FLASHBACK 2

14 2 0
                                    

Flashback 2

Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Ano ang ipinahihiwatig niya?

"Ano ang ibig mong sabihin?" nanginginig pa ako habang nagtatype.

"Wala, nvm tss" huling chat niya at nag log out agad.

Minsan di ko talaga siya maintindihan eh. Daig pa ang mga babae kung maka moodswings siya.

Pero hindi talaga ako mapakali sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi gusto mag expect kasi masakit yun. Kaya imbes na ubusin ko ang oras ko kakatunganga sa message niya ay naisipan kong mag Wattpad nalang.

Halos hindi ko maintindihan ang binabasa ko kasi hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ni James sa akin kanina. Hindi naman ako nag a-assume pero sadyang di ko lang talaga alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

Alas-diyes ng gabi kong naisipan buksan ang facebook ko. Pag bukas ko nito ay bumunangad agad sa akin ang mga groupchats. Pero hinahanap ng ng mga mata ko ang pangalan niya.

Nawala ang problema ko tungkol sa sinabi niya kanina nang nakita kong online siya. Napangiti ako at di na nagdalawang isip na batiin siya.

"Goodevening ^_^" di mawala ang ngiti sa labi ko.

"Miss me?" aniya na may kasamang nakakalokong emoji.

Doon ko lang naramdaman ang hiya sa ginawa ko. Uminit ang pisngi ko at halos masabunutan ko ang sarili kong buhok.

"Di rin" kalmado kong reply

"Aminin mo na kasi *smirk emoji*"

"Ano ang aaminin ko?" nagtataka kong tanong.

"Na may gusto ka sa akin"

1

2

3

Napamura ako nang bumagsak sa mukha ko ang cellphone kasi nabitawan ko ito dahil sa sinabi niya.

"Wala akong aaminin" mabuti nalang sa messenger lang kami nag-uusap kundi makikita niya ang mga reaksiyon ko.

"Talaga ba?" aniya

"Oo nga tss" nahawa na ata ako sa pa 'tss' niya.

"Send me your 3 pp" 

Aba? Ginagago ba ako nito?! Ang bastos nito ah.

"Wtf?! Anong pp? Bastos ka!" nanginginig pa akong nagtatype.

"Fuck! PP means PAST PROFILES" aniya.

Uminit ang pisngi ko dahil napahiya ako. Bakit kasi PP pa ang sinabi niya? Walanghiya.

"Ayoko nga" masungit kong reply.

"I want to see your face"


Nagtataka ako sa inasta niya. Doon ko nalang na realize na tapos na pala akong nagsend ng mga 3pics ko.

"Oh ayan" wala na akong nagawa kasi nasend na.

"Matutulog na ako" aniya

"Aba? Baka kung ano ang gagawin mo diyan sa mga pictures ko ah! Baka i wallpaper mo nako!"

"Wallpaper huh?" sarkastikong sabi niya base na rin sa emojing ginamit niya.


May sinend siyang isang screenshot at nalaman ko na ang picture na yun ay wallpaper niya. Wallpaper niya si Lalisa Manoban ng BlackPink. Kpopper din ata to.

"Yan ang wallpaper ko kaya wag kang mag assume"

"Tss , oo na" nahihiya kong reply

"Okay goodnight" aniya.


Magtatype sana ako ng reply ko sa kanya nang may sinend pa siya.

"Since I seen your pics, I wish I will dream you ^_< "



Nalaglag ang panga ko at uminit ang pisngi ko.


-------------------------------------------------------

A/N:

SORRY KUNG KONTI LANG. MAY SAKIT KASI AKO. HUEHUE. BABAWI AKO SA SUSUNOD NA CHAPTER

-Ateng Shei WP

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Comes BackWhere stories live. Discover now