Chapter 6

90 10 1
                                    

Sylvain POV:

NAGISING na lang ako ala-sais na ng umaga. Nakatulog pala ako sa sala kagabi. Agad akong bumangon at nag-unat at dali-dali akong nagluto ng almusal namin ni Nikkoi. Isa sa mga bagay na natutuhan ko noong iwan ako ni Nick ay ang pagluluto. Kaya napag-desisyunan ko na magtayo ng Catering Services tutal marami sa mga kapitbahay ko at kakilala ang nagsasabing masarap ang luto ko. Kaya sinubukan ko wala namang mawawala kung magtatayo ako ng isang Catering Services. Pero hindi ko naman inaakala na ganito ang magiging resulta, naging sikat ang Miranda's Catering Services.

"G-Good morning Mom." bati sa akin ni Nikkoi na halata ng bagong gising pa lang.

Agad ko naman siyang binati. "Good morning Baby. Ang aga mong nagising ngayon ah?"

"Opo Mom. Nagising po ako kasi ang bango po ng niluluto niyo." sabay yakap niya sakin.

"O' siya maghanda ka na at may pasok ka pa." sabi ko sa kanya.

"Sige po." pumunta kaagad siya sa banyo at naligo.

Ako naman ay abala sa pagluluto ng almusal namin. Ilang minuto rin ang lumipas nang maihanda ko na ang pagkain namin sa hapag kainan kasabay rin 'non ay ang paglabas ni Nikkoi sa banyo.

"Bilisan mo na Nikkoi kakain na." sabi ko sa kanya.

"Opo! Intayin mo ko Mom!" sigaw niya at kumaripas ng takbo patungo sa kwarto namin.

Si Nikkoi talaga...

Napangiti na lang ako noong lumabas siya nakabihis na.

"Look Mom! Marunong na kong magtali ng tie!" nagmamalaking sabi niya.

"That's good to hear. Sino nagturo sayo?"

"Ako lang po mag-isa Mom. Pinanood po kita kahapon." sabi niya habang nakangiti.

Sa ngiting 'yon naalala ko na naman si Nicholas... Ang mapupulang labi nito... Nakalimutan ko na ang lasa ng labi niya...

"Mom?" nakakagulat na tanong sakin ni Nikkoi.

"Hmm?" tipid kong sagot.

"Okay ka lang po ba?"

"Oo naman Nikkoi." sabay ngiti ko sa kanya.

Hindi ako okay... Hindi.

Oo totoo. Isa akong mapagpanggap sa mundo na puno ng katotohanan. Kaya kong itago sa matatamis at malapad kong ngiti ang mga problema. Kaya kong idaan sa tawa ang aking mga luha. Isa akong mapagpanggap. Alam ko namang masakit, pero mas pinili ko siya. Alam ko namang hindi niya ko mahal, pero pinagsiksikan ko ang sarili ko para sa kanya. Isa lang ang sinasabi nito. Isa akong tanga.

"Sige na Nikkoi, maliligo na ako. Mag-sepilyo ka na okay?"

"Okay Mom!"

Tumayo ako at dumeretso sa banyo. Ilang minuto rin ako naligo tsaka lumabas. Nakita doon si Nikkoi na naglalaro ng mga laruan niya kotse. Napangiti na lang ako habang nakatitig sa kanya. Napagdesisyunan kong pumasok sa na sa aming kwarto at nagbihis...

I'm wearing a dress that covers my shoulders halfway and flows down into my neckline.
Isa ito sa mga gusto kong bestida sa lahat. Komportable at elegante ang itsura nito. Sinuot ko ang sandals ko at nagmake-up ng bahagya. Inilugay ko ang aking buhok at lumabas ng kwarto.

"Woah. Ang ganda mo naman po ngayon Mom." sabi ni Nikkoi na may pag-mangha sa kanyang mata.

"Sus. Ikaw talaga. Halika na ihahatid na kita."

Lumabas kami ng bahay at sinarado ko ito. Matapos 'non ay hinawakan ni Nikkoi ang kamay ko at patuloy kaming naglakad.

Sumakay kami ng Taxi at bumiyahe. Hanggang nasa tapat na kami ng eskwelahan ni Nikkoi. Dali dali siyang bumaba sa kotse at kumaway sabay sabi ng: "Goodbye Mom! I love you and take care!"

SatisfiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon