Sarap na sarap siya sa pagsimsim nang alak sa kaniyang harapan. Iniwan na muna siya nang pinsan at ito'y may gagawin pa daw. If I know kabalastugan na naman ang gagawin niyon. Kilala itong player at gamer. Yeah right? Kasi hindi ito seryoso pagdating sa lablayp kuno. Laro-laro lang ang hanap nito.
"One shot for her!"
Abala siya, nang biglang sumulpot ang isang estranghero sa tabi niya. Kahit na medyo madilim sa lugar niya ay naaaninag niya ang gwapo nitong mukha. May matangos itong ilong, mahahabang pilik-mata at ang nakakadagdag nang appeal dito ang pangahang mukha at mala-adonis na tindig. Kahit sinong babae malalaglag ang panty at kusang ibaba ang suot. Pero iba siya, wala sa kaniya iyon. Ano nga lang ba ang ginawa niya sa buhay niya. Binuro lang niya ang sarili sa pag-aaral at sa kasalukuyang pagtatrabaho.
"Baka malusaw ako." Nakangiti nitong sambit. Lumabas tuloy ang maliit nitong dimple na kahit sa dilim ay kita parin. Nakakainggit naman ang lalaking ito, tinalo pa ko. Sana lahat may dimple.
Hindi siya nagsalita bagama't iniwas ang tingin. Nararamdaman pa rin niya ang presensya nito sa tabi ngunit pinabayaan na lang niya.
Hindi ako sana'y na makipagsocialize sa hindi ko kakilala. Nasabi niya sa isip. Naloloka talaga siya sa sarili. Naiisipan niya pa kasing magpunta dito ayan tuloy napala niya. May gwapo lang naman na kumausap sayo teh.. Arte pa? Sabi ng utak niya. Sumisimsim siya nang inumin nang biglang nagsalitang muli ito.
"I'm Edward." Nakalahad na sa harapan niya ang mga kamay nito. Tinitigan niya lang ito. Tapos? Dapat bang makipagkamay din siya? Sa huli'y inabot din ang kamay nang estranghero.
"What's your name? by the way?.." Manonosebleed na ata siya dito kakaenglish nito.
"R.. Rose." Tipid niyang sagot.
"Nice." Tipid din nitong sagot.
Nahihiya talaga siya. Shocks di siya prepared sa mga ganitong set-up. Oo nga't kada may meeting ang parents niya ay di siya sumasama. Ipapakilala na naman siya ng mga ito sa business partners o kaya'y iseset-up sa anak ng partners ng mga ito. Iyon ang ayaw niya kaya di siya pumapayag. Ang isa pang kinaiinisan sa mga ito ay ang minamadali siyang makahanap ng mapapangasawa. Para sa kaniya di pa siya handa, jusmiyo 23 pa lang siya. Wala na ata siyang balak na mag-asawa pa.
"Ganito ka ba talaga? Tahimik? You Know What.. Dapat magsaya ka." Napatingin siya dito. Nakangiti na naman kasi ito. Hindi na niya ikakailang ang gwapo nito kapag ngumingiti ito nang ganito.
"Tara.." Sabay hila sa kanya.
Dinala siya nito sa Dance Floor. Maraming tao na nagsasayaw pero parang wala naman iyong pakialam sa iba. May mangilan-ngilan nga lang na nakatingin sa humila sa kaniya. Lalo na mga kababaihan.. naguwapuhan siguro.
"Common, sway your body. Magsaya ka lang." Halakhak nito.
Sumasayaw na ito sa harap niya. Giling-giling pa ito kasabay ng tugtog. Siya naman ay paunti-unti na ring sumasabay. Dala siguro ng alak kaya lakas na din nang loob niya. Bahala na..
Nagsasayaw sila hanggang sa nakaramdam na din sila nang pagod, kaya bumalik silang muli sa bar counter.
"I thought you don't dance.." aning estranghero.
"Dala na iyon siguro nang alak na nainom ko." Natawa ito sa sagot niya.
Tumango-tango ito.. Pinipigil ang ngiti. Pinagtatawanan ata siya nito. Panget ba siya sumayaw kanina? Mukha ba siyang ewan.. Naisip pa kasi niyang sumabay sa trip nito. Aba't pinagtatawanan pa ata siya.
"I--- think k..kailangan ko nang umuwi. Anong oras na kasi.." Paalam niya.
"I can drive you home.. if you know... if you want?" Nakangiti pa rin ito.
"Ay naku wag na! Okay na ako mag-tataxi na lang siguro ako." Tanggi niya sa alok nito. Kakakilala niya lang dito.
"I insist.. wala nang gaanong nadaang taxi nang ganitong alas dos ng umaga." "Baka kung mapaano ka pa." Tipid na lang siyang ngumiti.
Naglalakad silang sabay habang binabagtas ang papuntang parking.
Nakita niyang lumapit ito sa tila mamahaling kotseng kulay pula at mukhang bagong disenyo ito. Kahit papaano'y may alam siya sa ganito dahil sa kapatid niyang adik pagdating sa mga kotse. Binibigay naman niya ang gusto nito dahil pinangako niya sa sariling tutulungan ang pamilya niya.
Pinagbuksan siya nang pinto nito nang makarating sila. Sumakay din naman siya.
Amoy na amoy niya ang panglalaking amoy nang kotse nito. Kasing amoy nang estrangherong nakasayaw niya.
"Pinag-iisip ko.."
"Huh? What are you saying? I saw you mumbling something while having that weird expression on your face." Sabay halakhak nito.
Sarap batukan nang sarili niya.
"Huh? W-wala.. yon.." Nahihiyang sagot niya dito. Nakakahiya naman kasi dito, ihahatid na nga siya pag-iisipan niya pa nang kung ano-anong kamanyakan. Nahawa na ata siya sa pinsan niya, lakas makahawa nang bruha.
"Saan ka nga pala nakatira?" Tanong nito.
Ibinigay naman niya ang eksaktong adress nang bahay niya. Nang makarating sila, agad siyang nagpasalamat dito.
"Ahm.. ano gusto mo bang pumasok muna?" Nahihiyang tanong niya. Shocks siya pa talaga nag-iinsists na papasukin ang isang lalaki sa bahay niya. Nakita niya kasing tinitingnan nito iyong bahay niya. Para bang sinusuri or something..
"Ah. No, aalis na rin ako." "BTW it's nice meeting you." Sabay halik sa pisngi niya. Hindi siya nakapagreact agad. Di siya ready sa nangyayari.
Nang makabawi siya. Nakangiti na ito sa harap nang mukha niya.
"Sige good mornight. I mean have a wonderful dream. Pasok ka na, aalis ako pag nakapasok ka na sa loob." Nginitian niya lamang ito at nagpasalamat.
"Nice meeting you again, Rose.."
Sigaw nito nang nasa pinto na siya nang inuukupang bahay. Nginitian niya ito, ito nama'y sumaludo sa kanya.
Pagkapasok niya, binuksan niya kaagad ang ilaw. Sakto namang narinig niya ang tunog ng kotse. Papaalis na ito malamang.. Bat parang gusto niya pa itong magtagal nang kahit konti.. Shocks talaga, ngayon lang ito nangyari sa kanya.
Ngayon lang muling parang may pumitik sa dibdib niya, maramdaman ang ganoong klase nang kaba na nagpapabilis sa pintig ng puso niya.
----
SavemeAlone
YOU ARE READING
NO TO FOREVER
RomanceYou make a choice Love or Love Not? What would it be? ----- SavemeAlone