PANIMULA

35 1 0
                                    

"Sinabi ko bang mahalin mo ako?" Pagak siyang natigilan habang sinasabi ang mga salitang ito nang pinakamamahal niya.

Hindi na niya mahagilap kung saan niya ilulugar ang sarili. "Pero akala ko..."

"At naniniwala ka talagang magugustuhan kita? Na papatol ako sa isang katulad mo na isang HAMPASLUPANG anak nang magsasaka lang." May diing saad nito.

Lumagapak ang isang malakas na tunog pagkatapos nang lahat. Sinampal niya ito nang dahil sa sobrang galit.

Napahawak ito sa mukha at tumingin nang matalim sa kanya. Pero hindi ito nagpatinag at inayos ang sarili.

Naiiyak siya sa nakikitang kawalang gana nang kaharap. "May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" "Sabihin mo gagawin ko lahat, gagawin ko lahat para mahalin mo ako ulit. Kahit ano sabihin mo lang." Sabay lapit at halik dito. Pero inilayo siya nito at nagsalita. "Tapos na tayo! Tapos na tayo Rosa dahil simula una wala namang talagang tayo. Ni katiting wala akong nararamdaman para sayo. Nadala lang naman ako nang mga kaibigan ko dahil may pustahan kami na pag naging akin ka ibibigay nila sa akin ang mga kotse nila." Tuloy-tuloy na saad nito.

"Isa pa, walang namang mawawala sakin pag ginawa ko yon kaya okay lang at tingnan mo nga naman kumagat ka naman sa patibong nila." Tatawa-tawang dagdag nito. Bumigay na ang kanyang mga tuhod sa sakit na nararamdaman. Napaluhod siya habang tigwak ang mga luha.

"Nakakadiri ang mga katulad mo! Hindi ko na kakayanin pang makita ang pagmumukha mo sa harapan ko kaya ngayon pa lang tinapos ko na habang maaga pa."

"Para kang daga, kumakagat sa patibong. Nakakaawa ang mga katulad ninyong mga kahig-tuka. Dapat sa mga katulad ninyo hindi na lang nabuhay." Walang buhay na saad nito. "Wag na wag ka nang magpapakita sa akin... kahit kailan."

Likod na lamang nito ang naabutan niya nang mag-angat siya nang tingin dito. "Wala na aalis na siya, iniwan na niya ako." Naaawa siya sa sarili niya, feeling niya ang baba niyang babae. Bakit ba kasi hindi sila magkaparehas nang estado nang buhay. Tama ito! Isa lamang siyang hampas-lupa, kahig-tuka at kahit kailan hindi ito babagay sa isang katulad niya.

Nadurog na ang puso niya, durog na durog na. Ang mahal niya iniwan na siya, buong akala niya mahal siya nito pero pinagpustahan lang pala siya nito. "Ang gaga gaga ko! Hindi kasi ako nakikinig kina Itay at Inay. Sana hindi ako nasasaktan ngayon, e di sana hindi ako nakakaramdam nang sakit ngayon dito." Sabay gusot nang damit sa may bandang dibdib at umiyak nang umiyak.

"Balang araw pagsisisihan mong pinaglaruan mo lang ako." Sabay punas nang mukha. "Pinagsisisihan ko nang minahal ko ang isang tulad mong Walang Puso at ni katiting na konsensya." Kumatok muna siya sa kanilang maliit na  barong-barong at kaagad naman siyang pinagbuksan nang ina.

Pinagmasdan siya nito mula ulo't hanggang paa. Nilapitan kaagad siya nito nang makitang puno luha ang mukha niya. "Diyos ko po! Rosa anak anong nangyari sa iyo at ganiyan ang hitsura mo?" Pagkaharap dito niyakap niya kaaagad ang inay at gumanti din ito nang mahigpit na yakap. "Patawarin nyo po ako Inay." Hikbi niya at parang batang nagsumbong. "Patawarin po ninyo hindi ako nakinig sa mga bilin ninyo na wag ako iibig sa katulad niya. Ang tanga-tanga ko! Iniwan na niya ako Inay. Pinagpustahan lang pala nila akong magkakaibigan. Ang sakit-sakit Inay!" At yumakap ito nang mahigpit sa kanya, ginawaran siya nang halik sa tuktok nang buhok.

"Patawarin mo rin kami nang itay mo, patawarin mo kami at nagkukulang kami sa iyo. Patawarin mo kami sa mga nagawa namin Rosa anak, kung alam ko lang na magkakaganito! Hindi na sana naman ikaw kinuha..." Natahimik ito bigla at kitang-kita niya kung paano ito rin ay nabigla sa nasabi.

"Ano pong sinasabi ninyo Inay?" Nangungusap na saad niya. "Ano pong kinuha ninyo ako?.."

"Hindi ka namin.. TUNAY NA ANAK." Ang ama niya ang nagsalita. Kagagaling lamang siguro nito sa pagsasaka.

"Ano.. pong ibig ninyong sabihin.. na hindi ninyo anak?" "Inay Itay ano pong.." napipilang saad niya.

"Isa kang De Silva! Ang nag-iisang anak ni Robert Johan Mendez De Silva at ang ina mong si Corazon Jane Sebastian De Silva." Pagpapatuloy nito. "Po.. ano pong sinasabi ninyo kayo po ang inay at itay ko diba.."

"Hindi kami ang mga tunay mong magulang Rosa anak.. Panahon na siguro para ibalik ka namin sa kanila. Patawarin mo sana kung inilihim namin sa iyo ang tungkol dito. Kagustuhan lamang namin ay ang iyong kaligtasan."

Umiiling-iling siya. "Inay.. Itay.. Paanong.. Nagsinungaling kayo sa akin.. Katulad lang din kayo nila. Niloko niyo din ako, puro kayo mga manloloko.." Sabay takbo niya at umiiyak na naman siya habang nasa daan.

"Puwede bang ngayon magmura na! TANGINA! PUTA! Ano lahat na lang ba lolokohin din ako? Ano bang nagawa ko at pinaparusahan ako nang ganito. PUTA! Sana pala hindi na lang ako nabuhay kung sasaktan lang din ako nang ganito."

Nasa harapan na siya nang bangin nang tumakbo siya mula kanina. Nakaharap siya ngayon sa malawak na karagatan at sa baba nito ay ang maalon-along karagatan. Malapit lamang ito sa kanilang barong-barong kaya agad siyang nakarating, paborito din niya itong puntahan kapag may mabigat na nararamdaman. Ito ang nagsisilbing hingahan niya at labasan nang sama nang loob. "Puro sakit lang naman ang nararanasan ko. Mabuti pa.. mawala na lang ako sa mundo." Unti-unting lapit niya sa bangin. Tanaw na tanaw na niya ngayon ang karagatan sa baba mula dito.

Napakaganda nito at nakakaakit.

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at hinayaang liparin ang kaniyang buhok, damahin ang simoy nang hanging tumatama sa kanya.

Tumulo ang kaniyang mga luha kasabay niyon ang pakiramdam nang parang lumulutang sa ere at napakasarap niyon sa pakiramdam. "Sana hindi na ako maramdam pa nang sakit.. kahit na kailanman.."

"Paalam.."

----
SavemeAlone

NO TO FOREVERWhere stories live. Discover now