umiiyak ang anak ni ato habang karga-karga iyun ni celing. dalawang araw na iyong nilalagnat ngunit hindi man lang nila maibili ng gamot.
walang wala sila!
at wala namang makitang trabaho si ato. first year high school lang ang naabot nya, kaya pinanghihinaan agad siya ng loob, sa tuwing maghahanap ng trabaho.
nakatulala siya habang kinaka usap ng asawa, si celing.
"ato, wala ka man lang bang gagawin? may sakit ang anak natin, tapos wala na tayong makain. kumilos ka naman! " maluha luhang saad ni celing. hindi na niya makayanan na marinig ang pag atungal ng anak nila. gulo-gulo narin ang buhok niya. ang strap ng daster niya ay lumaylay na sa braso niya. hindi na niya magawang ayusin ang sarili sa sobrang pag aalala sa may sakit na anak.
samantalang si ato, nakamasid sa mag ina niya!
magulo ang isip!
wala siyang alam na trabaho. matapos matanggal sa pabrika hindi na niya alam kung saan pupunta upang may mapagkunan ng pang araw araw na pangangailangan.
nasa ganoong ayos sila ng may kumatok sa pintuan.
"ako na! " bulalas ni ato ng mahulasan mula sa malalim na pag iisip. tumayo siya at binuksan ang pinagtagpi tagping lawanet na pinto.
tumambad sa harap niya ang nakapamewang na may-ari ng inuupahang bahay, si tina!
derederetso itong pumasok sa loob ng bahay, nakasunod naman sa kanya si ato.
"kayo nga...tatapatin ko na! magbabayad b kayo ng renta o hindi? aba magtatatlong bwan na ah!" nanggagalaiting saad nito.
"ma-magbabayad naman kami eh, wala palang talaga ngayon...." malumanay na tugon ni celing na naupo sa tabi ng anak. "...may sakit lang kasi 'tong anak namin kaya hindi pa namin mapaglaanan."
"aba eh kelan pa kayo magbabayad? baka naman gusto nyo nang maghanap ng ibang bahay at nang mapakinabangan ko itong kwarto!"
"hayaan mo, aabutan kita agad pag nagkapera na kami, wala palang talaga ngayon. nakikita mo naman siguro ang kalagayan namin ngayon?" bawi ni ato na nakatulala sa sahig habang naka upo sa gumegewang na upuang kahoy.
"letse! puro kayo pangako! aba eh daig niyo pa ang pulitikano niyan eh!." galit na tugon ni tina. "kapag di pa kayo nakapagbigay sa darating na lunes, magbalot balot na kayo!" padabog itong tumungo sa pinto bumaba ng lumalagitgit na hagdan at masama ang loob na lumayo.
hindi pa natatagalan, tumayo si ato. dumampot ng damit sa kahon ng labahin. "lalabas muna ako, celing.!" paalam niya sa asawa habang isinusuot ang malibag na damit.
"saan ka pupunta? " tanong ng naguguluhang may-bahay.
"susubukan kong magdelehensya! "tugon ni ato na wala sa loob.
lumapit si celing "bumalik ka kaagad ha! alalahanin mong may sakit ang anak natin!."
"oo! gagawa lang ako ng paraan para magkapera! " mapanglaw na tumitig siya kay celing bago yumakap.
dagli din siyang lumabas ng bahay, sinusog ang naglalawang eskinita patungong labasan.