Zephy's Point Of View
"Anak, gising na" niyugyog ako ni mama sa braso. "Ma inaantok pa ako" sabi ko at tumaklubong ng kumot.
"Bahala ka 'dyan malalate ka"
With that, she left the room. Tinignan ko yung relo ko at nagulat ako,20 minutes na lang ang time ko para makapaghanda.
Dali dali akong bumangon at naligo
"Good Morning mama" nakita ko si mama na naghahanda na ng lunch ko.
"Good Morning rin anak, kumain ka na para di malate sa klase."
Kumain kaagad ako at nag-toothbrush na rin.
Nagsuklay na rin ako ng buhok at inayos ko yung uniform ko.
"Alis na po ako ma, love you" sabay halik sa pisngi
"Sige anak, galingan mo sa school ha" pahabol na sabi ni mama.
Pumunta na ako sa labas at may sasakyan na umaabang sa gate namin.
Kanino kaya 'yun?
"Zephy? ikaw ba yan?" ay palaka nagulat ako dun ha
"Max?! Bakit ka nandito?! At tsaka wag kang mamigla ha, baka atakihin ako sa puso niyan" bigla naman siyang tumawa.
"Hahaha! pasensya na, di na mauulit"
"Teka, sayo pala tong sasakyan na to??" tanong ko sakanya
"Yep" bigla naman akong nabigla.
Lumaki naman kaagad yung mga mata ko.
Rich kid pala siya eh!
"Bakit ka ba nandito? At bakit mo alam yung address ko?! stalker ba kita?!" tanong ko sakanya.
Bigla naman siyang tumawa ng malakas. Kumunot naman yung noo ko.
"Stalker? Ako? Haha!" tawa parin siya ng tawa sakin.
Mukhang kailangan na niyang magpamental hospital ah.
Hindi pa rin siya tumigil sa katatawa kaya binatukan ko na lang siya.
"A-aray! S-sige na nga titigil na ako" and then he cleared his throat.
"Dito rin ako nakatira sa subdivision na ito, dadaan na sana ako pero agad namang kitang nakita, kaya huminto ako." ahh dito rin pala siya nakatira haha!
"Ahh ganun ba, sorry sa pagbatok sayo hehe" napakamot na lang ako sa batok ko.
"Ok lang noh, sige tayo na baka malate pa tayo eh" ha? ano daw?
Bigla niya namang binuksan ang pintuan ng sasakyan niya at sinenyasan na pumasok na.
Lumingon ako pabalik sa gate namin at nakita ko si mama na humahagikhik.
Napasampal na lang ako sa noo ko.
I guess I don't have a choice.
Pumasok na lang ako sa sasakyan at pumasok na rin si Max sa kabila.
He started the engine and put up his seatbelt. I also did the same haha!
We talked and talked until we already at the university.
Una siyang lumabas at pinagbuksan niya ulit ako ng pintuan.
I smiled. Knowing that may natitira pang mga gentleman sa mundong ito.
"Thank you very much for the ride Max, I really appreciate it" I thanked him and smiled.
"No probs, kahit na sunduin pa kita araw-araw." And with that, my tummy suddenly feels weird.
BINABASA MO ANG
Caustic Love
Teen Fiction𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐕𝐈𝐒𝐈𝐎𝐍 "Bakit ka pa nawala nang malaman ko na mahal na pala kita?" Mariella Zephyrine Garcia, isang normal na estudyante ng Wellington High. On her first day, she thought that everything will be okay. Until she met Maxelle, his...