Chapter 5

100 7 0
                                    

Sylvain POV:

LUMIPAS na ang ilang minuto, nakatingin pa rin ako kay Alford patuloy na nag-iisip.

=Jimenez Incorporation=

Miranda's Catering Services
Is invited for an interview for Mrs.& Mr. Jimenez 50th anniversary.

At Jimenez Incorporation
10 am
Tomorrow July 17

"Pupunta kaya ako? Ano naman sasabihin ko sa kanya? Kamusta? Baka may ka-relasyon na siya? O baka may anak na siya? Sasabihin ko ba sa kanya na may anak kami? Na may batang nagngangalang Nikkoi sa buhay niya? Arghh!" inis na sabi ko.

Pupunta ba ko? Haharapin ko na ba siya after 5 years? Arghh! Ansakit na nang ulo ko kakaisip!

Hindi ko alam ang sasabihin ko kung sakaling makaharap ko siya. Wala akong ideya. Nag-iisip naman ako pero wala talagang pumapasok ni isa. Nakakaramdam ako ng kaba. Pero mas nangingibabaw ang galit ko dahil sa pangiiwan niya sa amin noon.

Lumapit sa akin si Alford at nagulat ako sa ginawa niya halos isang dangkal na lang ang pagitan namin. Nararamdaman ko rin ang paghinga niya. Ngumisi siya at hindi lang isang normal na ngisi 'yon isang nakakalokong ngisi. Nagulat na lang ako ng bigla niyang binasag ang katahimikan sa kwarto.

"Chill... Wala akong gagawing masama sayo Sylvain..." sabi niya na para bang nang-aakit.

*LUNOK*

"Ano bang pinagsasabi mo
d-diyan?!" sabi ko habang kinakabahan. Ano kayang plano ng lalaking 'toh?!

Bigla siyang tumawa, hindi lang isang tawa halakhak!

"H-hoy anong tinatawa-tawa mo d-diyan?!"

"Sana... HAHAHA. Sana... BWAHAHA!"

"Sana ano?!" naiiretang sabi ko.

"Easy Sylvain... Sana nakita mo yung facial expression mo nung nilapitan kita HAHAHA. Namumula ka." sabi niya habang patuloy na tumatawa pero bigla siyang tumigil at sumeryoso ang mukha.

Tss. Anong nangyari? Baliw na ba si Alford?!

"Look, I'm sorry ginawa ko 'yun. Sasabihin ko lang sana na pumunta ka bukas." sabay ngiti niya.

"H-huh?? Bakit naman ako pupunta doon?? Kaya ko naman kitain yung perang ibibigay nila sakin."

"I know. Alam kong kaya mong kitain yung perang ibibigay nila pero wala namang masama kung... Papayag ka? Di ba wala ka naman ng nararamdaman sa kanya?"

A little bit of both.

"Hey Syl? Nakikinig ka pa ba?"
Tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Oo naman." pagkasabi ko 'non ay ngumiti ako. "Wala nang namamagitan sa aming dalawa ilang taon nang nakalipas... Simula ng ipagpalit niya ako... Tinalikuran niya kaming dalawa ni Nikkoi."

"So? Pupunta ka na bukas?"

"Oo pero baka matagalan ako at hindi ako makaabot ng 10 am. Maraming pa akong kailangan asikasuhin dito."

SatisfiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon