagpapirma basta't kumpleto ka lang sa mga kailangan nila.

"Christiaaaannn!!!!" Papasok si Lei sa classroom ng sumisigaw. Siya yung tipo ng babae na hindi mo pa nakikita naririnig mo na agad yung boses. Ingay talaga. Ang liit-liit na nga eh.

"Oh anong problema?" Sinuntok naman siya ni Lei sa mukha. Nako.

"Ian sumali ka na din kasi!!" Sigaw na naman ni Lei sa pagmumukha ni Ian.

Hayst about na naman 'to do'n sa workshop panigurado.

"Bahala ka nga Lei! Aalis nga kami sa summer diba?!" Oo aalis sina Ian sa summer pupunta silang Australia para magbakasyon. Nandoon din kasi yung mama niya. Yung tatay niya kasi baby palang siya iniwan na sila pero yung mama niya may ibang pamilya na sa Australia pero sinusuportahan pa rin naman niya si Ian. Lolo niya na lang ang kasama niya at nag-aalaga sa kanya dito. Kaya nakakaawa din minsan eh.

Mahirap kayang mahiwalay sa mga magulang mo simula pagkabata pa lang. Hayst.

Akala ko hindi na matatapos sina Lei at Ian sa pagtatalo. Buti napagod din ang dalawa. Pa'no kasi sino ba namang hindi mapapagod sa araw-araw na pangungulit sa'yo at pangungulit mo din don sa tao. Maliban na lang kung android ka.

Natapos ang buong araw na puno ng pangungulit ni Lei sa iba pa naming kaibigan at kaklase na sumali din sa Dance Workshop.

"Ash!" Dinig kong tawag sa pangalan ko. Pero ng lumingon ako wala naman akong nakitang kahit sino. Hala ano ba yan! Nagi-imagine na naman ako.

"Hoy Ash!" Sigaw na naman nung tumawag sa'kin kanina kaya tumakbo na lang ako palabas ng campus. Creepy.

Tumigil muna ako sa isang tabi ng medyo nakalayo na ako sa campus.

Napahawak naman ako sa aking tuhod ng maramdaman ang hingal at pagod. Hinabol ko ang aking paghinga at ng maging okay na 'ko tatayo na sana ako ng biglang may humawak na dalawang kamay sa aking balikat.

"Ahhhhhhhhh!!!" Napasigaw na lang ako sa gulat at takot habang nakapikit.

"Huy Ash! Ba't ka sumisigaw? May masakit ba sa 'yo?"

Napadilat ako sa lalaking nagsalita.

Gulat ko siyang tinignan sa mga mata niyang kulay berde. Siguro dahil ay may suot syang contact lense. Pero hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

"Kanina pa kita tinatawag hindi mo naman ako pinapansin" so siya pala yung pinagkakamalan kong multo kanina. Bakit kasi kailangan pang tawagin sa malayo kung pwede namang lumapit diba? Ano shy type lang? Wala sa bokabularyo niya siguro yon.

"Giewel..."

Wala pa rin ako sa huwisyo para kausapin ng maayos ang taong to matapos ang ilang taon na lumipas ngayon nagpakita siya, ngayon nasa harapan ko na mismo siya, ngayon kinakausap niya na ako ulit ng parang walang nangyari. I know it's all happened in the past. Pero syempre hindi mo maiiwasang ibalik ang dati lalo na't it gives you so much to remember.

"Long time no see Ashley Estrella" nakangiting bati sa akin ng lalaki at.. At..

... Bigla niya akong niyakap kaya nanigas na lang ako sa aking kinatatayuan.

He was my ex boyfriend.

•°•°•°•°•

We don't meet people by accident, they are meant to cross our path for a reason.

How does my life works in dancingWhere stories live. Discover now