From: Luke
missed you already. I want to see you again.
Di ko na sila nireplyan sa sobrang kaantukan ko kaya naisipan ko nang matulog hehe
8:30am...
*ringing*
Anobanaman yang tumutunog na yan. Oh! may tumatawag sa phone ko? umagang umaga. Ohmaygaaahd si Luke paaa!
Me: Hello?
Luke: Gooooodmorning Belle! nagising ba kita? sorry.
M: ah.. eh.. medyo hehe pero okay lang.
L: are you going out today?
M: yep. aalis kami ni Dad mamayang 11:30am
L: Good! I'll pick you up later 7:30pm. Bye!
M: San@*#&/*
*call ended*
Saan naman kaya kami pupunta? saka di ko alam isusuot ko maygaahd. Makababa nga muna para kumain.
"Oh anak! gising ka na pala. may pancakes, bacon and egg dyan, kumain ka na" Dad
"Yeheeey!" Ako
Alam talaga ni Daddy favorite kooong PANCAKE at BACON (^o^)
"Ay! May pag yehey? first time kumain?" ani ni Daddy. sinamaan ko na lang siya ng tingin at kumain na lang.
"Hahah ang cute talaga ng anak ko! syempre makakalimutan ko ba ang favorite mo?" aniya.
"Dad busy ako. busy akong kumain hahahah" Ako. Tumawa naman ang Daddy ko HAHA
Fast forward... 11:00am
Pinagsuot ako ni Dad ng simple but elegant na Black dress na above the knee. Habang siya ay naka suit&tie.
"Let's go Anak! nag-iintay na ung friend ko." aniya
sinong friend naman yun? babae ba yun? Nakooo baka may chinichix na to si Dad.
Di ko na siya tinanong at sumakay na lang ako sa Frontseat ng kotse niya.
Nakarating kami sa aming pupuntahan ng mga 11:20. Di nagtagal, dumating na rin ang isang lalaking mukang kasing edadan ni Dad na chinito at maputi.
Tumayo si Dad at nakipagkamayan dito kaya tumayo na rin ako.
"Mr.Tan this is my daughter, Ysabelle" Dad. Nakipagbeso ako kay Mr. Tan at umupo na kami. Pacircle yung table kaya okay haha anodaw. Tan? anak nya kaya si Luke? hahah chos
Chikahan lang sila ng chikahan tungkol sa business ako naman kain lang ng kain. Minsan tinatanong din ako. Nakaka-OP namaaaan! naagaw ng attensiyon ko ang sinabi ni Mr. Tan..
"@&#//-+*my sons Luke Jacob Tan and Luke Jeydon Tan" aniya.
"May kapatid po si Luke??? (⊙_⊙)" Ako.
"Sinong Luke ang tinutukoy mo? Haha" Mr. Tan
"Ay si Luke Jacob po" Ako
"Yup. and they're twins. Do you know them?" aniya.
"Si Jacob lang po." Ako.
OHMYGEE!!! di kaya ung nakita ko sa parking lot kagabi ay ung kapatid ni Luke? ay ni Jacob pala? medyo magkamukha kasi sila eh mukhang matured lang itsura nung Jeydon ba yun.
After 2hours, natapos din ang business talk ni Dad at ni Mr. Tan kaya nagpaalam na kami sakanya.
"Oh sinong gustong magice creaaaaam??" Dad
"Akooo! haha" sigaw ko na parang bata.
pumunta kami ni Dad sa Coldstone at umorder.
after namin magpakabusog sa icecream, umuwi na kami.
"Dad naalala mo si Luke? ung kinukwento ko sayo dati?"tumango naman si Dad "susunduin nya ko mamaya dito 7:30"
"Ah okay. titignan ko na lang ung business natin."
macheck nga muna ung phone ko baka may messages hihi. Oh 4messages
From: Luke
Magcclub tayo later.
Yeeeees! tagal ko ng di nakakapagclub (^o^)
From: Kobe
Magkaaway kami ni Elaine :'(
To: Kobe
Drama nyo. pag may love problem, sakin? kay Patrick patulong ka.
From: 0916*******
At last, I found you.
Hala? sino naman to. baka wrong sent lang.
From: Jaimie
Text me if you're available. may chika ako.
To: Jaimie
What is your chika? call me.
*Jaimie calling..*
J: Hey giiirl!
Me: Oh ano na??
J: Hinahanap ka ni Tyleeeeeer!
M: Ay! bat di niya ko tawagan o itext? diba?
J: ay oo nga no! hahahahaa
M: Nakita ko na ulit si Luke
J: ANO???? YIEEEEEE@&#/#/%//#+%+%)** (korean language)
M: ano? nagaalien ka nanaman.
J: sabi ko san kayo nagkita?yieee grabeeee
M: sa Gateway. nung una di ko siya nakilala. sabay kami nagdinner. Magcclub kami later
J: Gusto ko din magcluuuuuuuuuuuuub! huhuhu ano nabigay na ba yung letter?
M: Hindi! pero inakbayan niya ko tas sabi "Why? Are you scared of me?"
J: Waaaaah@#*#/%-)!! inenglish lang niya ung sinabi niya sayo dati hahah crush na crush mo talaga yun eh!
M: Hoy hindi naman! saka matagal na panahon na yun.
J: Oo na sige na! magddate pa kami ng baby ko hihi byeee!
*call ended..*
Haynakoooo kahit kelan talaga to si Jaimie! Makapagshower nga para fresh ako sa party mamaya hihihi
After kong magshower. Nakapili na ko ng dress na isusuot ko. Isang black bandage dress at Glittered pumps. Gamit ko din ung glittered pouch ko at kumikinang na maliit na diamond necklace.
7:20pm ready na ko nang may tumawag sakin..
Me: Yes?
Luke: On the way na dyan Mang Bob sorry I can't pick you up. kita na lang tayo dito sa QSquare
M: It's Okay.
L: byee. Can't wait to see you. Take care
M: Take care din. Bye
*call ended..*
may bumisina na galing sa labas. I think that's Mang Bob. wala si Daddy kaya dumeretso na ko sa labas. pinagbuksan ako ni MangBob ng pinto sa backseat.
"Thank you po!" sabi ko. nginitian naman ako ni Mang Bob.
Mabilis lang ang byahe namin kaya nakarating agad kami sa QSquare.
Pumasok ako sa QSquare. Sa sobrang daming tao di ko makita si Luke.
Nabangga ko ung isang lalaki.. ay wait.. siya yung guy sa Parking Lot kagabi.
"Sorry" sabi ko
"Belle??" aniya.