"Darling dapat hindi ka na nag-abala pang pumunta dito. Naabala ka pa tuloy sa trabaho." Ang daddy nya habang ito'y nakahiga dito sa hospital.
"Pwede ba yun. Dad naman e, wag ganito.."
Niyakap siya nang ama at hinagkan sa noo."Napakasweet naman talaga nang baby girl ko. Amoy baby! Hahaha."
"Dad naman e." Nakuha pang magbiro nito. Napakaswerte nya talaga at nakilala nya ang mga ito. Ang ina naman nya nasa tabi nang ama at sumasakay sa mga jokes nang asawa.
"Pasensya ka na iha at kami'y tumatanda na. Ikaw na lang ang inaasahan namin na mag-manage nang kumpanya. Alam naman namin na hindi mo kami bibiguin kaya panatag akong nasa mabuting kamay ito." Saad nito.
"Opo! Pangako aalagaan ko po ang kumpanya. Di ko po kayo bibiguin." Habang nakayakap sa ama. "Pero wag mo na ulit gagawin ito ha, dad naman bata ka pa. Hindi pa nga ako nag-aasawa e, tapos anong sinasabi mong matanda ka na diyan." Banta niya dito. Hindi niya kasi talaga alam ang gagawin kapag may nangyari dito.
"Eh kailan mo ba kasi kami bibigyan nang apo at gustong-gusto na namin magkaroon. Ayaw mo naman sa mga anak nang kumpare ko, pinapaalala ko lang sayo anak 23 ka na. Pwedeng-pwede ka nang mag-asawa kung gugustuhin mo, marami din ang nanliligaw at naghahabol sa iyo ikaw lang naman itong may ayaw." Pahayag nito.
"Naku love, hayaan na muna natin siya. Mukhang di pa talaga niya nahahanap iyong taong magpapasaya sa kanya. Nararamdaman ko malapit na akong magka-apo e. I'm so excited, kaya dali-dalian mo na iha." Saad nang ina nya. Hindi naman kasi talaga siya nagmamadali sa bagay na iyon, pero gusto niya ring magkapamilya tulad nang mga magulang niya. Sino nga ba ang ayaw diba? Kaso parang mailap siguro talaga. Wala pa yung.. basta nasasaktan parin kasi talaga siya.
Di niya maiwasang alalahanin iyong mga nakaraang pilit na niyang ibinabaon sa limot. Pero hanggang ngayon nasasaktan parin siya at hindi niya parin matanggap.
Binalak niya pa ngang gumanti noon kaso napag-isip isip niya na.. para saan pa? Nangyari na.. Hindi na iyon maibabalik pa. Naloko na siya, pinaglaruan at pinangako niya na sa sariling di na mauulit pa iyon.
"Hindi na ako katulad nang dati na tinatapak-tapakan lang.." Sa isip niya habang nakangiti sa harap nang mga magulang. Kuntento na siya kung anong buhay ang mayroon siya ngayon. Sa totoo lang ay wala na siyang mahihiling pa.. ang nais na lamang niya ay mabura na nang tuluyan ang mga masasakit na nakaraan.
----
SavemeAlone
YOU ARE READING
NO TO FOREVER
RomanceYou make a choice Love or Love Not? What would it be? ----- SavemeAlone