"Ahm.. Ms. Rose ngayon na po pala ang meeting niyo with the clients about the designs sa New Towers." Hinarap nito sa kanya ang mga papeles na sandamakmak.
"At ayan naman po iyong mga papers about the company that you will be managing from now on." Nagpasalamat naman siya sa secretary niya.
"Thanks Emy.. baka kung hindi dahil sa iyo nagkukumahog ako ngayon sa mga gagawin ko. I can't believe it! Ako na talaga ang magma-manage ng kumpanya nang pamilya ko."
"It's my Job Ms. Rose as your secretary." Tipid nitong sagot na walang kangiti-ngiti.
"I should go by now Ms. Rose." Tumalikod na ito at lumabas nang opisina niya.
"Mukhang mapapasabak ako ngayon sa dami nito. Kakayanin ko to! Ipinagkatiwala nang parents ko sa akin ang company kaya dapat lang na ayusin ko ang pagpapatakbo dito. Pero paano kung malugi? No no no.." Naloloka na siya! Biglaan naman kasi itong nangyayari sa kanya.
"I think mas mabuting ayusin ko muna ang meeting ko sa mga Scott." Last na design na niya ito bilang Architect. Magba-bye na siya sa trabaho niya dahil nga siya na ang hahawak ng kumpanya nang pamilya niya.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga laman ng folders at inilibot ang mga mata sa bawat detalyeng nakasulat. Pagkatapos inayos ang mga ito at lumabas nang opisina.
Pagkakita naman sa kaniya nang sekretarya ay agad na yumuko ito bilang paggalang.
"Emy.. Gusto ko pagbalik ko maayos na ang schedule ko about sa mga clients nang company. Heto nga pala.. gusto kong ikaw na muna ang maghandle nang isang yan. I know you can do it. I will be meeting Mr. Scott." Sabi niya at inabot dito ang isang folder.
"Yes, Ms. Rose." Yumuko ito.
---
"Have a seat." Nginitian niya ang kliyente niya.
"How's your day Architect?" Tanong nito.
"It's good Mr. Scott, Pardon me for being a minute late." Habang nakapaskil ang mga ngiti sa labi.
"No it's okay. About sa designs pwede ko na ba siyang makita?" Inabot naman niya ang mga designs niya.
"Hmm.. Hindi talaga ko nagkamali about hiring you. It's good and I like the design. Your taste is better than me." Tumawa naman ito nang konti. Nakitawa na rin siya. May edad na si Mr. Scott. Mga kaedaran lang ito nang parents niya. Sa katunayan ay kilala nga nito ang mga magulang niya.
"So paano hija, it's a deal then." Laking tinik naman sa kanya nito. Sa wakas! Napuyat din siya kakagawa at ayos nang mga disenyo niya. Pag may tiyaga may nilaga. Hahaha charot!
"Deal! By the way this will be the last time na makakapag-disenyo ako. Alam nyo na ako na ang magma-manage nang company." Nakipagkamay siya.
"It's a pleasure to be your last client then, Architect De Silva or rather Ms. De Silva. Wish you a good luck hija." Nagpasalamat naman siya. Tumayo na ito at umalis.
Tinawagan naman niya ang kaniyang sekretarya. Naka-isang call pa lamang siya ay sinagot na agad nito iyon.
"Emy.."
"Yes, Ms. Rose."
"How is it going?"
"It's a close deal Ms." Napangiti siya, kay-gandang simula nito.
"Thanks Emy. I know I can count on you. Pagkatapos mo diyan pwede ka na munang umuwi." Sabay end call.
Tinapos na niya ang pagkain. Sayang kasi kung hindi niya uubusin, ang dami pa naman nito. Kaso busog na yata siya, kaya itinigil din niya. Nakaramdam naman siya na parang maiihi na siya kaya agad siyang nagpunta ng wash room.
Habang naghuhugas ng kamay, biglang nag-ring ang phone niya. Dali-dali naman niyang sinagot ito kahit di tinitingnan kung sino ang tumawag.
"Hi, this is Ms. De Silva speaking." Pormal na sagot niya.
"Darling!" Napa-ohh naman siya. Mommy niya pala.
"Bakit po kayo tumawag Mom?" Tanong niya.
"Ang D-daddy mo naisugod sa ospital. H-hindi ko alam gagawin ko." Sabi nito.
"What?! Saang ospital yan at pupuntahan ko kaagad kayo diyan." Nag-alala siya!
"I will text you the adress." Halatang kinakabahan ang boses nito pati tuloy siya ay natataranta.
"Mom please don't panic! Dad will be okay. Pupuntahan ko na kayo diyan." Kaya dali-daling isinukbit ang bag at inayos ang sarili.
Agad na may nagpop-up na msg galing sa mommy niya kaya binasa niya ang nakasulat. Nagmamadali siya nang lakad habang nakatingin sa ibinigay na adress, alam niya kung saan ito. Minsan na siyang nakapunta dito. Naglalakad siyang hawak ang phone niya nang bigla na lang siyang bumangga sa matigas na bagay. Napaupo siya sa lakas ng impact. Nabitawan niya ang phone niya at tumalsik sa malayo.
Akmang tatayo siyang muli para abutin iyong phone niya nang may biglang magsalita. "You!" Sigaw nito sa kanya. Kaya napatingin siya.
"I-I'm sorry but I gotta go.." Iyon lang at pinulot ang phone niya. Hindi niya alintana na paika-ika na siyang maglakad paalis doon. Kailangan niyang magmadali, ang daddy niya! Saka mas binilisan pa ang lakad o lakad pa ba ang matatawag sa ginagawa niya. Maluha-luha na siya nang mga oras na iyon. Kailangan siya nang mga magulang niya.
Hindi niya kakayaning pati ang mga ito ay mawala sa kanya.
----
SavemeAlone
YOU ARE READING
NO TO FOREVER
RomanceYou make a choice Love or Love Not? What would it be? ----- SavemeAlone