Chapter 9(So you are her)

28 0 0
                                    

Anthony's Pov...

Nakahiga na ako ngayon at pinag iisipan kung si Light ba talaga yung babae kanina at hindi ako mapakali dahil kung siya iyon ay masisiyahan ako. Susubukan ko siyang kausapin bukas.

Kaya lang baka kaylanganin ako nung babaeng mataray eh, kailangan ko pa namang mapaniwala yung Xander na iyon. Kung wala lang akong utang na loob hinding hindi ako papayag sa pinaggagagawa ng babaeng iyon. Di na tuloy ako malaya sa mga ginagawa ko dahil kapag may kailangan siya dapat pumunta kaagad ako tch. Mas nakakainis ay yung isang araw may tinuturo si Sir. Macanip na mahalagang theory ng bigla niya akong kinalabit at nang tanungin ko siya kung bakit eh tinawanan lang ako. Tss problema nung isang yon?

*Tok tok*

Napatigil ako sa pag iisip ng narinig ko ang tunog ng pintuan kaya tumayo kaagad ako at binuksan ito. Napangiti na lang ako ng makita ang ama ko na halata na ang pagkakaroon ng kulay.

Na discharged nitong isang linggo dahil success naman ang operasyon at unti unti nang nakikita ang improvent sa kalagayan ni papa.

"Anak gising ka pa, may inaalala ka ba? " Napangiti na lamang ako at umiling.

"Pa, matulog na kayo sige na, nasa recovery stage palang kayo. " bigla siyang sumimangot sa sinabi ko.

"Makulit kang bata ka, malakas na ako oh!" Napangiti naman ako sa reaksyong iyon ni papa, mukhang bumabalik na nga ang lakas niya.

Muntikan niya pa akong mabatukam biti na lang at nakaiwas kaagad ako.

"Sige anak matutulog na ako, kaya matulog ka na rin" Yun na lang ang sinabi niya at sinarado na ang pintuan.

.....

Nang magising ako ay nagulat ako ng makita ko ang oras.

Shit.

Late na ako.

Tumayo kaagad ako at nag ayos, nang matapos akong mag ayos ay tamang tama at alas siyete na at nagmamadali pa rin ako ay tinakbo ko na ang sakayan ng jeep.

Nang makarating ako sa room ay nakita kaagad ng paningin ko yung babaeng mataray habang suot suot ang mapamatay niyang ngiti na alam mong may masama na namang binabalak.

Bigla niyang pinaypay ang kamay niya sinyales na pinapalapit niya ako at dahil may utang nga ako eh kailangan ko talaga siyang sundin.

Pagkalapit ko sa kanya ay binulong ko lang kung ano ang kailangan niya at nagulat ako ng hinila niya ang kwelyo ng damit ko.

"Ehehe Nerd mag handa ka mamayang break may ipapakilala ako sa iyo ehe" bulong niya at napaatras naman ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin, hai wala bang hiya ang babaeng ito?

Sino kaya yung sinasabi niyang ipapakilala niya sa akin. Kung sino man iyon alam kong may binabalak ang isang ito.

Maya maya ay dumating na si Sir at sinigurado kong handa akong makinig dahil kailangan ko pang ireview ito mamayang gabi.

Napatigil ako sa iniisip ko ng may nakita akong naglalakad sa labas ng room at ng bumukas ang pintuan ay may pumasok na dalawang babae.

Napatulala ako ng makita ko ang mukha ng isang babae. Si Light ba yan?

Kinakausap lang nila si Sir ng mapatingin sa akin si 'Light' pero bumawi rin kaagad ng tingin at bumalik sa kausap ng matapos silang mag usap ay humarap na ulit sa amin si Sir.

"Class because of an authorized person these two will be your classmates" Nagtaka naman ako don. Malapit ng matapos ang second quarter at ngayon pa sila nilipat.

Maya maya ay napatingin ako sa mataray na babae at tama nga ang hinala ko. Tsk siya na naman ang may pakana nito.

Nginitian niya lang ako at nagwagayway pa ng kamay niya sa akin.

Tch, nakakainis talaga ang babaeng ito.

Napatigil ako sa pagtingin sa kanya ng magsalita ulit ai Sir.

"Ok Miss Valdez you can seat next to Mr. Dela Cruz" Nang sinabi iyon ng teacher ay mas nahiya si 'Light' at mas nagtago pa sa kaibigan niya. Wait. Diba yung kasama niya yung binully nung babaeng mataray. Ang alam ko honor student siya at ang pangalan niya ay Jennie Punsalam.

Ano kayang iniisip ng mataray na babaeng iyon at pinalipat niya pa ng section ang dalawang ito? Kung ano man iyon sigurado akong may binabalak ang isang iyon.

Nang makaupo na sa tabi ko si 'Light's ay nagtaka ako dahil parang hindi ako naexcite na katabi ko siya ngayon pero kung makikita mo ang reaksyon niya mahahalatang naiilang siya sa akin at doon ko napapag isip na siya nga si Light.

"Ku... Kumusta ka na Anthony, ma... Maayos na ba ang lagay ng papa mo?" Nahihiya niyang tanong sa akin na ikinangiti ko. Siya nga si Light, di lang siguro ako makapaniwala na nandito si Light sa tabi ko kaya hindi ako naexcite na makita siya ngayon.

"Ayos na siya nasa recuperating stage na si papa at malapit na ring bumuti ang kalagayan niya." Napangiti siya sa akin na parang nag aalangan pero ng mapansin ko ang dahilan ng pag aalangan niya ay hindi ko mapigilang mainis.

Pinagtsitsimisan kami ng mga kaklase namin tss.

"Wag mo silang pansinin Light" Ngumiti na lang siya akin at para bang may hinahanap siya pero maya maya ay bumalik din ang tingin niya sa akin.

Nang magsimula ulit maglecture si Sir ay natahimik muli ang room pero hindi pa rin talaga mawala sa isipan ko ang kakaibang nararamdaman tungkol sa Light na kasama ko ngayon kahit na may prowebang siya si Light.

Tss, aayain ko na lang siyang pumunta sa sementeryo mamaya.

A Suivre...

Hoho kaiyak napaslow ko na ulit mag update.

I'll try to update faster and tnx sa mga nagbabasa nito.

☺☺☺☺☺☺

YuKi...

The DIFFERENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon