Chapter 3

5 2 0
                                    

"Ano na naman ba yun Ian ha?! What's wrong with you today? Ohmyghad Ian you're crazy!" Nakakainis na tong lalaki na'to ano na naman bang naisipan niya at sinabi niya yun kay Giewel. Taken? With whom?! Gosh! Nakakairita ha.

"Bakit, Ash, may mali ba akong nasabi?" Natatawang sabi pa niya. Aba't natawa pa talaga siya ha? Urg!!! He's getting on my nerves!

Ayokong isipin ni Giewel na gano'n ako kabilis. Yah it's already two years at hindi ko pa rin limot na limot ang mga pangyayari. Paano ko makakalimutan ang pangyayaring iyon kung ngayon ito na mismo ang humahanap sa akin para alalahanin ang lahat-lahat.

***

|•Flashback•|

"Ash!!!" Nakakainis naman oh! Bakit ba ayaw akong lubayan nito. Wala na rin naman kaming dapat pag-usapan pa. Tapos na kami sa kung ano mang namamagitan sa aming dalawa

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Hindi pa rin siya pinapansin hanggang ngayon. Nasabi niya na rin naman lahat ng dapat sabihin at siguro tama na yung mga nasabi niya at nangyari kanina. 

"Ash naman oh! Mag-usap naman tayo ng maayos hindi yung ganito" hinigit niya ang kamay ko at pwersang iniharap ako sa kanya. 

"Hindi pa ba tayo tapos mag-usap Giewel?" Akala ko ba hanggang dun na lang yon? Bakit kailangan pa ng second round ng pag-uusap namin? 

"Hindi ko rin ginusto 'to, Ash" napayuko siya at kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ngayon alam kong malungkot siya.

"Hindi mo ginusto? Giewel, ano ba naman 'to! Magdra-drop out ka dahil sa anong dahilan? Hindi mo man lang inalala yung nararamdaman ko ngayon!" Yung nararamdaman ko ngang sakit ngayon nararamdaman din ba niya? Of course not.  Bakit? Kasi una sa lahat he didn't even care for my feelings. Basta masaya siya okay na siya. Ni hindi niya nga naisip yung mangyayari sa mga pinaggagawa niya. Yung simpleng reason niya hindi man lang niya magawang sabihin sa'kin.

"Remember nung sinabi mong aalis ka na sa DEMS? It was me" Napakunot ako sa sinabi niya. So what about that? Kinalimutan ko na yun kahit parang kahapon lang nangyari ang lahat. At ano yung sinasabi niyang siya daw ang alin? "Alam kong hindi ka umalis talaga sa DEMS. Tinanggal ka ni dads. Why? Because I told him na tanggalin ka." 

Teka hindi magsink in ang mga sinasabi niya sa'kin ngayon. Ano daw? Siya ang nagsabi kay dads na tanggalin ako but... 

"Why?" I gave him a wondering look.

Nabalot naman kami ng katahimikan at akmang magsasalita na ulit ako dahil ayaw pa niyang magsalita pero inunahan na niya ako.

How does my life works in dancingWhere stories live. Discover now