Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Biglang sumakit ang ulo ko at maging mga mata ko ay naging blurry dahil sa kakaiyak kagabi.
Papunta na ako ng classroom na may nakasalubong akong estyudante na umiiyak sa isang sulok na walang masyadong tao.
Nataranta ako kung lalapitan ko ba siya o hindi. Pero lalong lumalakas ang kanyang hikbi kaya lumapit na ako sa kanya at inabot ang panyo ko.
"Anong problema mo iha? Bakit ka nandito?" ani ko kay Shaina Sinsuat base narin sa kanyang suot na I.D
"P-po? Ah w-wala po wala lang po ito" natataranta niyang sabi
"Sige na, Anong problema?" saboy haplos ko sa kanyang likod para kumalma
"Y-yung boyfriend ko po kasi maam, M-may kasamang iba" mas lalong lumakas ang kanyang hikbi
"Nako, dapat pag-usapan niyo yan, hindi yung umiiyak kalang dito. Alamin mo kung ano sila, bakit sila magkasama. Baka kaklase lang sila na may ginawang projects o assignments." payo ko sa kanya
Nang kumalma siya, binigay ko sa kanya ang nabili kong mineral water kanina. Bibili nalang ako ulit mamaya.
"At tsaka ang babata niyo pa. Unahin niyo muna ang pag-aaral ha? Pwede naman magkajowa pero sana may limits, Okay?"
"Opo, Salamat po Maam" aniya
"Welcome, Sige na pumasok kana sa iyong klase baka malate ka" nakangiti kong sabi sa kanya
Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko ay pumunta na ako sa classroom.
Hindi pa nga ako tuluyang nakapasok ay agad akong binati nilang lahat.
"Goodmorning Maam Shei!" sabay nilang bati
"Goodmorning class, please seat" ani ko
Naalala ko agad na sana nandito yung namamay-ari sa apilyedong Villas
"Villas?" nanginginig kong sabi
"ABSE-" naputol ang kanilang sigaw na may isang lalaking pumasok na may earphones sa isang tainga at parang walang pake
"What's your last name" lumapit ako sa kanya sabay hablot sa kanyang earphones
"Villas"
Nanlaki ang mata ko at di makapaniwalang siya pala yung may apilyedong Villas
Natigilan ako nang naalala ko na ganitong ganito siya noon. Yung mukha niya na may pagkahawig sa kanya. Yung buhok niya at kanyang walang buhay na ekspresyon.
I NEED TO FUCKING CALM DOWN SHIT! NI DI KO PA NGA ALAM NA KADUGO BA SILA
"Pagnatapos ang klase, kakausapin kita Mr. V-villas" nauutal pa ako nang sinabi ko yun
"Okay" matamlay niyang sagot
GANITONG GANITO TALAGA SIYA NOON!
"Class Dismissed" ani ko nang 3pm na
"Goodbye Maam Shei!" sigaw nilang lahat
Nang nakalabas na silang lahat ay kumalma muna ako. Di dapat ako mahalata.
"Come here Mr. Villas" tumikhim ako
"Bakit maam?" sabay tingin niya sa akin
Natigilan ako. Parehong pareho sila ng mata.
Umiling ako at bumuntong hinga
"Dahil absent ka kahapon, may ipapagawa ako sa iyo na activity para makahabol ka sa lecture namin."
"Okay" sabay tayo niya
"May I go now maam?" dugtong niya
"Ahm wait, May itatanong lang sana ako" pumikit ako at kinalma ang sarili ko
"Ano po yun?" tumaas ang kilay niya
"May mga kapatid ka ba?" pasekreto kong nilalaro ang daliri ko para kumalma
"Meron po" aniya
"Ilan?"
"Isa lang, Kuya ko"
Nagwawala na yung puso ko. I need to calm down. Para na akong timang dito
"A-anong pangalan?" shit yung puso ko para na nag kakarera
"James Arche Villas" ngumisi siya
---------------------------------------------------------
OH NO! HAHAHA.
NEXT CHAPTER PO AY FLASHBACK SA KANILA NI JAMES. SANA HINDI KAYO MALITO HEHE
-Ateng Shei

YOU ARE READING
Love Comes Back
Teen FictionLove doesn't equal possession. Just as the saying goes, "If you love something, set it free. If it comes back, it's yours. If it doesn't, then it never was." But what if James Arche Villas is back but somebody else opposed to you two? Will you figh...