Chapter 6-Request

33 1 0
                                    

Archadia's Pov....

Nasaan kaya si Nerd kanina ko pa siya hindi nakikita ah. Well whatever, gusto pa man din siyang asarin pa haha.

Maya maya ay pumasok na rin si Nerd pero hindi ko maiwasang tumingin sa kanya, bakit kaya siya mukang problemado? At pawis na pawis pa ah. Ano bang nangyayari sa isang 'to?

Pagkatapos ng klase ay nagulat ako ng tumakbo kaagad si Nerd palabas.

Sinubukan ko siyang sundan pero wala na akong naabutan. Hay ano ba kasing nangyayari sa lalaking 'yon? Naiinis na ako ha.

Ah oo nga pala kailangan ko pa nga palang pumunta sa main branch para kausapin si Lance, Hay nakakainis talaga ang isang iyun.

Pagkarating ko sa main branch ay puro greetings lang ang naririnig ko pero hindi ko pa rin nakikita ng hinahanap ko at shit talaga dito pa naman nagtatrabaho si daddy.

"Please po manager ibalik niyo na po ako, kailangang kailangan ko lang po talaga ng pera" Teka kilala ko iyung boses na iyun ah, hihi kay Nerd yun pero ano naman kayang ginagawa niya dito? "I'm sorry Anthony pero iyun ang utos sa akin ni Lady Archadia at hindi ko iyon pwedeng bawiin." Tch sa wakas alam ko na rin kung nasan ka Lance, andyan ka lang pala ha. "Pakiusap manager kaialangan ko lang talaga ng pera." Bakit kaya kailangan ni Nerd ng pera? May kinalaman ba ito sa nangyari kahapon?

"Anthony sabihin mo nga sa akin bakit mo ba talaga kailangan ng pera ha?" Tanong ni Lance na ikinatango ko. "Si Papa po, ka... Kailangan ko po siyang mapaopera sa lalong madaling panahon." Napatigil ako sandali sa sinabi ni Nerd. I didn't know, I'm sorry... Nerd. Di na lang ako dumiretso sa loob at napagdesisyunang makinig pa.

"I don't know what to do anymore, sabi nang doctor kung hindi kaagad siya maoperahan ay maaari lumala iyung sakit niya." Omo anong nagawa ko. Kainis, kainis. Nagtataka ako kung bakit parang malapit sila ni Lance, magkakilala ba sila? Whatever kailangan kong itama ang mali ko, I don't like feeling guilty.

Anthony's Pov...

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, paano ba ako makakakuha ng pera. Ahh this is so frustrating. Napatingin ako sa orasan at nagulat ako kung anong oras na, shit malelate na ako. Nagmadali ako sa pag aayos at nagmadali lang din ako para makaabot sa eskwelahan. Nararamdaman kong nakatingin sa akin yung devil woman, hay hindi ko na lang siya papansinin para hindi ako mainis. Grabe habang nagdidiscuss yung mga teacher ay lumilipad yung utak ko wala nga akong naintindihan kahit isa eh.

"Oi Anthony mukhang problemado ka ah, may nangyari ba sa iyong hindi maganda?" Napatingin lang ako kay Geoff at sinabing inaantok lang ako.

"Kung napapansin mo kanina pa nakatingin sa iyo si Archadia haha I smell something sweet between you two." Naguluhan ako sa sinabi niya kaya naagtanong ako. "Anong pinagsasabi mo diyan? Nababaliw ka na ba Geoff? Hayaan mo lang siya diyang tumingin."

"Alam mo pre sa tuwing magkasama tayo feeling ko bakla ako." Nagsitayuan yung mga balahibo ko sa braso dahil sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi ng isang ito. "Anong pinagsasabi mo diyang baliw ka?" Tumigil lang siya sandali at tumawa.

"Haha basta Nararamdaman ko lang pero iyon na parang gusto kita ah" Dagdag niya pa. Bwisit na lalaki ito naloko pa ako. Tch pero aaminin ko nakalimutan ko kahit saglit lang yung problema ko dahil sa pinagsasabi ng lalaking ito.

Pagkatapos ng klase ay nagmadali akong umalis papuntang main branch ng WillSon's at dumiretso kaagad ako sa manager namin na si Mr. Lance Javier.

"Good afternoon po sir." Bati ko na ginantihan niya rin. "Anthony you're here again, can I help you with something? Kailangan ko nang kapalan ang mukha ko. "Um sir pwede po akong maibalik sa trabaho ko... Um kailangan na kailangan ko lang po talaga ng pera, kahit ngayong buwan lang po ok na po sa akin. Nakikiusap po ako manager ibalik niyo na po ako, kailangang kailangan ko lang po talaga ng pera. Buong tapang kong sabi sa kanya.

"Anthony sabihin mo nga sa akin bakit mo ba talaga kailangan ng pera ha?" Tanong niya na sinagot ko naman kaagad "Si Papa po, ka... Kailangan ko po siyang mapaopera sa lalong madaling panahon."

"I don't know what to do anymore, sabi nang doctor kung hindi kaagad siya maoperahan ay maaari lumala iyung sakit niya." Sandaling nanahimik sa kwarto pero nawala iyon ng mag ring ang cellphone ni Mr. Javier. "Hello.... Young Lady.... I'm so sorry.... Yes, I understand." Nang ibinaba niya na ang cellphone niya ay nakangiti siya sa akin at ano naman kaya ang sinabi nung devil na iyun?

"I'm happy to tell you that you've been approved by the young lady herself to stay in here as long as you like." What?! I... ibig sabihin ay.... tanggap na ulit ako. Pero...mayroon pa tuloy akong utang sa devil woman na iyun. "Siya nga pala Anthony mukhang may taong gusto kang makausap, nasa labas siya ngayon." Medyo naguluhan ako sa sinabi ni manager pero lumabas na rin ako pero...

"Hahahahaha ano ka ngayong lalaki ka. Sabi ko sa iyo kailangan mo ang tulong ko eh, ble." Tch nakakainis talaga ang babaeng 'to. Pero kailangan kong maging mabait sa kanya. "Salamat nga pala, wag kang mag alala kapag naayos ko na yung problema ko aalis na ako dito." Aalis na sana ako ng bigla niya akong hinila pabalim sa harap niya. "Ano bang problema mo?" Inis kong sabi. "Tch I know your consequences idiot and I already make an action to it." Ano daw? "A... anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Your father is currently undergoing an operation." Teka ano daw ang sabi niya? Mali ba ako nang pagkakarinig o talagang pinaoperahan na talaga niya si papa. "Anong sabi mo? Pakiulit." Ngumisi lang siya sa sinabi ko.

"Sabi ko inooperahan ko na yung papa mo stupid." Sandali akong natigil sa sinabi niya. "Ba...bakit mo ginawa iyon! Wala ka namang kinalaman doon ah bakit mo ba ako pinakikialaman." Naiinis na talaga ako sa babaeng 'to ha kanina pa ngumingisi. "Tinatanong mo kung bakit? Hahahaha kasi Naiinis ako sa iyo at gusto kong gawin ito para magkautang ka sa akin hahaha." Tch nababaliw na 'tong babaeng to napaka childish niya.

"Naiintindihan ko tutal nagawa mo na tch... ano bang gagawin ko." Natigil siya sandali at bigla na namang Ngumisi ng kakaiba. "Well pag iisipan ko muna, ciao"

Hay nako bakit ba ako napalapit sa babaeng iyun ang gulo niya.

Archadia's Pov...

Anong sasabihin ko huhu wala akong maisip na kapalit, at sheteng lalaking ito akala ko maiinis. Kainis dapat ako ang cool kanina eh. Hindi ko inaasahang napakamature na nang lalaking iyon. Pero haha ngayon may utang na siya sa akin.

A Suivre..

The DIFFERENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon