FLASHBACK 1

13 3 0
                                    

Flashback


Inaantok akong nag scro-scroll up&down sa facebook ko kasi wala akong ibang kausap bukod sa mga walang kwentang groupchat.



Naisip ko na lang na mag Wattpad at babasahin yung story na malapit ko nang matapos.



Ni hindi ko pa nga natapos ang isang chapter ay dinadalaw na agad ako ng antok.

"Bukas ko nalang to tatapusin" bulong ko sabay pikit ng mata



Nagising ako sa tunog ng messenger na hudyat na may nag message sa akin. Nakalimutan ko palang i-off yung data.



Hindi pa nga ako bumangon ay kinuha ko agad ang cellphone ko.



Inaantok pa ako habang binabasa isa-isa ang mga walang kwentang groupchats.



Pero agad kumunot ang noo ko nang may isang nag chat sa akin.



"Thanks sa add" aniya

"James Arche Villas?" kunot noo kong sabi



Nireplyan ko agad siya ng 'Welcome :)'



Actice 6 hours ago na pala siya. So 2am niya sinend yung message niya sa akin. Since 8am na



Halos maitapon ko ang cellphone ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at sinalubong ako ng sigaw ng mama ko.



"Anong oras na Shei! Cellphone agad ang inatupag mo! Jusko pong bata ka! Bumangon ka na kundi kaladkarin kita jan!" nakapamaywang pa niyang sabi

"Opo" matamlay kong sabi habang kinukusot ang mga mata ko



Naunang lumabas ng kwarto si mama. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas.


11:30 am akong natapos sa lahat ng gawaing bahay. Tapos na rin akong kumain. Kaya naisipan kong buksan ang Facebook ko.



Bumungad sa akin ang 6 messages at 31 notifications.

Nang natapos ko nang tignan ang notifications ko ay tumungo na naman ako sa messages kahit alam kong puro groupchats na naman ito.



Napaayos agad ako ng upo nang biglang nag pop-out yung name niya.

"Yeah" yan lang yung sagot niya pero nireplyan ko parin.



Habang tumatagal ay mas lalo lang akong naiiritang kausapin si James kasi simula nung nireplyan ko siya ay biglang lumabas yung ugali niya. Binubully ako at minumura pa. At napaka kapal din pala ng mukha nito. Halos ikain na niya sa akin ang salitang 'Gwapo siya'. Inaamin kong oo, gwapo siya pero ubod ng yabang naman!

"Bakit ba ang kapal ng mukha mo?" inis kong reply sa kanya pagkatapos niya akong sabihan ng ang gwapo gwapo niya daw para maging elyen.



Napahilamos ako sa reply niyang "Kasi ang gwapo ko?" Ang GGSS nito! Grabe!



Bago pa akong sumabog dito ay napagdesisyonan ko na mag Wattpad nalang kasi kung kakausapin ko pa yun baka sasabog na talaga ako sa galit.



"Ewan ko sayo" reply ko muna sa kanya at pipindutin na sana ang log-out nang nag reply siya agad.

"Iiwan mo ko?"



Napataas ang kilay ko sa kanyang sinabi



"Oo" yan lang ang sinagot ko.



Nalaglag ang panga ko at lumakas ang pintig ng puso ko sa kanyang reply.



"That's the way you are, you will leave us because you wept for us. Am I annoying you? I'm trained to stay behind. I just want to make you feel like I feel"



---------------------------------------------------

NEXT IS FLASHBACK 2!

-Ateng Shei WP

Love Comes BackWhere stories live. Discover now