Napakalakas ng tunog. Tunog nang mga nagsasayawan at nagkakasayahan. Puno nang iba't-ibang klase ng mga tao ang naturang lugar. Mga nagagandahang tao ang kadalasan na narito dahil sa isa itong prestigious bar na kilalang-kilala na para lamang sa mga elites at mararanyang miyembro ng pamilya at kilala sa larangan nang negosyo tulad niya.
"Are you ready to party!!!"
Dinig niyang sigaw nang maputing babaeng nasa harap at may hawak nang mikropono at nakakapagpadagdag pa sa nararamdamang saya nang mga naroon.
"In a count of 1 a 2 a 3 and 4... Let's party yow party people!!! Burn the stage."
Maya-maya pa ay bumaba na ito at nilapitan siya. May matamis itong ngiti habang nakatingin sa kanya.
"Mabuti naman at naisipan mong pumunta na ngayon dito. Knowing the likes of you, hindi ka basta-bastang pumupunta dito." Bungad nito habang may pagtaas pa nang kilay sabay lagok ng alak.
"Hindi na ba ko puwedeng magsaya? Ganon? Well! Sorry to say this to you my dear cousin, nakikita mo ako ngayon din kaya pagtiisan mo." Sagot niya. "Ano bang masarap na drinks niyo dito? Parang gusto kong maglasing kahit ngayon lang."
Tiningnan lang muna siya nito at tinawag ang isang waiter at lumapit sa kanila. Habang kinakausap ito nang pinsan niya, nakatingin siya sa mga ito particularly sa lalaking nagseserve nang drinks nila.
Tumingin din naman ito sa kanya at nahuli siyang tinitingnan niya ito. Ngumiti lang ito at kinausap na muli ang pinsan niya.
"Weird.."
"Oh heto na! Pasalamat ka mabait ako ngayon, sa ganda kong ito." Sabay flip ng hair.
Anong konek? Minsan di niya talaga maispell kong pinsan niya ba talaga itong babaeng kausap niya.
"So ano na palang balak mo ngayon? Maglalasing ka? For what reason? My dear cou'z we're not so close pero may pakialam pa rin ako pag may nangyaring di maganda sa iyo dito. Alam mo ba kung nasaan ka ngayon?" Tinatarayan pa talaga siya nito.
"Can you just stop raising your eyebrows at me? Nakakairita na at baka sabunutan kita dito ora mismo at nagsisimula na akong mainis, mas matanda pa rin ako sayo tandaan mo yan." Sagot niya.
"Magboboy-hunt ako ngayon." Napatingin ito nang nanglalaki mata. Konti na lang luluwa na sa kinalalagyan.
"Really? Unbelievable! Holy Cow! Are you really my cou'z the ultimate taong bahay. Are you?" Sigaw nito.
"Ouchy!!! You're so brute."
Binatukan nga niya, lakas nang bunganga e. Sarap pasakan nang kung anong mahawakan niya. Brute agad?"I think I like you now!" Tili nito sabay yakap sa kanya. Oh god! What happened to this bitch! Nagsisimula na siyang mairita.
"I'm sure tita will be so happy, ikaw naman kasi wala kang social life. Puro ka bahay at school lang. Mabuti din sa life iyong may nakakausap kang ibang tao maliban saming mga magagandang pinsan mo." Tama ito pero hanggang doon lang di na kasama iyong papuri sa sarili at pagbuhat nang mesa. Totoo naman kasi puro lamang talaga siya bahay at school. Ganoon na ang routine niya sa araw-araw. Kaya napag-isip niyang kailangan niya nga ito kaya heto at narito siya balak na magpakasaya naman. Hindi naman siya hinahadlangan nang mga magulang niya bagkus ito pa nga ang nagsasabi sa kaniyang minsan e lumabas labas naman siya sa comfort zone niya at enjoyin ang life. Life is too short nga ika nang daddy niya.
Napangiti siya nang maalala ang mga mukha nang parents niya tuwing lagi siyang inaaya nang alis pero siya decline lang o sasabihin may gagawin pa kahit wala naman talaga para makaiwas lang.
"Common cou'z enjoyin natin itong pagbabagong buhay mo." Sabay halakhak nito. Sapukin niya ito e. Hinila siya nito para magsayaw sa gitna nang napakaraming ibang tao ding nagsasayaw.
Nakisayaw na din siya, ang sarap sa pakiramdam. Indak at indayog nang mga katawan na sumasabay sa tugtog nang musika. Lalong nakadagdag sa saya ang makailang lagok din niya nang alak mula pa kanina. Serve kasi nang serve iyong mga waiter. Kasalanan nila! Natawa siya at ninanamnam ang tugtugin sabay indak nang katawan. Wala na siyang pakialam sa paligid niya basta nagsasayaw siya.
Sa wakas! Ito pala ang feeling nang nagsasaya at happy life. Happy go lucky nga daw sabi nang iba.
"Mukhang mapapadalas na siya dito." Sabi niya sa isip isip. Nilapitan siya nang pinsan.
"Are you enjoying?" Ngiti nito.
"Yes! I am, thanks by the way." Banayad niyang ngiti. Totoo ito at hindi peke.
Tumawa lang ito. "My pleasure.."
----
SavemeAlone
YOU ARE READING
NO TO FOREVER
RomanceYou make a choice Love or Love Not? What would it be? ----- SavemeAlone