"o anak! kain na!" alok ni ato habang isinusubo sa anak ang pagkain. "celing kain na."
"andiyan na!" tugon ni celing mula sa labas ng bahay.
"bilisan mo at habang mainit pa itong sabaw." saad ni ato.
nagmadali na sa pagsasampay ng nilabahan si celing, nanaog at humarap sa hapag.
"mamaya magbayad kana uli sa upa dito sa bahay." sambit ni ato habang inaasikaso sa pagkain ang anak. " tsaka yung tubig at ilaw para di na tayo maputulan ulit."
nang mga oras na iyon, nagbago na naman ang mood ni celing.at agad iyong napansin ni ato.
"o ayan ka na naman."
"ato, wala ka bang balak humanap ng matinong trabaho?"
"diba sabi ko naman sayo na ngayon lang 'to? habang hindi tayo nakakaipon ng malaki-laki."
"pero mali na ang ginagawa mo. dapat siguro tumigil kana."
"celing, hindi pa pwede, kailangan natin ng pera.."
"pero 'san ka kumukuha ng pera? diba sa masama? " tugon at tanong ni celing. "paano ang anak natin? gusto mo bang lumaki siya at mamulat sa ganyang buhay. ato wag naman! maghanap ka naman ng marangal na trabaho na pwede nating ipagmalaki sa kanya."
natahimik si ato.
inisip ang sitwasyon.
tama si celing, kailangan niyang itama ang lahat. kailangan niyang isaayos ang buhay nilang mag anak.
"sige, mamaya. sasabihin ko kay cardo na titigil na ako. " usal ni ato mula sa malalim na pag-iisip.
bahagya namang nagliwanag ang mukha ng asawa sa narinig.
"kain na tayo!" pagkasabi ay dinampot ang sandok at kumuha ng kanin sa kaldero.
sa pinto palang ng ware house ni mr.chua dinig na ni ato ang ingay ng palahaw at pagsigaw ng isang babae. sandali siyang nakiramdam. at ng tumigil ang ingay nag madali siyang pumasok.
"pare?" tawag niya "pareng cardo? pare? "
bumungad sa kanya ang isang babae. nakagapos ang kamay at paa, may masking tape ang bibig at may piring sa mata. katabi nito ang isang batang nakahiga na nasa ganoon ding ayos.
at si cardo, nakaupo sa isang upuang bakal. abala sa paglilinis ng baril.
"pare ano ito?" usisa ni ato.
"ito ang bagong buhay natin pare!"saad ni cardo na nakangiti.
"pero pare, kidnapping ito ah.?"
"oo nga! kidnapping nga! malaki ang kita dito pare!" kalmadong tugon ni cardo.
"baka makasuhan tayo nito?"sambit ni ato na napatakip ang dalawang kamay sa mukha.
"eh bakit natin hahayaang makasuhan? edi wag tayo pahuli." tugon ni cardo.
napaupo si ato habang sinasabunot ang sariling buhok. kaninay napadesisyunan lang niyang tigilan na ang trabahong iyon ngunit ngayo'y nadawit na siya sa krimen na maaaring magdala sa kanila sa loob ng rehas na bakal.
"pare pano kung magsumbong sa pulis yung mga kamag anak nito?"
"wag kang mamroblema.malinis akong magtrabaho, kahit nga si boss hindi malalaman 'to eh."
pagdakay narinig na nila ang paghinto ng isang sasakyan sa labas.
"o ayan na yata ang pera natin" sambit ni cardo. "sandali lang pupuntahan ko lang. o eto ang baril,pag kumilos sila ng di maganda ,patayin mo!"
pagkasabi'y dali daling tinungo ang pinto.
ngunit di pa natatagalan, umalingawngaw mula sa malayo ang sirena ng mga pulis. at si cardo, natatarantang bumalik.
"pareng ato! " sigaw ni cardo. "may pulis! ano pang hinihinintay mo?"
"ha? anong gagawin ko?" parang wala sa sariling tanong ni ato.
"patayin na natin 'tong mga ito!"
"pare wag! wala naman silang kasalanan." pigil ni ato na nagawang agawin ang baril kay cardo.
"nababaliw ka na ba! anong gusto mo? tayo lang ang magdusa sa kasalanan natin?" bulyaw ni cardo. "e baka ito pa magsumbong sa mga pulis. patayin mo na, tutal nasa iyo na ang baril, tapos tumakas na tayo."dagdag pa niya na pinagpapawisan. halata sa itsura nito ang takot.
"pare di ko kayang pumatay!"
"tarantadong to! o baka gusto mo namang sumama sa kanila.?" pagkasabi'y hinugot na nito ang isa pang baril at itinutok kay ato.
"pare, kasama ka? o sila lang? mamili ka!"
napapikit si ato. halos wala na siyang kakilos kilos. alam niyang marahas si cardo, at anumang oras ay maaari nitong makalabit ang gatilyo ng baril.
hindi niya malaman kung paano pipili. hindi niya kayang pumatay, lalo na sa mga taong naging biktima ng pagiging sabik ni cardo sa salapi. at isa pa, nakikita niya sa mga ito ang kanyang anak at asawa. pero wala na siyang magawa. kailangan parin niyang piliiin ang mabuhay.
pg.3
"patawad!" bulong niya habang itinututok ang baril sa biktima.
pinagpapawisan at nanginginig ang buo niyang katawan. ang bawat tibok ng puso niya'y waring naghahanap ng kapayapaan. hindi niya kayang pumatay. malinaw iyon. ngunit sa pgkakataong iyon isa lang ang pipiliin niya.
akma na niyang kakalabitin ang gatilyo ng kumalampag ang pinto at nabuksan.
tumambad ang ilang pulis. naging mabilis si cardo. pinatay niya ang mga biktima at nagpaputok ng baril sa mga pulis at sinubukang iligtas ang sariling buhay.
masyadong naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari, na anupat di na namalayan ni ato na pinosasan siya ng mga pulis.
nagising siya sa matinding bangungut na iyon. nakahandusay sa sahig ang dalawang biktima, naliligo sa sariling dugo. at si cardo, nasa isang sulok. tadtad ng bala ang dibdib.
sa presinto, kumalampag ang pintuang bakal. inilabas si ato at dinala sa isang bahagi ng kulungan.
doon niya inamin lahat ng modus ng matandang intsik. isiniwalat din niya ang pagpapakalat nito ng tauhan upang sapilitang mangolekta ng pera sa mga tindahan sa palengke.
dahil sa ginawang desisyon ni ato, nabawasan ang itatagal niya sa kulungan. agad namang nahuli si mr.chua at ang sampung tauhan nito.
napunta naman kay virgie ang lahat nitong ari-arian. wala siyang balak na piyensahan ang matanda.
halos anim na taon bago nakalaya si ato. at muli niyang nakasama ang pamilya. natututo siya! na kahit anumang hirap na pagdaanan. pilit kang lumaban. dahil lahat ng suliranin ay may sulusyon. at wag na wag mong susubukang kumapit sa patalim.
![](https://img.wattpad.com/cover/18543286-288-k10046.jpg)