Tug tug..
Tug tug....
Tug tug......
...
......
.........
Ano to??? Niloloko na ata ako ng mundo!! May mali ba kong nagawa?? Lord mabait naman ako diba, bakit mo naman ako ginaganto?? Naging mabait naman ako kay mama, mabait naman ako kay CJ ah, well madalas ko syang iniinis pero biro lang naman po yun e. Wala naman akong nasasaktan na ibang tao, pano po ako makakasakit wala naman po akong ibang kakilala, so Bakit nyo po ginagawa sakin toooooooooo!!!!!!!
.
.
.
.
.
.
*back to the present*Uwwwaaaaaahhhhh!
(-︿-) (๏︿๏) (-︿-) (๏︿๏) (๏_๏)....
Tatlong linggo simula nung pasukan, Hayst wala pa mang isang bwan pahirap na mga teacher namin hayst!!
Ok time check 6:00am, Hmm kaylangan ko na pumasok *sniff* *sniff* sinisipon pa ko hasyt ang sama ng pakiramdam ko... Wag na kaya muna ko pumasok... Di pwede di pwede kaylangan ko pumasok! Gusto ko tumaas na ang grades ko, kaylangan ko na maligo...Brr.... Putek, para kong naligo ng may yelo ah, sobra lamig naman ngayon...
Achuu.. *sniff* *sniff* mag bibihis na nga ko...
"Xyz bilisan mo sabay na tayo!!"-sigaw ng isang babae mula sa labas ng bahay namin, Parang si CJ yun. "Angkas mo ko sa bike mo para di na ko maglakad"
"Ayoko nga ang bigat mo kaya!!"-sigaw ko pabalik sa kanya
"Anong mataba??"-sabi nya sabay pasok ng bahay namin.
"Ah! Aray! Aray!! Masakit!!! Sabi ko mabigat hindi mataba" -sigaw ko habang hinahampas nya ko ng bag nya.
"Bilisan mo na mag ayos sabay na tayo, iaangkas mo ako sa ayaw at sa gusto mo"-sabi nya sakin sabay ngiti.
Napalunok nalang ako at tumango sa kanya... Ang creepy ng ngiti nyang yun nag tataasan balahibo ko pag naalala ko!! Yikes!
Nag madali na ako at umalis na kami, inangkas ko sya sa likod ng bike ko...
"Kumapit ka ng mahigpit para di ka mahulog"-sabi ko sa kanya.
Niyakap nya ko ng mahigpit!, sobrang higpit!!!
"Arrgghh!! huy, h...huyyy!! di na ko maka...hinga"-mamatay matay kong sigaw sa kanya!
"S...Sorry di ko sinasadya!!"-takot na sabi nya sakin. "Sabi mo kasi kumapit ng mahigpit"
"Humawak ka nalang sa balikat ko"-nakangiti kong sabi sa kanya, ayoko pang mamatay mas ok nay ung sigurado.
Pinatong nya ang dalawang kamay nya sa magkabila kong balikat, pero bago kami umalis binatukan nya muna ko ng malakas sabay sabi ng,
"Tara na" habang nakangiti.Di na ko sumagot baka batukan lang ulit ako ng malakas ang sakit ehhh.
.
.
.
.
.
.
Habang papunta ng school may nakita kaming babae na nag hihintay sa harap ng school gate namin, hmm infairness cute sya ah hahaha... Nakauniform sya ng pang all girls school na malapit sa school namin.. Baka hinihintay nya siguro boyfriend nya...
.
.
.
Tuloy tuloy lang ako sa pag pedal... Pero bago kami makalagpas sa gate hinarangan kami ng babae sa harap ng gate buti nalang nakapag preno agad ako kung hindi ay nasagasaan ko sya... Bumaba kami ni CJ sa bike ko at lumapit si CJ sa babae siguro tatanungin nya kung bakit nya ginawa un...Bago pa makalapit si CJ dun sa babae ay nag lakad ito papunta sakin at may dinukot ito sa kanyang bulsa...
Nilabas nya ung cellphone nya at tinapat sa akin....
.
.
.
.
.
Natulala ako, nagulat, nawindang!! B..bakit m...may picture ako na nakapatong sa isang babae?? Teka sya ba to?? Bakit nya ipapakita sakin ang picture nya habang nakapatong ako sa kanya??"Xyz Nadela rigth?, Well i want you to be my pet"-sabi nya sakin habang may nakakatakot na ngiti sa kanyang muka....
Napalunok nalang ako wala na akong ibang nasabi... Nanghihina ang mga tuhod ko pabang babasak na ko ano mang oras.
BINABASA MO ANG
Why Me?
RomanceNot a Prince. Not a King. Not a Knight. Not a Soldier. Not so Brave. Not so Handsome. Not so Tall. Not so Rich. Nothing at all This guy is not the Prince that you an find in a fairytale or a Hunk that you can find in some kind of drama, but this guy...