Chapter 2-The Mysterious Woman

27 1 0
                                    

Anthony's Pov..

Ano kayang problema ng mga taong nandito at nakatingin sila sa amin ng babaeng nasa harap ko. Maya maya ay tumayo na ang babae at umalis sa upuan pero hindi ko na lang sya tiningnan dahil kumakain pa ako.

"Grabe ang tapang naman ng lalaking ito at nilapitan nya si Ms. Wilson at hinayaan pa sya" ano kayang mayroon dun sa babae at ganoon na lang ang tingin nila sa kanya.

Napatigil ako sa pag iisip ng may tumabi sa akin. "Hello transferee ka dito diba?" Sabi ng lalaking bigla tumabi sakin, ano kayang kailangan nito.

"Tapang mo pre ha, kilala mo ba kung sino yung babaeng kinausap mo?" Umiling lang ako sa kanya pero mukhang nainis dahil hindi ko sya kinausap kaya tiningnan nya ako ng masama. "Oh sorry kumakain kasi ako eh, pero hindi ko talaga kilala yung babaeng yun" nawala yung masama nyang tingin at inakbayan ako. "Akala ko masungit ka eh ako nga pala si Geoffrey Salas pero Geoff nalang tawag mo sa akin" Sabi nya at nilahad yung kamay nya sa harap ko kaya tumingin ako sa kanya at inabot ko rin yung kamay ko. "Ako si Anthony, Anthony Dela Cruz" Nagulat sya nung sinabi ko yung pangalan ko. "Wait, you're the scholar?" Di makapaniwala nyang tanong at tumango lang ako ang weird naman ng lalaking ito parang bakla.

"Babe pwedeng makiupo ako?" Biglang may babaeng kumausap kay Geoff. "It's ok babe" This time ako naman ang nagulat. May proweba na syang hindi sya bakla may girlfriend eh. "This time babe ako lang ang hayaan mong lumapit sa iyo ha wag muna sila Grace, Mira at tsaka yung iba mo pang girls" Nabuga ko yung tubig na iniinom ko dahil sa sinabi nung babae. Shit playboy pala itong si Geoff, malaking pagkakamaling akusahan syang bakla.

"Oh sure babe, oh Princess meet my new friend Anthony Dela Cruz our school's only scholar" namangha yung babae nung sinabi ni Geoff yung pangalan ko. "Wow so you're Anthony Dela Cruz grabe naman napasa mo yung test nila dito eh parang pang tokyo university daw iyun sa hirap eh" sabi nya ng manghang mangha.Hmm ok naman si Princess maganda sya I mean pero meron syang vibe na sorry for the word idiot.Wait ano daw pang tokyo university yung entrance exam nila dito? Ganun ba talaga iyun kahirap? Eh simple lang nga yung mga iyun mas nahirapan pa nga ako dun sa personal questions eh buti na lang walang grade yun.

"Grabe narinig nyo bang dalawa yung nangyari kanina si Lady Archadia pinahiya nya si Jennie kawawa nga yung girl kanina eh kasi ang daldal daldal iyan tuloy" Oh she's a brat too. "Wait Jennie, you mean the honor student?" Tanong naman ni Geoff. “Yes darling why?”

“Um nothing” There’s something weird kay Geoff nung binanggit yung Jennie kilala nya kaya yun.

Maya maya biglang nagring yung bell kaya nagmadali na akong kunin yung mga gamit ko.

“Sige pre kita na lang tayo mamaya” Paalam ni Geoff kaya tumango na lang ako dahil nagmamadali ako.

Pagkarating ko sa room ay medyo marami-rami na rin ang tao kaya pumasok na ako. Pagkaupo ko ay napansin ko na namang nakayuko yung babaeng nakita ko kaninang umaga. Bakit kaya hindi sya sinisita?

Maya maya ay dumating na yung teacher namin kaya sa harap na lang ako tumingin because I need to focus sa mga tinuturo ng mga teachers para hindi ako mapag - iwanan sa lessons. After that everything went smooth then before I know it uwian na pala kaya inayos ko na ang mga gamit ko pagtingin ko sa labas ay nakita ko si Geoff na kumakaway at napansin kong totoo ngang sikat sya sa mga babae dahil mukang kilig na kilig yung mga babae kong kaklase.
Lumabas na ako at sumabay sya sa akin nung nakalabas na ako sa room.

“Kumusta ang araw mo Anthony?” Tanong sa akin ni Geoff. “Medyo ok naman dahil nakaperfect ako sa dalawang quiz” Nang sinabi ko yun ay mukhang namangha sya. Seriously what’s with this guy it’s just a quiz.

Pagkalabas namin ng school ay nagpaalam na sya dahil may pupuntahan pa daw sya kaya tumango na lang ulit ako.

Sa totoo lang may pupuntahan rin akong tao tinanggal ko na yung salamin ko dahil hindi naman talaga ko palasalamin, sa loob lang ng school dahil nga malabo na yung paningin ko.

Pagkarating ko sa lugar ay bumili akong bulaklak sa tindahan na nasa tabi lang ng gate pagkatapos ay pumasok na ako sa loob at pinuntahan ko sya.

Nilapag ko iyung bulaklak na binili ko para sa kanya at umupo ako sa harap nya.

“Mama matagal tagal na rin nung huli akong dumalaw dito sa iyo, ma I really miss you. Ma pagsabihan mo nga si papa na tumigil na sa pag inom dahil nakakasama yun sa kalusugan nya” Buong sinseridad kong sabi sa nag iisang babaeng mahal ko. Hindi muna ako umalis at nagpalipas oras muna ako hanggang sa napagdesisyunan ko na ring umalis.

Habang naglalakad ako ay may narinig akong iyak.

“Mommy bakit mo kasi kami iniwan? Si daddy parang hindi nya naman ako mahal whenever I ask him to stay at our house because I want us to bond and forget those depressants he just say that he’s busy and then one day I feel tired of confronting him”

Pagkatingin ko ay may nakita akong babaeng nakaupo rin sa harap ng lapida, lumapit ako at mukhang hindi nya naman ako napansin.

“Perehas pala tayo” halatang nagulat yung babae dahil parang nanigas sya sa pwesto nya nung narinig nya ako. Maya maya ay unti-unti syang tumingin sa akin at shit she’s so beautiful.

Nakamahaba syang palda at simpleng t-shirt lang na puti at nakasalamin sya kaya hindi ko makita yung mga mata nya pero para sa akin napakaganda nya.

Archadia's Pov...

Pagkauwi ko ay dumiretso kaagad ako sa kwarto ko at humiga. Pagkahiga ko ay naalala ko na naman ang nerd kanina sa school at hindi ko maiwasang mapangiti ng nakakaloko.

"Mukhang may mapaglalaruan na ako"

A Suivre(To be continued)

Enjoy this new story of mine guys thanks for reading…

YuKi…

The DIFFERENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon