Chapter 1

22 4 0
                                        


Nalaglag ang kanilang mga panga nang napagtanto nila na ako yung adviser nila sa taong ito.



"Woooohhh!" hiyawan ng mga lalaki sa likod.
"Di na ako mag aabsent!" sigaw ng isang lalaki.



Humahalakhak yung mga kaklase niya dahil sa kanyang sinabi.



"Okay settle down class" nakangisi kong sabi sa kanila.



Nagsitahimik naman sila kaya kinuha ko ang attendance sheet nila.



Nagsimula na akong tumawag sa kanilang mga apilyedo. Nanlaki ang mga mata ko ng nahagip ang isang lalaking may apilyedong



"V-villas?"



"ABSENT!" sabay-sabay nilang sambit



Di ako mapakali dahil sa kanyang apilyedo.Kinalma ko ang sarili ko para makapag-concetrate ako sa aking ididicuss sa kanila ngayon.


"Class dismissed" matamlay kong sabi pagkatapos kong mag lecture sa araw na ito.



Nang nakalabas na ang lahat ng estyudante may tumuong luha sa aking pisngi.



Di naman siguro ako pinaglaruan ng tadhana diba? shit!


Nang kumalma na ako, pumunta agad ako sa faculty namin para kunin yung ibang gamit ko nang makauwi na ako.



"Problem?" ani ni Jeyen , bestfriend kong teacher rin
"W-wala naman" nauutal kong sabi.
"Sure? Kasi aalis na ako, naghihintay na si Ej sa labas eh" ani niya.
"Okay lang talaga Jey" parang tinutusok ang puso ko nang sinabi ko yun. Alam na alam kong nagsisinungaling ako.
"Ah sige una na ako ah?" ani niya at tuluyan nang lumabas.



"Ang galing mo talagang mag pretend Shei" bulong ko sa sarili ko.



Lumabas na ako sa faculty. Habang naglalakad ako may nakita akong isang poster na gawa siguro ng mga estyudante.



"If you love something, set it free. If it comes back, it's yours. If it doesn't come back, it was never meant to be"



Shit.



Umalis agad ako dun kasi pag nanatili pa ako dun, makakawala tong mga luhang kanina ko pang pinigilan.



Pagdating ko sa bahay namin , agad akong pumunta sa kwarto ko at doon inilabas ang mga luhang kanina pang gustong bumuhos.



First day ng klase ngayon pero ito agad ang bungad sa akin ng tadhana



Humagulgol ako nang nagflashback na naman ang mga nangyari 6 years ago.



"B-bakit di pa kita makalimutan?!"



Love Comes BackWhere stories live. Discover now