Chapter 10 - His Promise

13 0 0
                                    

Anthony's Pov...

Nang matapos na ang lecture ni Sir ay nagsimula ng maghanda ang iba kong mga kaklase dahil sa break at kakausapin ko sana si Light pero bigla siyang hinila nung babaeng mataray.

Ano naman kayang laro ang gustong gawin ng isang ito. Medyo nagtaka ako sa inasal na iyon ni Chadia pero maya maya ay naalala kong siya nga pala ang dahilan kung bakit nandito ngayon si Light.

Sinabi ko na kasing ako na mismo ang magpapakilala kay Light pero mukhang manggugulo na naman ang babaeng ito. Hindi ko hinayaang mahila niya si Light dahil hinawakan ko sa kabilang braso si Light.

"Pfft Nerd di ko aagawin ang Kanerd mong girlfriend I'm just going to hang out with her" Matamis na ngiti ang ibinalik niya sa akin pagkatapos niyang sabihin iyon at walang sabing hinila si Light at deretsong lumabas.

Hai, siguraduhin niya lang talaga dahil pag may sinabi siyang masama kay Light tungkol sa akin baka mapagsabihan ko na naman ang babaeng iyon.

*Tap*

Napatigil ako sa pag iisip ng may naramamdaman akong humawak sa balikat ko at nang makita kong sino ito ay ngumiti lang ako at bumati.

"Kumusta Geoff break niyo na rin ba?" Bigla siyang ngumisi.

"Hehe Oo handa na nga kami ng mga girls ko eh" Iyon na lang sinabi niya at nagpayakap sa mga babae niyang kasama. May kakaiba talaga akong nararamdaman sa lalaking ito pero hindi ko naman makumpirma dahil sa isang bagay pero siguro naman nasa isip ko lang iyon dahil napaka imposible.

"Labas na tayo Anthony nagugutom na daw ang mga girls ko" Pangisi niyang sabi at hinila na ako palabas.

Nang nasa Cafeteria na kami ay nahagip kaagad ng mata ko sila Chadia na kasama si Light at yung kaibigan nito. Mukhang pini pressure ng mataray na babae sila Light. Nakayuko kasi ang dalawa habang siya naman ay nakangiti ng nakakaloko.

Pupuntahan ko na sana yung dereksyon nila pero hinila na naman ako ni Geoffrey.

"Geoff sandali lang, umorder ka na lang sa part ko may titingnan lang ako saglit" Nang pagkatapos kong sabihin iyon ay tumakbo kaagad ako sa pwesto nila Light at hindi ko na narinig ang sagot ni Geoff.

Nang nasa pwesto na ako ni Light ay nagtaka ako ng wala na yung mataray na babae sa upuan nila.

"A... Anthony nandiyan ka pala gu... Gusto mo bang sumabay sa amin ni Jennie? " Hindi ko muna pinansin ang sinabi niya at tumingin tingin sa paligid pero ng hindi ko makita ang hinahanap ko ay sinagot ko kaagad ang tanong niya.

"Sorry Light may kasabay na kasi ako eh, pero sasabay ako sayo mamayang uwian" Paalam ko sa kanya at umalis kaagad. Kakaiba din ang nararamdaman ko sa Light na iyon.

Nang makarating na ako sa pwesto ni Geoff ay nagulat ako sa nakita ko sa lamesa. Grabe mauubos ba niya ang mga iyan?

"Geoff mauubos mo ba iyan? " Tanong ko sa kanya at nginitian niya lang ako.

Tss nagpalibre siguro sa kanya yung mga babae niya.

"San ka nga pala nagpunta Anthony? " Linunok ko muna ang pagkain ko bago ko siya sinagot.

"Ma... May tiningnan lang ako diyan sa tabi saglit" Iyon na lang ang sinabi ko sa kanya at hindi na ulit siya nagtanong sa akin.

...............

Malapit nang mag uwian pero nakapagtataka dahil wala pa rin yung mataray na babae.

Nang tawagin si Light ni Maam para sumagot ay nagtaka ako dahil parang hindi niya alam ang sagot.

Pero dahil sa gesture na iyon ay nacute an ako sa kanya. Siguro nasa isip ko lang din lahat ng pinag iisip ko tungkol kay Light.

Nagulat kaming lahat dahil sa biglaang pagbukas ng pintuan. Iniluwa ng pintuan ang babaeng kanina ko pa hinahanap.

Hay, pwede naman siyang pmasok ng maayos bakit siya nagdadabog. Pagkapasok niya ay sumunod sa kanya yung Jennie. Doon na ako nagtaka pero sigiuro pinressure na naman niya itong si Jennie para sumama sa kanya kaya hindi makapag aral ng maayos ngayon si Light.

"Go... Good afternoon Miss Wilson you can take your seat" sabi ni maam na halatang takot sa mataray na babae. Naiinis pa rin talaga ako sa ginagawa ng babaeng ito.

Maya maya ay nag dissmiss na si Maam at dumiretso ako kaagad sa pwesto ni Light.

Nang makalapit ako sa kanya ay napatingin siya sa akin at nahalata ko ang gulat sa kanya kaya napangiti lang ako.

"Gusto mo bang sumabay sa akin umuwi Light? " Tanong kp sa kanya pero grabe ang kaba ko dahil baka hindi siya pumayag.

Nabunot ang tinik sa dibdib ko ng tumango siya sa akin. Napangiti na lang ako sa sagot niya.

Nang makarinig ako ng mga bulong bulungan ay kinuha ko na ang bag niya at hinila siya palabas.

Ayokong makaramdam siya ng awkwardness sa room kaya ginawa ko iyon.

Nang makalabas na kami ay nagulat ako ng hindi ko pa rin pala binibitawan ang kamay niya pero ng sinubukan kong bumitaw ay mas hinigpitan niya pa ang hawak niya kaya hindi na rin ako bumitaw.

"A... Anthony ayos na ba ang papa mo? " Pagtapos niya sa katahimikan. Napangiti na lang ako at mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

"Oo pero may utang na loob pa tuloy akong kailangan bayaran" Dahil sa sinabi ko ay halata ang pagtataka sa mukha niya. Dahil ayokong magselos siya sa mataray na babaeng iyon ay sasabihin ko sa kanya ang deal.

"Nag papanggap akong boyfriend ni Archadia Wilson" Dahil sa sinabi ko ay medyo napabitaw siya sa akin pero mas hinigpitan ko naman ang hawak.

"May lalaki kasing umaaligid sa kanya pero ayaw niya kasi sa lalaking iyon kaya kailangan niya ako para magkunwaring boyfriend niya para hindi na ulit lumapit sa kanya yung lalaking iyon. " Dahil sa sinabi ko ay mahahalata ang lungkot sa anghel ko.

"Bakit Light? " Tanong ko sa kanya na ikinailing lang niya.

"Huwag kang mag alala ikaw pa rin ang nasa isip ko" Dahil sa sinabi ko ay nagulat ako ng umiyak siya kaya nataranta na ako.

Hindi na lang siya sumagot at sinubukan pa ring patahanin ang sarili. Dahil sa inasto niya ay wala na rin akong ibang magawa kundi ang yakapin siya.

Pangako Light pag nabayaran ko na ang utang na loob ko sa babaeng iyon liligawan kita.

A Suivre...

Haha ano kayang iniisip ngayon ni Chadia sa pinagsasabi ni Anthony siguro masasapak siya 😂

Btw salamat sa mga nagbabasa nito.

At subukan kong iupdate ito always dahil excited ako sa ending nito eh.

YuKi...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The DIFFERENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon